"Oh no!" nagmamadali na akong kumilos dahil late na ako. Malalagot talaga ako nito.
Nagmamadali na akong bumaba sa hagdan.
"Bye Ma"nandun si Mama sa Dining area.
"Hindi ka lang ba kakain?"
"Hindi na po, late na ako eh"
"Catch!" binato ni Mama ang apple at buti nalang ay nasalo ko.
"Thanks Ma. Bye!" nagmadali na akong pumasok sa kotse at humarurot naman si manong Milan.
"Salamat po manong. Text ko nalang po kayo mamaya" agad akong bumaba pagkarating namin sa school.
"Sige Astrid" tumakbo na ako papuntang room.
"Good morning Ma'am!"
"Hahahahahahaha" arg! Akala ko naman na nandito na si Ma'am!? Ayan tuloy, pinagtawanan ako ng mga classmates ko. But no worries, mga wala na kaming mga hiya sa isa't isa dahil classmates kami simula kinder at hanggang ngayon na grade 9 na kami.
"Huy! Bakit ka late?" grabe! Kakaupo ko lang, yan agad ang itatanong!?
"Let me guess. Naglaro ka na naman kagabi no?" Wala talaga akong takas sa kanila.
"Patay ka talaga kay Mamang" okey fine. Inirapan ko nalang sila pero tinawanan lang ako.
Mabuti nalang at natahimik na sila dahil dumating na si Ma'am.
Ang unang nagsalita kanina si Vaughn Carlos Martinez. Siya ang pinaka close ko sa mag barkada pero 1 year ang gap namin kaya naman Kuya ang tawag ko sa kanya. 1 year advance kasi ako sa pag-aaral kaya naman ako ang pinaka bunso sa room namin.
Sumunod naman si Andrea Villaruel. Medyo strikto yan pagdating sa akin dahil ako ang bunso sa mag barkada pero bubbly ang personality niyan. Tsaka abnormal din.
Next is Shane Perral. Yan ang mahilig magsumbong sa akin kay Mamang. Pero nagkakasundo kami pag may itro-troll kami.
At kung nagtataka kayo kung sino si Mamang. Si Mamang ay si Mitzi Frias. Tinawag namin siyang Mamang dahil siya ang tumatayong Ina sa grupo namin. Para naman kasi siyang nanay kung umasta eh lalo na sa akin.
Pagkatapos ng two subjects ay umalis na kami sa room para mag break. Bumili na muna kami ng pagkain pagkatapos ay pumunta sa tambayan namin. Ang music room.
"So, bakit ka nga ba na late Astrid?" pag oopen ng topic ni Ate Andrea.
"Matagal lang akong nakatulog kagabi" kinakabahan ako.
"Matagal natulog dahil naglaro ka pa ng dota?" Mamang naman eh.
"Parang ganun na nga"
"Yan na nga ba ang sinasabi namin eh. Dahil talaga sa iyo Rain eh. Kahit ano ano nalang ang tinuturo mo diyan sa pinsan mo" wahahahaha nadamay si Kuya Rain. Rain Lopez, pinsan ko yan sa side ni Mommy.
"Ba't nadamay ako dito?" ang gulo talaga namin.
"Tama na nga yan. Hindi ko na uulitin yun okay? Tsaka malapit narin kayang matapos ang school year. At bukas na ang recital natin, kailangan na nating mag rehearsal" para matapos na sila sa pag-aaway.
"May point ka rin" sabi nila. Umalis na kami doon dahil start na naman ng next subject.
Medyo hindi ako naka focus ngayon sa lesson namin dahil inaalala ko ang recital bukas. Inaabangan ko kasi si Kuya, yung totoo kong Kuya. Nasa states kasi siya ngayon, nag-aaral ng medicine. Ang sabi niya sa akin noong nakaraang araw na uuwi daw siya. Eh dapat kahapon pa siya nandito, yun kasi ang sabi niya. Hanggang ngayon wala parin siya.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...