"Ba't ang tagal mo?" sabi agad ni Mamang pag dating ko at niyakap na naman ako.
"Wala lang. Mang, hindi ka ba nagsasawang yakapin ako?" kanina pa kasi to.
"Hindi, eh masyado kitang na miss. Kayo ba?" tumayo sila niyakap ako. Except kay Kuya.
"Syempre naman" nag group hug kami at agad naman silang kumalas.
"Teka. Kelan ka pa natutong mag lip tint huh?" napansin ni Ate Shane ang labi ko.
"Mwehehe. Nung grade. 11. Influence lang to ate, kayo nga rin eh" naks naman talaga. Naka lip tint narin ang mga ate ko.
"Vaughn! Ba't hindi ka sumali? Kapatid mo to oh! Bunso kaya natin to. Hindi mo ba siya na miss? Eh ikaw nga yung palaging naghahanap sa kanya noon. Ikaw yung paranoid pag wala siya. Ikaw yung unang yumayakap sa kanya pag nakabalik na siya galing sa ibang lugar. Eh ba't ngayon? Parang wala nalang sayo? Ano bang nakain---" bigla siyang tumayo at pinakain si ate Drea ng mga gummy bear. Oo ng pala, palagi yang may dalang gummy bear.
Nag walk out siya bigla at sinundan naman siya ni Megan. Nasaktan ako sa ginawa niya.
Hindi na talaga siya ang dating kong Kuya. Hindi na siya ang dating Vaughn na nakilala ko. Hindi na kami katulad ng dati at malabong babalik pa kami dun.
"Nag bago na nga talaga siya" sabi ko at tinignan nila ako.
"Simula kasi nung umalis ka. Naging iba na siya. Hindi na siya ang dating Vaughn na nakilala natin noon. Nag aaway na kami dahil palagi niyang sinasabi na hindi ka na babalik at nakalimutan mo na kami sa tuwing nababanggit namin ang pangalan mo. Hindi na siya sumasabay sa amin minsan at palagi niya lang kasama si Megan at ang barkada nito. Ibang iba na talaga siya ngayon" napa luha ako sa sinabi ni Mamang.
"Huwag ka nang umiyak. Babalik din tayong lahat diyan at magiging okay lang ang lahat" pag comfort nila sa akin.
Dumating na ang prof namin at dumaan ang ilang minuto ay bumalik narin sila sa room.
Hindi man lang niya ako tinignan nung papasok sila.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...