Chapter 51

8 0 0
                                    

Pinagpatuloy ko ang pagpasok nung mga nakaraang araw na parang walang nangyari kay Fleur, na parang hindi ko nalaman ang itinatago niya. Lalo na siya, parang normal lang ang lahat.

Natapos na namin ang final exam pati ang final defense. Buti nalang nairaos namin ang defense pati narin sila Fleur.

Sa ngayon ay nag aayos na ako para sa debut niya. Oo ngayon na ang kaarawan niya at nakauwi narin ang Mama pati ang Kuya niya. Buti nalang at naging okay na talaga si Kuya Andrew.

Pagdating ko sa venue ay andun narin sila Andrea. Early birds talaga.

"Napaka gwapo naman talaga nitong si Kuya Escort oh" pang aasar pa ni Rain paglapit ko sa kanila. Lahat kami ay nakasuot ng black.

"Aaaahh! Excited na ako kay bunso.. pwede na tayong makapag bar and mag walwal hahaha" natawa naman sila sa sinabi ni Shane pero ang nasa isip ko ay kung makakaya niya.

"Hi guys!" dumating narin ang pinsan ko.

"Hi Megan" bati nila sa kanya.

"Boypren mo?" tanong agad ni Mitzi sa kanya.

"Ewan.. hindi ma contact eh. Basta ako, mag eenjoy ako dito sa debut ni Astrid" napapansin kong parang hindi sila okay ni Vaughn. Parang lost si Vaughn these days.

Nagsidatingan narin ang ibang mga bisita at malapit naring mag start kaya pinapunta na ako sa hotel room niya.

"Angelo" agad akong niyakap ni Tita Alice at nag namo rin ako sa kanya.

"Anjo" and there i saw the most beautiful woman in the world. For me.
Suot niya ang isang red na gown at ang ganda ganda niya kahit na hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan sa kanya.

Siniko naman ako ng Mama niya kaya't bumalik na ako sa wisyo at dahan dahang lumapit sa kanya ng nakangiti. Nakangiti niya rin akong titignan.

"W-wow" yun lang ang nasabi ko nung tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Hindi ganun ka kapal ang makeup niya at mas lalo lang na define ang kanyang features kaya natameme ako.

"A-a i-i-i.. " huminga muna ako ng malalim kasi hindi ko alam ang sasabihin. Manghang mangha ako sa ganda niya ngayon. Tinatawanan niya lang naman akoat mas lalong nakaka attract ang tawa niya.

"I-i i just want to say that you're so stunning and beautiful" ba't ako kinakabahan?

"Thank you" sabi niya ng nakangiti. Gash! Pwedeng akin ka nalang?

"Look" itinaas niya naman ang kanyang gown at nakita ko kung anong suot niya.

"Hahaha seriously? Parang ikaw lang ang ata ang debutante na nakilala kong nagsuot ng ganyan sa kanyang debut" medyo nawala wala naman ang kaba ko dahil dun. Nakasuot lang kasi siya ng converse na pula. Imbis na magagarang sandals ay yun pa talaga ang sinuot. Kakaiba din talaga ang babaeng 'to eh.

"Para hindi kawawa yung sa 18 roses mamaya hahaha at hindi ako kawawa no. Ang sakit kaya sa paa ng heels" sabagay tama din naman siya. Pero hindi nabawasan ang kagandahan niya sa suot niyang sapatos.

Ni ready na niya ang sarili kasi magsisimula na ang program.

*************

Astrid's POV

While i was walking down the stairs and met the gaze of the people with a smile plastered on their faces. I realized how beautiful my life is. Naramdaman ko kung pano tumawa, umiyak, masaktan lalong lalo na ang magmahal.

Kahit na hindi lahat ng gusto ko ay naisakatuparan. I'm still grateful with my life.

Everything is perfect. Mula sa maroon and gold na pinili kong theme, sa music, at sa mga taong inexpect kong makakapunta except one. Hindi ko pa nakikita si Kuya but still, masaya parin ako kasi nakapunta sila sa espesyal na araw ko.

