Chapter 7

15 1 0
                                    

Orientation lang naman pala ang gagawin namin ngayon and introduction also at ako na pala ang susunod. Pumunta na ako sa harap.

"Good morning everyone. I am Astrid Fleur Martinez, 17 years old and it's nice to meet you all" babalik na sana ako pero may nakalimutan akong sabihin.

"Oh by the way. Marunong po akong mag Tagalog so don't worry" nagtawanan naman ang ibang new classmates ko dahil hindi nila inexpect yun. Bakas sa mukha nila ang pagka bigla nung nagsalita ako ng Tagalog.

"My name is Vaughn Carlos Martinez. 18 years old" ang cold niya.

"So, ka ano-ano mo si Astrid?" tanong ni Maam sa kanya. Tinignan ko siya.

"We're not blood related maam. We just have the same surname"

"I'm an orphan Maam" sinagot ko rin si Maam.

"Aaahh" pero noon ay siya palagi ang sumasagot na kapatid kami pero ako narin ang nagsasabi na ampon ako. Pero ngayon iba na talaga.

"Hello. I am Megan Santos. 17 years old and i will turn 18 this coming friday and you're all invited for my debut" ang ganda na ni Megan. Noon pa naman talaga siya maganda eh pero mas maganda na siya ngayon.

Natapos na ang 1st sub namin.

"Tara guys. Punta na tayo sa Store. Masyado na namang maraming tao dun" sabi ni Mamang. Wait?

"Mamang! Pumayat ka!?" medyo mataba kasi siya noon.

"O diba? Sabi ko sa inyo eh. Matagal siyang makakapansin. Pero tayo na"

"Tara Vaughn" si Kuya na walang ka muwang muwang ay biglang hinablot ni Kuya Rain at sumama siya sa amin.

"Na miss ka talaga namin Bunso" habang naglalakad kami ay niyayakap nila ako.

"Ako rin kaya. O katulad parin ng dati?"

"Katulad parin ng dati" katulad parin ng dati ang o-orderin namin. Ang napaka paborito naming special na empanada at doughnut tsaka Gulaman. Solve ang gutom.

"Na miss ko ang pagkain dito sa Pinas" tig da dalawang empanada at doughnut ang binili ko. Masyado ko kasi talagang na miss eh.

"Hindi ka parin nagbabago. Ang lakas mo paring kumain" sabi ni Ate Shane.

"Masyado kong na miss ang Pinas eh"

"Pwedeng maki join" dumating si Megan.

"Sure" at agad siyang tumabi kay Kuya at magka harap na kami ngayon

"Hi Astrid!" bati niya sa akin.

"H-hi" naiilang ako sa kanya pero pinagsikapan kong ngumiti sa kanya.

Kumain nalang ako at hindi ko mapigilang mapatingin sa kanila. Ang sweet nila dahil minsan ay sinusubuan siya ni Megan.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon