Tapos na lahat ng klase namin at mag memeeting lang kami para sa mga magiging participant namin sa culmination ng buwan ng wika. May poster making ulit, may pista sa nayon kaya't dapat pagandahan ng design sa mga room, may spoken word poetry pa at may vocal solo, may duet at trio pero depende daw sa mabubunot ng presidente namin at buti nalang ay vocal solo ang nabunot ng president namin.
Hindi na ako ang sa poster making, si Megan at si Kuya na kasi nilagay ako sa vocal solo. Bigla tuloy akong nag palpitate dahil dun.
"Oy bunso okay ka lang? Namumutla ka ah" napansin ni Kuya Rain ang pamumutla ko. Eh kasi naman next next week pa ang competition pero grabe na ang kaba ko ngayon.
"Kinakabahan lang ako sa vocal solo Kuya" hinawakan naman ni Kuya Rain ang kamay ko.
"Grabe ang lamig ah hahaha. Ano ka ba, kaya mo yan no tsaka next next week pa yun. May time ka pang mag prepare at alam naman naming mananalo ka kaya't tiwala lang" may assurance ang ngiti ni Kuya Rain kaya't medyo naging okay naman ako.
"Uminom ka ng tubig para mawala yang pagka tense mo" sabi ni Mamang at tinignan ko ang water bottle ko. Shems wala na palang laman.
"Oh" inabot ni Kuya ang water bottle niya ng hindi ko inaasahan. Nagkatinginan pa kami nila Mamang at hindi din nila inexpect yun.
Hindi agad ako naka respond kasi nga nagulat ako sa ginawa niya. Pero mas nagulat ako nung binuksan niya yun at inilapit sa bibig ko. Dahan dahan ko namang kinuha ang water bottle nang hindi ako tumitingin sa mukha niya.
Pagkatapos kong uminom ay binalik ko rin naman agad yun sa kanya.
"S-salamat Kuya" putek hindi ko mapigilang mapangiti. Eh kasi naman yung act of kindness niya kanina. Ngayon niya lang ulit ginawa yun kahit na cold ang pakikitungo niya sa akin.
Shet kinikilig na naman ako!!! Aahhh ANO BA!!! Mag momove on na nga diba? Kasi pag pinagpatuloy ni Kuya ang mga ganung ginagawa niya sa akin. Mahuhulog at mahuhulog parin ako sa kanya ng paulit ulit tapos hindi naman ako sasaluhin diba? Sinong dehado, ako diba? Kasi may jowa na siya tapos ako nakatali parin sa kanya. Gusto ko nang makawala sa feelings na 'to pero paano?! Kung san sinisimulan ko na ang pag momove on ay dun na ulit kami nagkakaroon ng interaction ni Kuya as... as... kapatid? 'Oo Astrid kapatid ka lang huwag kang pabobo'.
"Ang lalim ng iniisip mo Fleur ah"
"Ay punyemas na unggoy! Kelan ka pa dumating dito ah?!" Sobrang nagulat talaga ako kasi nasa harapan ko siya at medyo malapit pa siya sa mukha ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip eh!
"Ngayon lang hahaha" tumawa lang siya at ngayon ko lang napansin na tapos na pala ang meeting namin.
"Natapos na ang meeting ng nakatulala ka lang uy. Kitang kita kita sa labas" ba't andito parin si Kuya? Nakaupo lang siya sa tabi ko habang nag cecellphone.
"Stalker ba kita ah? Ba't mo tinitignan ang mga kilos ko?" At talagang dahan dahan pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Matapang ako kaya't nilapit ko rin ang mukha ko sa kanya. Kala mo lang ah!
"Ay sorry!" Tumigil ang mundo ko at parang luluwa na ang mga mata ko nung naramdaman ko ang labi niya sa akin.
"Aaahhhh!" Narinig kong tili nila Mamang kaya't agad ko siyang naitulak. Tangina yung first kiss ko!!!!! Napahawak nalang ako sa labi ko at tinignan siya ng masama.
"May video ka ba nun?" Narinig kong sabi ni Kuya Rain na nandun sa likod ni Angela.
"Aray!" Nasuntok ko siya sa braso dahil sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...