Ang tambayan pala namin ay ang nature park dito sa amin. Nakakarelax kasi ang ambiance dito.
Umupo kami sa damuhan na kaharap ng lawa.
"Ang bilis ng panahon no? Next week na ang birthday mo"
"Oo nga Kuya eh. 15 na ako. Tapos sa April 2 narin ang birthday mo. 60 ka na---"
"Anong 60!" nainis siya sa sinabi ko pero tinawanan ko lang siya.
"Bingi karin eh no! Hahahaha 16 ka na. Oo na, 16 ka na sa April 2. Ang tanda mo na"
"Grabe naman kung makasabi ng matanda to oh"
"Totoo kaya. After two years, pwede ka nang ipakulong kaya't mag tino ka na Kuya"
"Matagal pa yung 18th birthday ko no. Pero ang bilis talaga ng panahon" kanina pa siya sabi ng sabi niyan ah.
"Kanina ka pa"
"Pikit ka nga Hana"
"Bakit naman? Baka i prank mo lang ako" pinapipikit kasi ako niyan pag may prank siyang ginagawa.
"Hindi. Pikit ka na kasi. Promise, hindi ito prank" Pumikit nalang ako at pumunta siya sa likod ko na at may malamig ma bagay akong naramdaman sa leeg ko.
"Dumilat ka na" tinignan ko kung ano yun. Isa siyang kwintas na may broken heart at may naka sulat na part tapos may part, i and then cri. Partners in crime pala yun. Si Kuya ang may suot nung isang pair. Tapos sa akin ay may nakalagay na sister, sa kanya naman ay brother. Oh diba? #KapatidZone ako.
"Huwag mong wawalain yan ha. Dapat makikita ko parin yan after 10 years" sabi niya.
"Pustahan naman tayo. Kung sino ang makikita nating hindi nakasuot nito. May punishment" suggest ko sa kanya.
"Sure. Sa loob ng sampung taon ha"
"Yeah"
"Alis na tayo. Gusto kong kumain"
"Ako rin eh. Nagutom ako" umalis na kami doon at pumunta sa kalapit na park dito. May nagtitinda dito ng ice cream, shake, gulaman, manggang hilaw, kwek kwek, isaw at marami pang iba.
Kumain muna kami ng kwek kwek at balut at panghuli ang ice cream.
"Kulang pa" nakulangan ako sa ice cream at bumili pa.
"Uwi na tayo Hana. Mukhang uulan eh" sabi niya at tama nga ang sabi niya. Mukhang uulan na anytime.
Umalis na kami doon pero bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan at hindi pa kami nakakaabot sa bahay.
Sumilong na muna kami sa isang waiting shed at hinihintay na tumigil ang ulan.
"Aaahhh!" bigla nalang kumulog ng malakas at natakot ako. Nandito na naman ang sakit ko. Nag hahyperventilate na naman ako kasi may traumatic experience ako sa mga ganun.
"Hingang malalim Hana. Inhale exhale" alam ni Kuya kung paano ako pakalmahin dahil ako mismo ay hindi masyadong marunong magpakalma sa sarili ko. Nanginginig kasi ako at nahihirapan akong huminga pag natatakot sa kulog o kahit anong biglang pumuputok.
"Inhale exhale" pagkatapos nun ay kumalma naman ako.
"Okay ka na?" nag nod lang ako. Pero bigla na namang kumulog at niyakap niya ako.
"Huwag kang matakot. Nandito lang si Kuya" pinapakalma niya ako at kinantahan niya ako ng heart like yours ni Willamette Stone. Paboritong kanta namin to sa movie ni Chloe Moretz na If i stay.
"Breathe deep, breathe clear
Know that I'm here
Know that I'm here
Waitin'Stay strong, stay gold
You don't have to fear
You don't have to fear
Waitin'I'll see you soon
I'll see you soonHow could a heart like yours
Ever love a heart like mine?
How could I live before?
How could I have been so blind?You opened up my eyes
You opened up my eyes"Aahhh, nakaka kalma talaga ang boses niya dahil malamig.
Tumagal na kami doon ng 30 minutes pero hindi parin tumitigil ang ulan. Nangangalay na ang paa ko dito kakatayo.
"Ang tagal namang tumigil" hindi ko na kinaya at nag reklamo.
"Maligo nalang tayo Hans. Tara!" Hinablot niya ako at naligo ng ulan.
"Ang lamig!!" napasigaw ako dahil ang lamig talaga at mas lumakas ang ulan.
Nag enjoy nalang kami sa pag ligo habang nag hahabulan papuntang bahay.
"ahahaha" tawa kami ng tawa dahil may nakita kaming mga bata na naglalaro rin sa ilalim ng ulan at nahulog sa kanal. Tinulungan namin at nababalot sila ng dumi ng kanal at ang itim ng mga paa na para bang naka foot sock ng itim.
"Nakakaawa sila pero hindi ko mapigilang tumawa" sabi ni Kuya na at kaming dalawa ay halos mangiyak-ngiyak na sa kakatawa.
"Hay! Tama na nga to. Nagiging bully na tayo ah" tawa parin siya ng tawa. Napangiti nalang ako habang tinitignan siyang tumatawa at nakahawak pa sa tiyan niya.
"Hahaha-- o bakit ka nakangiti diyan?" tumigil siya sa pagtawa. Sana ganito nalang kami palagi.
"Wala lang. Ang saya mo kasing panoorin Kuya. Na OJ ka kasi dun sa bata. Hahaha, sana ganyan ka nalang palagi"
"Huh!? Para na akong baliw niyan? Palaging tumatawa" hahahaha na misinterpret niya ang sinabi ko.
"No, what i mean is sana palagi kang masaya. Ayaw kong nakikita kang malungkot. Nalulungkot rin kasi ako eh. Gusto kong makita palagi ang mga ngiti mong hanggang tenga at nawawala ang mga mata" chinito kasi to.
"Ikaw rin ha. Huwag mo kong pakitaan ng malungkot mong mukha. Dapat hindi nakikitang umiiyak dahil parang sinasaktan rin ako. Dapat makikita ko rin palagi ang matamis mong mga ngiti at ang chubby cheeks mo. Ang cute cute talaga ng kapatid ko" inakbayan ako tapos kinurot ang magkabilang pisngi ko.
"Ang arte mo" pinalo ko siya.
"Minsan lang kaya ako ganito. Promise natin sa isa't-isa ha na dapat ay palagi tayong naka ngiti kahit na may mga problema"
"Promise" nag pinky swear kami with a twist.
Nandito na pala kami sa bahay ng hindi ko na naman inaasahan. Gusto ko pa sanang hindi tapusin ang araw na to.
"Sa susunod na naman Kuya ah. Pag na stuck tayong dalawa sa ulan at naghihintay na tumigil ang ulan. Huwag na tayong maghintay, maligo agad tayo at promise na naman natin to"
"Promise Hana. Pasok ka na. Alam kong giniginaw ka na. Thanks for the day" sana hindi na to matapos.
"Matsalam din Kuya. Bye" sabay kaming pumasok sa kanya kanya naming gate.
Hinding hindi ko malilimutan ang araw na to. Ang saya kahit na simple lang yun at may alaala na ako pag uulan.
*******
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...