"Guys may nag post ng announcement sa bulletin board" sabi nung isang kaklase kong lalake.
"Ano daw sabi?"
"Acquaintance party ngayong thursday at 1 pm. Tapos ang susuotin ay anime costumes. So parang cosplay ang dating ganern?"
"Parang ganun na nga" dumating yung vice president social ng student council.
"Pang cosplay and dating pero may mga anime namang mga simple lang ang suot" naglakad siya papunta sa inuupuan ko.
"Pwede ka bang ma invite na kumanta sa acquaintance Astrid? Na invite ko na si Angelo tapos sabi niya na kakanta daw siya if kakanta ka rin daw. Narinig ko kasi kayo kahapon at naghahanap kami ng pwedeng mag intermission" nagiisip muna ako. Wala namang mawawala kung kakanta ako eh.
"Sige po. Payag po ako" tapos ngumiti ako sa kanya.
"Salamat sa pag tanggap ah. Sasabihin ko nalang kay Angelo na payag ka na. Bye" umalis na siya at tinignan ako ng mga kaklase ko.
"Naks naman! Kakanta sila Angelo ngayong acquaintance oh" sabi agad ni Kuya Rain na natatawa.
"Anong kakantahin niyo bunso?"
"Hindi pa nga kami nag-uusap eh" nag-iisip na ako ng mga posibleng kantahin namin.
Natapos ang lahat ng morning class namin tapos papunta narin kaming caf.
"Angela!" tawag ko sa kanya dahil papasok na siya sa caf.
"Oh ano nang kakantahin natin?" tanong niya agad sa akin.
"Di ko pa alam eh. May masusuggest ba kayo?" tinanong ko sila Ate pero nagiisip pa din sila.
"Mamaya na nga. Nasakit na ulo ko kakaisip eh" sabi ni Angela na mukhang stress.
"Stress ka na ba?" tanong ni Ate Shane sa kanya.
"Naimbyerna kasi ako sa calculus" napakamot nalang siya sa ulo.
Nagmadali na kaming kumain para makabalik agad sa classroom. Gusto pa kasi naming umidlip eh.
Hindi ako makatulog kaya't naghahanap nalang ako ng kanta. Hanap nga tayo kay Taylor Swift.
Ayun! May nakita ako. Matanong nga si Angela kaso wala pala akong number niya.
Tinignan ko kung natutulog ba si Megan dun sa seat niya. Hindi pala, nagphophone lang siya at katabi niya si Kuya na natutulog.
Nilapitan ko siya.
"Megan may number ka ba ni Angela?" nalito siya kung sinong Angela. May Angela din pala kasi kami dito sa room.
"I mean si Angelo"
"Aahh... Eto oh"
"Salamat" i tetext ko nalang kasi sa kanya yung na suggest kong kanta.
From: Angela
[Ayan! Ganda yan, patama mo sa kanya hahahaha. Practice nalang tayo mamaya after class]
Patama talaga hahaha pero parang ganun narin kasi eh
[Saan tayo magpapractice?]
Sent.
[Sa bahay. Or kung gusto mo sa inyo para maiba naman. Tsaka free foods narin para sa akin. Ayaw mo nun? Makakatulong ka sa iba?]
Loko to ah hahaha.
[Oo na. Sa bahay na tayo mag practice pero pasabay na naman mamaya ah. Para makatulong ka naman rin sa iba]
Natatawa ako sa convo namin hahahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/99668689-288-k749123.jpg)
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...