Astrid's POV
Tapos na ang awarding at hindi parin ako makapaniwala na ako ang nanalo.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa room dahil kukunin ko rin ang mga gamit ko para makapag bihis na. Naka Filipiniana kasi ako.
"Bunso manlibre ka naman" sabi na nga ba't magpapalibre yan sila eh.
"Magpapaluto nalang tayo kay Mama. Oks na tayo?" Napa 'yes' naman sila at agad kong tinawagan sila na Mama dun sila mag didinner sa bahay at sinabi ko narin sa kanya na ako ang nanalo at tuwang tuwa naman si Mama at magluluto raw siya ng marami.
"Dun narin natin gawin ang test sa kanila ni Angelo Mamang" sabi ni Ate Shane at tumango tango naman sila. Umaasa talaga sila no na magkakaspark kami ni Angela.
"Tara Fleur" bigla namang dumating si Angela at lumapit na sa amin.
"Andyan na pala sundo mo oh" pang aasar ni Kuya Rain sa akin kaya't sinuntok ko nalang siya ng mahina sa braso.
"Ang aga pa ah" natigilan sa pang aasar si Kuya Rain sa akin kasi biglang nagsalita si Kuya which i didn't expected. Again.
"Eh bakit? May masama ba kung aayain ko siyang kumain sa labas kasi nanalo naman kami sa contest?" Nakita ko namang kinuyom ni Kuya ang kanyang kamao and his jaw clenched.
"Pwede bang chill lang kayo ha?" Pumagitna naman si Mamang sa kanilang sa dalawa. Nararamdaman ko ang tensyon eh.
"Ang mabuti pa, pumunta nalang agad tayo kela Astrid ngayon na"
"Mabuti pa nga" pag sang-ayon naman nila Kuya Rain at kinuha na nila ang kanilang mga bag.
"Huwag ka nang mag bihis bunso" sabi ni Ate Drea at kinuha ko nalang ang mga bag tsaka yung paper bag na pinag lagyan ko ng sapatos ko.
"Ako na dito Fleur" kinuha naman yun ni Anjo at naglakad na siya paalis at sumunod nalang ako sa kanya.
Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay pero kaming dalawa lang ni Anjo ang nandito. Si Kuya at Megan kasi ay kay Kuya Rain sumabay tapos si Ate Shane at Ate Drea naman ay andun kay Mamang sumabay.
"Grabe ang init ng ulo ng Koya mo. Parang susuntukin na ako kanina ah" natatawa naman niyang sabi.
"Pero huwag kayong mag away ah nang dahil sa akin. Ayoko nang ganun" ayoko kasi talaga ng may nag aaway eh. Ang bigat sa kalooban.
"Oo na Fleur... pero alam mo, may kutob talaga ako na may gusto siya sayo"
"Nonsense and don't give me false hope okay? Asa namang magkakagusto yun sa akin eh girlfiend na nga niya ang pinsan mo eh tsaka ayoko nang paulit ulit na nasasaktan sa tuwing nakikita ko silang magkasama at sweet sa isa't isa. Gusto ko lang namang ibalik yung closeness namin eh" nasasaktan talaga ako pag nakikita ko silang magkasama at sobrang sweet pero the way that Kuya looks in Megan's eyes. Something's missing, kahit na kay Megan lang siya ngumingiti but when he smiles, there's something that's really odd.
"Andito na tayo" nasa harap ng bahay na pala kami at lumabas na ako ng sasakyan.
"Grabe Astrid, ngayon na naman ulit kami nakabalik dito" sabi naman ni Mamang pagkababa nila.
"Astrid sunod lang kami maya maya. Magbibihis daw kasi muna si Vaughn" tumango nalang ako at naglalakad na sila papunta sa bahay nila Kuya.
"Hoy Vaughn walang gagawing masama sa pinsan ko ah" ala! Hindi man lang lumingon si Kuya kay Anjo at natatawa lang si Megan.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...