Nakita ko namang umiiyak sila Mama, Papa at Kuya Andrew. Hindi ko naman kasal 'to ah, kung makaiyak sila wagas. Hahaha pero pwera biro, milestone sa akin 'tong nakatungtong ako ng 18.

Hinatid ako ni Anjo sa stage at nagpalakpakan naman ang mga tao habang si Mama naman ay paakyat ng stage.

"A pleasant evening everyone. Tonight is a very special night especially to our only daughter Astrid" tumingin sa akin at ngumiti si Mama kaya't napangiti rin ako.

"I would like to say thank you for coming. To welcome the womanhood of our dearest Astrid. Please enjoy the rest of the night, be flourished and welcome" konting welcome remarmks ni Mama at nagpalakpakan naman ang nga mga guest.

May pa audio visual presentation naman na parang movie. May mga video nung baby palang ako hanggang sa lumaki na at yung pre debut video ko sinali na dun. Ang galing ng pagka edit ni Papa. Well director eh.

Nag grand cotillion din kami at masaya ako habang sumasayaw. Medyo marunong din naman akong sumayaw kaya't hindi ako ganun ka nahirapan tsaka ang galing ding mag guide nung mga nakasayaw ko lalo na si Anjo.

Habang kumakain ay napapatingin ako sa mga taong nandito. Yung mga classmates ko, yung ibang mga close ko na kamag-anak, sila Mamang pero wala parin si Kuya.

"Astrid, wala pa si Vaughn, malapit nang magsimula ang 18 roses eh. Pano yan?" tanong ni Ate Van. Siya kasi ang emcee eh.

"Hanap nalang tayo ng kapalit niya Ate" pinalit nalang namin sa kanya ang isa kong pinsan na medyo bata pa.

Si Papa ang una kong nakasayaw at nayakap lang ako sa kanya at medyo matagal din kaming nagsayaw. Syempre father and daughter na moment 'to eh. Sumunod naman si Kuya Andrew.

"My princess" buti nalang talaga at naka recover narin si Kuya galing sa aksidente. Nakayakap din akong nakayakap sa kanya. Si Papa ang first love ko at sumunod naman si Kuya Andrew. They really love me like we share the same blood.

"Sa lahat ng debut na napuntahan ko. Ang sayo talaga ang inaabangan ko and here we are" tinignan ko si Kuya ng may ngiti. Hinalikan niya ang noo ko. Sumunod naman ang mga pinsan ko mga teenager at mga Tito na nasa 20's na. Well close ko din sila kasi nagkakasama kami pag may birthday ang isa sa pamilya namin. Marami kasing magkakapatid sila Papa at Mama, imagine 12 silang magkakapatid on both sides kaya andami kong mga Tito at Tita lalong na ang mga pinsan.

Sumunod naman si Kuya Rain na naging second to the last na. Si Kuya kasi dapat ang second to the last eh.

"Disappointed ka sa kanya?" tumango nalang ako sa tanong niya pero nakangiti parin.

"Hayaan mo na siya. Basta mag enjoy ka lang tonight because it's your birthday" ngumiti lang siya sa akin bago ako iginiya kay Anjo. Ang gwapo niya ngayon.

"Milady" nag bow pa siya na parang pang royal edi sumabay din ako sa trip niya at binigay na sa akin ang panghuling rosas. Nagsayaw lang kami and he's good with this ah. Hindi lang ako nag stay sa iisang lugar. We danced like we really rehearsed this kasi ang galing niyang mag guide sa akin.

"Bakit ako ang naisipan mong mag escort sayo?" tanong niya.

"Well.. uumm.. ewan ko. Ikaw lang agad ang naisip ko eh nung tinanong ako ni Mama kung sino ang magiging escort ko" oo totoo yan lahat. Ewan ko nga kung ba't siya bigla ang nag pop up sa utak ko.

"Aahh" yun nalang ang tanging sagot bago kami natapos sa pagsasayaw. Ewan ko ba pero habang nagsasayaw kami ng nakatingin lang sa isa't isa ay para bang may kung ano sa tiyan ko na gustong kumawala.

Tonight was very special and very unforgattable. Kahit na wala si Kuya ay nag enjoy parin ako and ito ang mga event sa buhay ko na aking babalik balikan.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon