Astrid's POV
Agad kong sinarado ang pinto pagkapasok ko sa bahay. Putek parang lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko eh. Kinikilig ba ako sa ginawang paghalik ni Anjo? Aaahhh! Hindi parin mawala wala sa isip ko ang ginawang yun ni Anjo.
"Okay ka lang anak? Kanina ka pa nakatulala dyan sa pinto" kanina pa pala ako dito sa pinto. Lumapit naman ako kay Mama para mag mano.
"Yes ma, okay lang po ako. Akyat na po ako sa taas" agad naman akong umakyat patungo sa kwarto at agad na napahiga.
Ba't masaya ako na hinalikan ako ni Anjo sa noo? Imbis na magalit ako sa kanya! Aaaahhh! Mababaliw na ata ako.
-
Christmas party na namin ngayon at nagkakasiyahan lang kaming lahat. Hindi ko na talaga pinapansin si Kuya pag wala naman akong kailangan sa academics sa kanya or pag inaupdate ko lang siya about sa kasal at pag magpapractice kami. Ayokong nang saktan pa ang sarili ko no.
Andito kami sa labas nila Mamang, na agaw kasi ng taga STEM Love ang atensyon namin eh, ang section nila Anjo. Ang ingay ingay nila at halatang nagkakasiyahan.
Humarap ako kela Mamang dahil nagtatawanan sila at napatingin din ako sa loob ng room namin. Konti lang ang tao kasi nasa labas narin halos lahat kami.
"Fleur" narinig kong tinawag ako ni Anjo pero pag lingon ko ay agad niyang nalagyan ng icing ang mukha ko.
"Putek! Aaaahh!" grabe ang daming icing. Nadamay pa ang buhok at ang damit ko. Ang lagkit lagkit!
"Ahahahaha!" nagsitawanan naman ang mga kaklase ko. Tinanggal ko muna sa mukha ko ang mga icing sa mukha ko.
"Bwisit ka talaga!" tawang tawa parin si Anjo kaya't sinugod ko siya at agad na nilagyan rin ang mukha niya.
"Uuuuyyy~ uuuuuyyy~" inaasar tuloy kami ng mga nakakakita sa amin. Andito naman kasi kami sa corridor eh. Umiinit na naman ang mukha ko, pati tenga.
Lumapit ako kela Mamang at agad ring pinahiran ang kanilang mga mukha.
"Uy uy kayo dyan" tinawanan lang nila ako.
"Pero bunso ang pula ng tenga mo" pang aasar pa ni Kuya Rain. Arg! Umalis nalang ako dun at pumunta sa cr para mag punas. Putek ang lagkit talaga ng icing sa balat.
Sumunod naman sila Mamang sa akin.
"Ang pula parin ng tenga mo bunso" sabi pa ni Ate Drea.
"Kinikilig ka na ba pag inaasar ka namin kay Angelo?"
"Hindi Ate Shane ah" tinatanggal ko na ang icing ko sa sink kaya't kitang kita ko parin kung gaano ka pula ang tenga ko. Ba't ba kasi maputi ako? Ayan tuloy.
"Talaga ba bunso?" umirap nalang ako sa kanila kaya't mas lalo silang natawa.
Tinanggal ko nalang ang ipit ko at nilugay ang wavy na buhok para matakpan ang namumula kong tenga.
Naglalakad na ako pabalik sa room at napapatingin naman ang mga estudyante sa akin. First time ko rin naman kasing mag lugay ng buhok eh. Palagi lang akong naka bun or ponytail. Minsan pag trip ko ay naka braid naman. Mainit kasi eh.
Nakarating na ako sa room pero nakatalikod parin si Anjo sa akin habang kausap ang mga kaklase ko. Yung mga kaklase ko naman nakatitig lang sa akin kaya't naputol ang pagsasalita ni Anjo at tumingin sa akin. Nawala narin ang icing niya sa mukha at nakapagpalit pa ng damit.
"Ba't natulala ka Gelo?" pang aasar pa nila Mamang pagkadating nila.
"Ka-kasi si Fleur. Y-yung buhok niya eh. Na-nakakapanibago" ba't nauutal naman ang isang 'to?
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...