Mitzi's POV
"Whooooo! GO ASTRID!" Agad naming cheer pagkapunta ni Astrid sa gitna ng stage. Nakahanda naman ang mga cellphone namin para mag video sa kanya.
"Huy 'san ka galing?" Bigla nalang kasing sumulpot si Vaughn at tumabi sa akin, katabi ko kasi si Megan at napapagitnaan na namin siya.
"Wala, nagpa hangin lang" sabi naman niya pero nabaling ulit ang atensyon ko kay Astrid. Nag start na kasi ang minus one niya. Napasabi nga ang ibang estudyante na sa The General's Daughter na kanta ni Regine Velasquez, ang title ay Ikaw ang aking mahal.
"Ang buhay ko ay sadyang ganito
Pira pirasong mga alaala
'Di ko mabatid kung ano ang totoo
Tadhana'y mailap at 'di na ako makakilos
Ako'y nauubos, ito na ba ang buhay kong taglay" nakakainggit ang ganda ng boses ni Astrid tsaka puno ng emosyon."Nang ako'y nawalan ng pag-asa
Nagpakita ka at ako'y biglang nangarap
Na ikaw na ang magsasalba sa akin" tumingin siya sa direksyon namin pero sa last line ay si Vaughn na ang tinignan niya."Maari bang ako'y iyong yakapin
Maari bang ako'y iyong hagkan
Ikaw ang lahat para sa 'kin
Ikaw na ba ang pag-ibig na naghihintay" parang inangkin na ni Astrid ang kanta ah. Tsaka punong puno ng emosyon, pati facial expression tumpak din eh."Maari bang huwag ka nang lumisan
Maari bang huwag mo na akong saktan" kay Vaughn ulit siya nakatingin at halatang pinatamaan siya sa line yun na huwag mo na akong saktan."Ikaw ang lahat para sa 'kin
Ikaw ang aking mahal" sheeeeettt! Ang buo ng boses niya tapos may support ang high notes."Maari bang ako'y iyong yakapin
Maari bang ako'y iyong hagkan" nalulunod na ako sa kanta ni Astrid. Hindi talaga nakaka disappoint kahit kelan pag siya ang nag perform eh."Ikaw ang lahat para sa 'kin
Ikaw na ba ang pag-ibig na naghihintay" walang sinabi ang kaba niya dun sa high notes niya ah."Maari bang huwag ka nang lumisan
Maari bang huwag mo na akong saktan" shet ba't ganun? Yung kanta regine pero yung feels ay pang moira. Yung ramdam mo ang sakit niya. Empath ka ba bunso?"Ikaw ang lahat para sa akin
Ikaw ang aking mahal" naging mas soft ang boses niya at tumingin sa amin. Pang moira feels talaga ang pagkakanta niya sa part na yun."WHOOOOOO!!" Agad naming pag cheer pagkatapos niyang kumanta, syempre kasama audience impact sa criteria eh. Marami ring pumalakpak sa kanya ah hindi lang sa section namin.
"Bunso namin yan bunso" medyo pa sigaw na sabi ni Rain at napatawa nalang ang ibang estudyante.
"Sana all ganun ka ganda ang boses" nasabi yan ni Megan kasi hindi naman talaga siya kumakanta, mag aapat na taon na kaming magkaklase at narinig ko na siyang kumanta. Hindi naman siya sintunado pero medyo hindi niya lang abot ang ilang notes.
Umupo na kami dahil sumunod naman si Angelo. Maya maya pa ay nakarating na si Astrid sa amin at pinatabi siya ni Megan kay Vaughn at sa akin, so napapagitnaan namin ni Vaughn si Astrid.
"Aaahhh! Ang galing mo bunso!" Medyo mahinang sabi ni ko pero andun parin yung excitement.
"Thank you Mamang" tumahimik naman kami agad dahil nagsimula na ang music ng kakantahin ni Angelo.
**************
Astrid's POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon? Mag thathank you ba ako kay Kuya ulit or hindi? Pero kasi nakaka intimidate na naman ang aura niya eh.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...