Chapter 22

10 0 0
                                    

Astrid's POV

May mga pa games na sila at ginawa ko talaga ang best ko na hindi sumali. Ayokong mapagod na husto no.

Eto namang si Angelo sobrang active pala sa mga palaro laro. Pero halatang sporty siya kasi halata sa hubog ng katawan eh. Medyo broad yung shoulders niya tsaka medyo ripped din eh. According sa observation ko lang yun ah.

Natapos na ang mga laro laro at second set of marching na naman. But this time ay kami kami na pipili kung sino ang gusto naming maka partner.

Si Ate Andrea tsaka si Kuya Rain ang magka partner tapos yung partner naman ni Ate Shane ay nasa humss, di ko kilala basta nakikita ko siya sa humss na classroom minsan. Si Mamang naman ay nasa GAS. Habang si Kuya at Megan naman ang magka partner. Ouch!

"Tara Fleur" biglang hinawakan ni Angela yung kamay ko at sobrang nagulat talaga ako.

Dun pa talaga sa harap nila Kuya kami pumwesto. Loko to ah.

"Ayiiieee~" ayan tuloy, inasar kami ni Megan. Mas nagulat ako nung nag intertwine yung kamay namin.

"Aaahhh!" napatili tuloy si Meg tsaka napatingin din sila Mamang sa amin.

"Oh my!!!" shete! Kilig na kilig sila, habang ako naman kinikilabutan.

"Loko kayo" sabi ko naman at nakita ko pang pinicturan kami nila. Powtek yan.

"Bagay talaga kayo" natatawa lang kami ni Angela. Tinignan ko si Kuya. Ang sama na naman ng tingin sa amin ah.

"Oh nakakunot na naman yang noo mo love" sabi ni Megan sa kanya. Hindi niya lang ito pinansin at nagsimula na ang marching.

Nag eenjoy lang kami tapos napunta na sa part na by four. Shet! Kay Kuya pala ako hahawak.

"Hi!" bati sa amin ni Meg. At ayun na nga, magkahawak na kami ng kamay ni Kuya at bigla akong nakuryente nung hinawakan niya ang kamay ko. Putek talaga. Ang higpit pa ng hawak niya.

Shems! Pano ako makakapag move on nito?!

"Fleur andito pa ako" oo nga pala! Hawak din pala ni Angela ang kaliwang kamay ko.

"Huwag kang masyadong mag isip ng kahit ano" bigla niya na namang inintertwine ang kamay namin. Nabibitawan kasi namin ang kamay ng isa't isa sa iba't ibang part ng marching kaya't ngayon na naman ulit na intertwine.

Sa kanya ko nalang dinivert ang atensyon ko pero andun parin yung feeling na nakukuryente yung kanang kamay ko.

"Choco na gatas na gatas na may ice. Ang sarap ng bearbrand, choco na may ice" napakanta na naman si Kuya Rain. Nasa likod lang kasi namin siya.

"Loko talaga tong si Rain oh hahaha" natawa nalang ulit kami ni Angela.

Nung natapos na ay hindi agad binitawan ni Kuya ang kamay ko for like for 3 seconds.

"Shet" napamura nalang ako nung agad na talaga siyang bumitaw.

"Nakita ko yun" sabi agad ni Angela.

"Huwag mo masyadong isipin" tumango nalang ako. Teacher ko nga siya sa pag momove on.

Tapos na ang acquaintance namin at nag enjoy naman ako kahit papano.

"Tara Astrid" pag aaya sa akin ni Ate Van na umuwi.

"Sige Ate. Papaalam lang ako sa kanila" pinuntahan ko na sila Mamang.

"Una na ako sa inyo. Bye"

"Bye Kaori" nag wave nalang ako kay Angela.

"Bye" paalam din nila at nakasabay ko pa si Kuya sa paglalakad papuntang parking lot. Ang awkward kaya't binilisan ko ng konti para medyo mauna ako sa kanya at sumakay sa kotse. Dun na ako sa harap sumakay.

"Ang ganda ng kanta niyo kanina ni Angelo Astrid ah" papuri ni Ate Van tapos sakto namang pumasok na si Kuya sa loob.

"Madali lang yun ate, pa chill chill lang kasi eh" napatingin naman ako sa kay Kuya sa rear mirror.

"May pinapatamaan ka ba?"

"Ate naman" yun nalang ang sagot ko kasi parang totoo naman. Pero tumawa lang ng mahina si Ate Van.

"Everything has changed Vaughnie oh. Nagpaparinig yung kinakapatid mo oh. Ay wait, kinakapatid pa ba?" umirap lang siya at tumingin sa bintana habang naka earphones.

"Ay naku, ewan ko nalang sayo Vaughn. Magsisisi ka talaga sa hindi pag pansin sa kanya" nagulat ako sa sinabi ni Ate at parang luluwa na ang mga mata ko sa gulat.

"Uwi na nga tayo" medyo inis na sabi ni Kuya.

"Galit ka ngayon kasi natamaan ka nga" pang aasar pa ni Ate Van at nginitian lang ako ng nakakaloko at buti nalang ay nagsimula na siyang mag drive.

Tahimik lang kami buong biyahe at nakatingin lang ako sa bintana.

"Yan matulog ka muna Vaughn" sabi ni Ate Van at napatingin ako kay Kuya.

"Kelan mo sasabihin sa kanila? O sasabihin mo pa ba sa kanila?" hashE. By

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon