It's already 5:30 pm pero hindi ako mapakali dahil nalaman kong ngayon pala ang birthday ni Anjo and i don't have something for him. Ni wala man lang siyang celebration. Hindi rin naman kasi namin alam eh na birthday niya ngayon. Ibang date kasi yung sinabi niya.
Nag halungkat lang ako sa ref at may experiment pala ako ng fudgee ice cream cake. Well nagawa ko lang 'to out of boredom eh. Buti nalang dalawa ang nagawa ko kahapon.
May sobra kaming fried chicken kaya't ni recycle ko nalang yun at niluto para mabilis akong matapos.
Hala ano ang magiging regalo ko?... Halos lahat naman ay nasa kanya na eh. Narinig ko naman ang tahol ng mga aso sa kapitbahay namin at may nag pop up na bright idea para sa akin. Wala pala siyang aso kaya't yun nalang siguro ang regalo ko. At least may support system siya.
Buti nalang kamo at may pet shop dito malapit sa amin kaya't dun nalang ako bumili at daming cute na mga tuta pero may isang tuta talagang na love at first ako kaya't binili ko agad.
Pagkabalik ko sa bahay ay buti at nakahanda na ang lahat ng dadalhin ko para kay Anjo at pumunta na ako sa kanila.
Nag doorbell ako at buti nalang ay pinagbuksan niya naman ako.
"Happy birthday to you~ (2x) happy birthday (2x) happy birthday to you~" pagkanta ko habang papasok sa bahay nila.
"Oh regalo ko" inabot ko sa kanya ang lalagyan ng aso at dahan dahan niya itong binuksan.
"Oh my goodness ang cute!" Niyakap yakap niya agad ang tuta.
"Grabe ka Fleur, pano mo nalaman na favorite ko ang mga golden retriever? Nang stalk ka sa akin no? Naku naku ikaw ah, crush mo na ako no?" Huh? Favorite niya yan? Hindi ko alam yun ah.
"Ay ikaw talaga, eh hindi ko naman alam na paborito mo pala yan no. Tsaka ikaw ang assuming mo, hindi kita crush no. Kapal mo talaga" bara ko din. Pero at least bumalik na talaga siya sa dati which is good and bad. The good thing is i'm assured na okay na siya kasi nakakangiti at tumatawa narin siya, the bad thing is mabwibwisit na naman ako sa kanya at mag aaway na naman kami.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?" Nag isip na muna siya ng malalim.
"Since lalake siya, ano... Mikee. Dapat kasi ang name ko ay Michael Angelo pero naging Angelo nalang at sa kanya ko nalang ipapangalan yun pero para mas maikli, Mikee nalang" naks naman, may history pang nalalaman. But not bad.
"Hello Mikee, ang cute cute mo" nilalaro niya lang si Mikee at pumunta na ako sa dining table niya para ihanda ang nga niluto ko. Nilagay ko narin muna ang ice cream cake sa ref niya kasi mamaya pa namin yun kakainin.
"Hey birthday boy kain na muna tayo" pag aaya ko sa kanya at naglakad naman siya papunta dito at umupo.
"You know what, i really don't like to celebrate my birthday mula nung nag 12 ako. Andami kasing masasamang alala na naaalala ko eh" nag iba na naman ang aura niya.
"Edi palitan natin ng masasayang alaala" nakangiti kong sabi at inalayan ko muna siya ng prayer bago kami kumain.
"Uy wait muntikan ko nang makalimutan" sabi ko right after the prayer at kinuha ang ice cream cake sa ref tsaka nilagay ang isang maliit na kandila at sinindihan.
"Happy birthday Anjo. Make a wish" pumikit naman siya at pagkatapos ay hinipan na ang kandila at ngumiti sa akin.
"Thank you Fleur ah. Kahit na frienemy tayo eh nag effort ka parin para ma celebrate ang birthday ko" ang sincere niya ngayon and i find it a little bit weird. Kasi ngayon ko lang na witness sa kanya na may ganto pala siyang side ng pagkatao niya.
"Luh nagdadrama hahaha kain na tayo" binara ko nalang siya kaya ayun natawa naman siya ng konti.
"May lason 'to no kaya nagbabait baitan ka sa akin?"
"Oo may lason yan, nag effort pa nga akong magluto niyan para ma lason ka eh" sumubo na siya ng pagkain.
"Ang sarap pala kapag may lason"
"Gago ka talaga hahaha" kumain na kami at binalik ko muna ang ice cream cake sa ref.
Nanood din kami ng movie habang kumakain kasi ang tahimik pag ngumunguya kami parehas.
"Infairness ah, ang sarap nitong ice cream cake" Kumakain na kasi kami ngayon nung fudgee bar ice cream cake.
"Bakit nga pala wala sila Megan? Diba first cousin kayo?"
"Aware na sila na hindi ko gusto na mag celebrate ng birthday ko eh. Kaya ayun, hinahayaan nalang nila ako pero nagbibigay naman sila ng regalo" naaawa talaga ako sa kanya. Pero nakakabilib din siya, ang dami na niya palang pinagdadaanan.
Pagkatapos naming kumain at mag ayos ng pinag kainan ay nilaro ko muna si Mikee. Ang hyper hyper din kasi niya eh, ang hilig hilig tumakbo.
Nakauwi na ako sa bahay at nakahiga na ako ngayon sa kama. Ang sarap kasi sa feeling na may natulungan ako ngayon kahit na sa simpleng paraan man lang.
*********
Angelo's POV
Instead of crying right now, i found myself smiling. I'm smiling because of Fleur. Hindi ko kasi inexpect na makakapag celebrate ako ng ngayon ng birthday kahit na ayaw ko talaga to be honest. Pero nung binati niya ako at nag bigay pa ng regalo, nakaramdam ako ng saya. Na parang gusto ko nang mag celebrate ng birthday na kasama siya. Shet?! Kasama siya?! Ba't ko naman gugustuhing makasama siya?!
Lumapit naman sa akin si Mikee at nasa isip ko parin si Fleur. Hindi mawala sa isip ko ang mga ngiti niya kanina. Yung ginawa niyang pagpapatahan sa akin, yung ipag eeffort niya para sa birthday ko.
Binuhat ko si Mikee at pinaharap sa akin.
"Ano bang meron sa kanya Mikee?" Nilagay ko nalang siya sa lap at humiga ako sa kama.
Kung sakali ba akong mahuhulog ako sa kanya, sasaluhin kaya niya ako? At kung sakaling sasaluhin niya ako, hindi kaya niya ako iiwan? Takte! Ano bang mga pinagiisip ko?! Nababaliw na ata ako eh. Matutulog na ngalang ako.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...