Vaughn's POV
"Anak this is Astrid" may ipinakilala sila Mama sa akin na batang babae na parang manika. Yung katulad sa laruan nila Ate.
"Siya naman si Kuya Vaughn mo Astrid" ang ganda ganda niya pero nasa likod lang siya ng Mama niya.
"Hi Astrid" pagbati ko sa kanya ng nakangiti. Pinilipit pa siya ng Mama niya na lumapit sa akin.
"H-hi Kuya Vaughn" nahihiya niyang sabi at ang cute niya lang.
Simula nun ay siya na palagi ang kalaro ko at classmate kami palagi at hindi na kami mapaghiwalay.
Grade 5 kami nun nung parang may nararamdaman akong kakaiba para sa kanya. Tinuturuan ko siyang mag gitara kaya't nahahawakan ko ang kamay niya. Parang nakukuryente ako habang hinahawakan ang kamay niya. Tapos one time may kasama siyang ibang lalake na nakaakbay sa kanya. Parang kumulo ang dugo ko sa kaklase namin nayun at naiinis ako pag nakikita sila.
Grade 6 ay may nagkaka crush crush daw sa akin na mga kaklase ko at inaasar pa ako ni Astrid. Naiinis ako kasi siya naman ang crush ko eh pero inaasar niya ako sa kanila.
Grade 7 na kami at medyo tumatangkad na si Astrid. Nagka mens narin siya na ako pa ang unang nakakita kaya't hiyang hiya siya nun kasi Kuya niya naman ako eh. Oo Kuya niya lang ako at hanggang magkapatid lang kami.
Grade 8 na kami pero kahit maraming babae ang nagkakagusto sa akin ay siya parin ang pinipili ko. Tinatanong niya ako kung sino daw ang crush ko sabi ko nasa malayo. Pag tinatanong ko rin siya ay sasabihin niya lang na wala raw.
Grade 9 kami pero siya parin ang pinipili ko araw-araw. Sabi pa nga nila na baka love na raw nararamdaman ko para sa kanya. Totoo nga ang sabi nila, inlove na nga talaga ako sa kinakapatid ko. Pero baka ma reject niya lang ako kasi nga Kuya lang ang turing niya sa akin. Dumating naman sa landas namin si Megan. Oo nagka crush ako sa kanya pero bumabalik parin ako kay Hana eh.
Grade 10. Hindi ko na alam kung ano nang nangyari kay Hana, hindi na siya nagpaparamdam sa amin at sobrang nasaktan talaga ako nun. Umiiyak ako gabi gabi dahil namimiss ko na siya ng sobra. Kinalimutan ko na nga muna ang music kasi siya lang ang naaalala ko at mas lalo ko siyang namimiss. Unti unti ko namang napapansin si Megan kasi medyo nakikita ko si Hana sa kanya. We became close and eventually niligawan ko narin siya. Nagbabakasakaling malimutan ko si Hana.
Grade 11 na at kami ni Megan pero nakokonsensya na ako kasi hindi parin ako nakakamove on kay Hana. Siya parin ang laman ng puso ko at ginagawa ko lang na panakip butas si Megan. Kasi kahit anong gawin ko ay pinipili ko parin araw-araw si Hana eh. I'm still inlove with her.
Isang gabi bago mag pasukan sa grade 12 ay narinig kong bumukas ang gate nila Hana. Agad akong napasilip sa bintana para makita kung bumalik na ba sila. Kaso nakapasok na sila sa loob. Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at muli ko siyang nakita. Nakatingin rin ito sa direksyon ko pero hindi niya ako nakikita kasi nakasarado ang bintana ko pero nakasilip lang ako dito ng konti. Mas gumanda siya lalo at mas dalaga na siya. Napangiti ako ng makita ko siyang muli. Nakatulog ako nung gabing yun ng may ngiti.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok kasi excited na akong makita siya. May kumatok sa pinto habang kakasimula pa lang ng orientatiom namin. Ipinagdarasal ko nung time nayun na sana ikaw yun. And God didn't failed me, ikaw nga ang iniluwa ng pinto looking so beautifully. Nagtama muli ang mga mata natin, oo naka poker face ako pero sa kaloob looban ko ay gusto gusto ko nang tumakbo papunta sayo at yakapin ka ng mahigpit na parang mababali na ang mga buto mo. Pero hindi ko magawa kasi gusto kong suyuin mo ako kasi bigla bigla ka nalang nang iwan eh.
Nagpatuloy parin ako sa pagiging cold sayo kasi nainis ako sa sinabi mong gusto mo lang i test ang friendship natin. Dalawang taon ang nasayang dahil dun kaya't naging hard ang pakikitungo ko sayo pero lumambot parin ako sa tuwing nakikita ko ang magaganda mong bughaw na mga mata. You're blue eyes is so irresistable.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...