Chapter 40

9 0 0
                                    

Astrid's POV

1 month nalang ang natitira namin panahon para mag prepare kami ni Kuya sa kasal ni Ate Van. Nagsisimula na kasi akong kabahan eh kasi hindi parin kami nag uusap. Binigyan narin kami ni Ate Van ng mga kakantahin sa ceremony at reception. Tapos bahala din kami kung dadagdagan ba namin ang mga kanta para sa reception. Medyo nakakastress siya dahil kay Kuya eh.

Kakatapos lang ng klase namin at isang linggo narin akong nag iipon ng lakas ng loob para kausapin siya tungkol para dun. Ang hirap hirap na kiya kasing i reach out eh.

Huminga na muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Kuya kelan tayo magpapractice para sa kasal ni Ate Van?" buti nalang nairaos ko. Hooo! Kaya mo yan Astrid!

"Kung kelan mo gusto. Ibigay mo lang sa akin ang listahan ng lahat ng kakantahin at tutugtugin. Kanya kanya muna tayong practice" cold niyang sabi tsaka bigla umalis ng room. Kung kelan ko gusto?! Edi sinabi niyo nung nakaraan pa! Pucha naman eh.

Nauna narin ako kela Mamang na umalis at pinuntahan si Anjo. Sa kanya na ngalang ako magpapatulong para sa iba pa naming mga kakantahin sa reception. Nakakainis naman kasi si Kuya eh.

Hinintay ko na munang makalabas si Anjo bago ko siya nilapitan.

"Uy patulong naman oh" dapat kasi nag papractice na kami ngayon ni Kuya eh.

"Para saan?" naglalakad na kami ng dahan dahan papuntang parking lot.

"Para sa kasal ni Ate Van, kami kasi ni Kuya ang mga singer eh tsaka pati instrumentals din. Kaso ang problema, hirap akong mag hanap ng iba pang mga kanta para sa reception. Tulungan mo naman akong mag isip oh. Sige na ililibre naman kita eh" pag sinabi kong libre papayag agad yan.

"Sige ba" see? Umalis na kami at nag drive lang siya ng hindi namin alam kung saan kami pupunta. Basta mag roroad trip lang kami para makapag isip isip ng mga magagandang bagong kanta pang kasal.

"Check mo nga playlist ko sa phone" kinuha ko naman ang phone niya. Hala ngayon ko lang na realize, ngayon ko pa pala makikita kung anong meron sa phone niya. Ang wallpaper niya ay si Mikee, ang cute cute talaga ni Mikee. Agad ko namang hinalungkat ang playlist niya.

"Dear Evan Hansen? Nakikinig ka rin ng broadway?" kumpleto kasi dito ang lahat ng kanta ng Dear Evan Hansen eh. Nga pala, ang Dear Evan Hansen ay isa siya broadway show at starring dun si Ben Platt, basta nasa pitch perfect yan siya. Mahilig kasi ako sa broadway eh, gusto ko ngang sumali sa mga theater theater eh.

"Oo, mahilig ako sa broadway actually. Kaso wala namang nakakarelate sa akin kaya sinasarili ko nalang ang pag fafanboy sa mga broadway shows" sabi niya habang naka focus parin sa daan.

"Huy pareho pala tayo! Pinaka favorite ko nga ang Dear Evan Hansen eh" nagpatugtog agad ako ng Waving through a window.

"I've learned to slam on the break" sabay naming kanta at napapangiti ako. Eh kasi at last may kakilala na akong mahilig din pala sa broadway. Yun pala nakakasama ko pala everyday.

"Waving through a window oh i tried to speak but nobody can hear so i wait around for an answer to appear" patuloy parin kami sa pagkanta at bagay din sa kanya ang kanta ah.

"Waving! Waving!" Grabe ang taas din ng boses niya. Kinilabutan tuloy ako dun.

"Grabe ang effortless mo dun sa waving waving ah" papuri ko sa kanya.

"Oh well thank you. Ikaw naman ang kumanta" Requiem ang sinunod ko.

"Why should i play this game of pretend?
Remembering through a second hand sorrow" pagkanta ko at in character din ako syempre.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon