Chapter 38

13 0 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nung pangyayari sa kwarto. Pero hindi parin maalis alis sa isip ko at palagi ko parin siyang naiisip sa tuwing pumipikit ako. Arg! Pwede bang mawala na 'to sa utak ko?!

Isang linggo naring hindi kami nag uusap ni Kuya na para bang bumalik kami sa dati nung pagbalik ko. Hindi niya ako pinapansin at naging cold na ulit siya sa akin. Ba't pa ba kasi nangyari yun?!

"Fleur hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo" sabi ni Anjo. Nakatulala lang kasi ako ngayon eh. Iniisip yung mga nangyari. Binaling ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.

"Huy okay ka lang? Wala ka na naman sa sarili mo" pauwi na kami ngayon ni Anjo.

"Okay lang ako" tipid kong sagot saka nakatingin lang ako sa bintana. Nakatulala lang ako magdamag at bigla naman kaming huminto ni Anjo.

"Uy, a-anong ginagawa natin dito?" tinggal na niya ang kanyang seatbelt.

"Kakain, wala ka sa sarili mo eh" nauna na siyang bumaba at nakita ko namang nasa food centrum kami. Kumatok naman siya bintana ko at sinenyasan akong lumabas na edi lumabas na din ako.

Pinaupo niya nalang muna ako sa bakanteng table at siya na ang nag order. Mamaya ko nalang daw siya babayaran.

Tumitingin tingin na muna ako sa mga food stalls dito. May pizza parlor, ice cream shop, meron ding pastry shop, may milk tea shop, coffee shop at marami pang iba. Tsaka rustic ang theme ng lugar nila ah. Ang ganda.

"Ganda no?" nakaupo na pala si Anjo sa harapan ko.

"Oo" medyo nagugutom narin pala talaga ako eh.

"Ano bang bumabagabag sayo ha? Simula nung monday hindi na kayo nagpapansinan ulit ni Vaughn, at cold cold niya ulit sayo. May nangyari ba nung sem break?" tuloy tuloy niyang sabi.

"An-ano kasi... arg! Ang hirap sabihin" napakamot nalang ako ng mariin sa aking buhok.

"Nagiging bruha ka na naman. Ayusin mo nga yang buhok mo" napayuko nalang ako kasi parang hindi ko kayang sabihin sa kanya.

Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin at tinanggal ang ipit ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya at tinalian ang buhok ko ng ponytail lang.

"Uy Fleur andito na ang order natin" umayos na ako ng upo at dumating na nga ang inorder niyang pizza, buffalo wings at french fries. Dumating narin ang drinks at may frappe pa.

"Wow.. nakakagutom" kumuha na agad ako ng isang manok at agad na kumain.

"O diba? Pagkain lang ang magpapa okay sayo" sabi niya na medyo natatawa.

"Ano ba kasi yung problema mo ha? Kasi pag sinabi mo libre ko nalang 'to lahat" nagulat naman ako sa sinabi niya. Tumigil na muna ako sa pagkain at uminom ng iced tea at huminga ng malalim.

"Oo na sasabihin ko na pero huwag kang mabibigla ah" ni ready ko muna ang sarili ko at huminga ulit ng malalim.

"We kissed" parang luluwa naman ang mga mata niya sa gulat.

"H-huy seryoso k-ka?" hindi na naman 'to naniniwala sa akin.

"Oo nga seryoso ako" bumalik narin ako sa pag kain.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon