"Anjo! Anjo uy!" pag tawag ko kay Anjo na naglalakad papuntang canteen ata pero hindi niya ako naririnig. Tatlong araw na kasi kaming hindi nag uusap eh pagkatapos nung broadway night.
Naabutan ko narin siya at agad na tinapik ang kanyang balikat kaya't napatingin na siya sa akin. Naka earphones naman pala siya eh kaya hindi ako naririnig.
"Oh? Anong meron?" medyo gulat niyang tanong habang papasok kami sa canteen.
"Wa-wala... hindi mo na kasi ako kinakausap ng tatlong araw eh. Nakakapanibago lang" kahit nahihiya akong sabihin yun sa kanya ay sinabi ko parin. Hindi kasi ako sanay na hindi na niya ako kinukulit o inaasar.
"Or baka na miss mo lang ako. Ayyiieee~ si Fleur namimiss ako" bwisit talaga siya kahit kelan pero nasanay na ako. Ang weird nga eh kasi hinahanap hanap ko.
"Hi-hindi kita na miss no" iniwan ko siya dun sa may entrance at pumunta sa cooler para kumuha ng ice cream.
"Hindi raw.. na miss mo lang talaga ako eh" oo totoong na miss ko siya. Hindi ko lang masabi sabi. Hindi ako sumagot sa kanya at iniwan ulit dun para mag bayad na sa cashier.
"Hala silence means yes na miss mo nga talaga ako kaya dahil dyan.. ako na ang magbabayad" siya nga ang nag bayad ice cream ko at kumuha rin pala siya sa ng kanya at sabay na kaming naglakad papunta sa kubo kubo dito.
"Wow na miss niya ako, na miss ako ni Astrid Fleur Martinez" kanina pa yan siya at siniko siko pa ako.
"Tumigil ka nga.. ba't ba kasi hindi mo ako pinapansin at kinakausap ng tatlong araw huh?" sa tuwing makikita niya kasi ako ay bigla bigla nalang iiwas tsaka na busy narin kami sa requirements at malapit na ang final defense namin.
"An-andami ko lang kasing gi-ginagawa eh. Tsaka mukhang busy ka narin kay Vaughn" ba't parang bitter naman ata ang pagkakasabi niya na baka busy na raw ako kay Kuya?
"Anong busy? Busy kamo sa mga requirements no, hindi sa kanya. Ba't naman ako magiging busy sa kanya?"
"You know, ang dami niyong na miss sa isa't isa kaya't kailangang mapunan yun"
"Aaahh" tahimik na muna kaming kumakain ng ice cream.
"Kumusta naman ang feelings mo sa kanya?" hindi ko pala na kwento sa kanya ang nangyari nung broadway night. Kasi kahit sa chat hindi niya sineseen ang messages ko, paano ko makukwento sa kanya diba?
"An-ano naguguluhan ako.. eh kasi nung broadway night ano..." ang hirap na namang sasabihin sa kanya ang nangyari.
"Ano?" naghihintay lang siya sa sasabihin ko.
"Hinalikan niya ulit ako" parang luluwa na naman ang kanyang mga mata kahit na medyo chinito naman siya.
"Ba-bakit niya raw ginawa yun?" medyo hysterical niyang tanong.
"Na-nacarried away daw sa character niya" actually medyo umasa ako nun, na baka may gusto rin siya sa akin.
"Alam ba ng pinsan ko?" umiling lang ako. I heard a big sigh from him.
Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko para kay Anjo at kay Kuya. May nararamdaman na kasi ako kay Anjo na kay Kuya ko lang dati naramdaman eh.
*********
Anjo's POV
Plano ko talagang hindi siya pansinin ng isang linggo. Palagi na kasi silang magkasama ni Vaughn eh kaya medyo nag lay low muna ako. Humingi rin ako ng sign kay Lord na kung siya ang unang mamansin sa akin pag iniiwasan ko siya ng isang linggo ay siya na ang talaga ang para sa akin. But three days pa lang pinansin na niya ako.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...