Chapter 15

10 1 0
                                    

Astrid's POV

Papatapos na kaming kumain dito sa Mcdo.

Buti nalang nag offer si Angela na ihatid ako. Mag iinarte pa ba ako diba?

Nandun na kami sa parking lot at magkakasabay naman sila Mamang habang si Kuya Rain naman ay may sarili naring car. Asensado na ah.

"Bye mga Ate. Ingat sa pag dadrive Mamang ah tsaka ikaw din Kuya Rain" tumango lang si Kuya Rai at pumasok na sa sasakyan niya.

"Bye" nagpaalam na kami ni Angela at pumasok narin sa kotse niya.

Umalis na kami at sinabi ko narin ang address ng bahay namin.

Tahimik lang ako at nag fofocus lang din siya sa pagdadrive.

"Galing mo kanina dun sa stone cold ah" papuri niya sa akin.

"Halata na para sa kanya yun" totoo naman eh. Para sa kanya naman talaga yun.

Tahimik parin ako at iniisip lang ang mga pangyayari.

"By the way. Ano nang plano dun sa Youtube natin?" tanong niya.

"Bili muna tayo ng mga pang recording na gamit"

"Meron na akong ganun sa bahay. Sa bahay nalang kaya tayo gumawa ng mga cover? Kung okay lang sayo" mag iinarte na naman ba ako?

"Sige sige. Kelan tayo magsisimula?"

"Pagusapan muna natin kung anong kanta" nagisip isip muna kami.

"Gawa muna tayo ng pa chill chill lang na kanta. Ano... I see the light muna" sabi niya. Oo nga no, pwede pwede ang i see the light.

"Sige tapos kelan tayo gagawa ng cover?"

"Bukas after ng class. Malapit lang naman kasi bahay namin sa inyo eh. Yung isang kanto tapos pa left then sa dulo. Dun ang amin" aaahy medyo malapit nga lang.

"Sige sige" medyo malayo pa naman ang biyahe kaya't iidlip muna ako. Napagod ako eh.

**********

"Pssst! Pssst! Fleur gising na" niyugyog niya ako pala magising.

"San nga banda ang sa inyo?" tinignan ko kung nasaan na kami

"Nasa harap tayo ng bahay ni Kuya Vaughn. Yung kasunod pa na bahay ang amin" nasa tapat na kami ng gate ng biglang lumabas si Mama.

Agad akong lumabas at nag mano kay Mama.

Hindi pala ako nagpasalamat kay Angela.

"Oy salamat sa paghatid ah" bigla namang lumapit si Mama sa amin.

"Ma si Angelo po pala. Kaibigan ko po. Angela Mama ko" nag mano naman si Angela.

"Pasok ka muna Angelo. May inihanda akong pagkain"

"Naku huwag na po Tita nakakahiya naman po. Tsaka kumain narin po kami sa Mcdo kanina"

"Ay huwag ka nang mahiya. Halika pasok ka" bumaba naman siya at pumasok sa bahay.

"Upo ka" pinaupo naman siya ni Mama at pumunta sa kusina.

"Magkatabi lang pala talaga ang bahay niyong dalawa no?" sabi niya habang tumitingin tingin sa buong bahay namin.

"Yeah" dumating na si Mama na may dalang ulam.

"Kain ka muna dito Angelo" tapos umalis na naman para kumuha ng kanin.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon