Chapter 17

8 0 0
                                    

Pina assignment nalang ni Maam sa kanila ang activity kasi hindi pa nila nasasagutan.

Ang next teacher namin ay si Ate Van. Siya kasi ang teacher namin sa Practical Research 2.

"Good morning class"

"Good morning maam" ang weird. Tinatawag ko siyang maam.

"So kung last sem ay by 4 ang grupo niyo at maraming reklamo kasi hindi daw tumutulong ang iba. Kaya naman gagawin niyo ang research paper niyo ngayon by two's. And gagawin niyo na ang research paper niyo this whole school year" tapos tumingin si Ate Van sa akin.

Tinatawag na ni Ate Van ang magkaka grupo.

"The two Martinez" what?! Magka grupo na naman kami ni Kuya?! Ito ba yung meaning ni Ate Van kanina kung ba't siya nag wink sa akin?

"Aish!" sabi ni Kuya at tumingin siya sa akin.

Di ako magpapaapekto kung ayaw niya akong kasama. Basta gagawin ko nalang to para sa grades.

Natapos na si Ate Van sa pagdidiscuss at dinismiss na kami para makapag usap na daw by partner kung ano ang magiging topic namin.

"So Kuya--" bigla nalang siyang umalis at sinundan si Ate Van papalabas ng room kaya't sinundan ko rin sila.

"Ate! Ba't siya ang kasama ko?" nag eavesdrop lang ako dito sa may pinto.

"Sa bahay ka na mag reklamo. May klase pa ako sa ibang section" tapos umalis na si Ate Van at bumalik na siya sa room at nakita niya agad ako. Ang sama na naman ng tingin sa akin at bumalik na kami sa upuan namin.

"Gawa na tayo ng topic" ma awtoridad kong sabi kasi paalis na sana siya. Kesa naman sa wala kaming gawin ngayon diba?

"Gawin nalang natin ang kailangan nating gawin for the sake of grades. Para naman maging productive tayo" kailangan kong magpakatatag habang kasama ko siya.

Bumalik siya sa pagkakaupo at humarap sa akin na may matalim na tingin sa akin.

"Bakit ba ayaw mo akong maka partner huh?" nakakabanas na kasi eh.

"Gawin muna natin kung anong kailangan nating gawin kagaya ng sinabi mo" baka mag away pa kami nito.

"Okay okay" kinuha ko na yung papel ko.

"Mag hanap muna tayo sa internet ng pwedeng maging basehan ng magiging topic natin" sabi ko at buti nalang ay ginawa niya rin naman ang sinabi ko.

Nagusap na kami sa mga posibleng topic namin at inilista lahat. Pati yung mga objectives. Ang sakit nito sa ulo!!

"Kailangang matapos natin to ngayon bago umuwi" hindi na kami na break kanina at nagpa bili nalang kami ng pagkain kanilang Mamang para matapos agad ang topics namin.

Sinulat muna namin ang magiging research title tsaka yung objectives sa papel.

"Ako na ang gagawa ng powerpoint nito Kuya"

"Sige sige" sabi niya tsaka umayos ng umupo. Idedefend kasi namin to ngayong Wednesday eh.

Wala pa namang teacher kaya nakain muna ako ng bread pan na red. My alltime favorite snack.

"Oh" syempre inoffer ko rin kay Kuya. Alangan namang ako lang ang kakain.

Kumuha naman siya pero hindi man lang nagpasalamat. Naalala ko tuloy yung dati. Kahit magkagalit kami niyan, pero pag may pagkain ako kukuha at kukuha parin yan.

Nilagay ko nalang sa gitna ang bread pan tapos sabay naming kinain.

Dumating na ang next teacher namin at nakinig na kami ng maayos.

*********

Natapos na ang class at papunta kaming cafeteria kasama sila Megan at Kuya.

"Wazzup mga pre" biglang dumating si Angela at inakbayan pa ako.

"Oy oy" tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Huwag ka nang mag inarte Fleur. Parang di naman tayo magkaiban eh"

"Feeling close ka din Angela eh" hindi niya parin tinanggal ang kamay niya hanggang sa pumila na kami.

Umupo kaming lahat sa iisang table at katabi ko si Angela. Tapos kaharap ko na naman si Kuya.

"Ba't ka nga ba nag STEM? tanong ni Kuya Rainier kay Angela.

"Gusto kasi ni Papa na maging engineer ako. Pero gusto kong maging doctor, specifically cardio. Motivation ko kasi yung pagkamatay ni Mama. Gusto kong makatulong sa ibang taong may sakit sa puso" ang haba ng speech ni Mayor ah hahaha.

"Ay weee? Patay na pala Mama mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Mamang.

"Yup" kumain nalang ako habang sila nag ku kwentuhan tungkol sa buhay ni Angela.

Tapos na kaming kumain at pabalik na kami sa room. Malapit narin kasing mag 1 dahil napasarap ang kwentuhan nila dun sa caf.

"Huwag mong kalimutan mamaya ah"

"I know i know" tapos umalis na siya at pumunta sa room nila.

Umupo na ako pero si Kuya ay wala pa dun sa upuan niya. Nag-uusap pa sila ni Megan na nadun sa right side 3rd row.

Astrid! Mag move on ka na kay Vaughn. Hindi ka mahal nun tsaka may girlfriend na siya. Huwag ka nang umasa sa kanya.

Arg! Tama tama! Mag momove na ako. Pero pano?

"Oy! Ang lalim ng iniisip mo ah" napabalikwas naman ako kasi bigla nalang nagsalita si Mamang.

"Gulat naman ako sayo Mamang"

"Hahaha ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Ano ba yun?"

"Aahh... Iniisip ko yung research title namin kung okay na ba yun" tumango tango naman siya at dumating na ang teacher namin kaya't bumalik narin si Kuya sa upuan niya.

Uwian na at nagliligpit nalang ako ng gamit na nakakalat sa desk ko. Yung table namin kasi namin ay yung pahaba kaya kasya ang apat na tao.

"Fleur!" tinawag na ako ni Angela at pumasok sa room.

"Tara na" nagmadali ako sa pag ligpit.

"Excuse me Kuya" nandun pa kasi siya sa upuan niya. Eh hindi naman ako makakadaan. Wall na kasi ang katabi ko sa left kaya't dadaan muna talaga ako kay Kuya.

Buti nalang ay tumayo naman siya at dumaan ako pero...

"Huwag mong kalimutan ang PowerPoint natin" hinawakan niya ang wrist ko at sobrang nabigla.

"Ah oo oo. Si-sige Kuya alis na ako" buti nalang ay binitawan na niya ang kamay ko.

"Ano yun?" sabi agad ni Angela paglabas ko. Nakita niya siguro ang nangyari.

"E-ewan ko sa kanya. Tara na nga" umalis na kami sa school at dumiretso sa kanila.

**********

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon