Chapter 44

8 0 0
                                    

Astrid's POV

"Naku naku naman kanina ka pa nakangiti ah" pumasok pala si Mama ng hindi ko namamalayan. Nakatingin parin kasi ako sa singsing na binigay sa akin ni Anjo. Hindi na tuloy maalis alis ang ngiti ko.

"Patingin nga" lumapit naman sa akin si Mama at tinignan pa ng maigi ang singsing.

"Ganyang singsing pa ngalang grabe na ang ngiti mo. Pano pa kaya pag engagement ring?" engagement ring? Ang advance naman mag isip ni Mama.

"Kung makakaabot ako"

"Aabot yan, tiwala lang anak. May awa ang Diyos" niyakap naman ako ni Mama at inamoy amoy pa ako.

"Maligo ka na anak ang baho baho mo na. Nakakahiya kay Angelo kanina hahaha" inamoy ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako ganun ka baho ah. Pinapakaba lang ako ni Mama eh.

"Mama naman eh" lumabas na siya ng kwarto ko ng natatawa. Naligo narin naman ako.

-

"Mikee mah boy" dumating na kasi si Mikee kasama ang amo niya. Lumapit naman siya sa akin habang nilalaro ko pa ng naka squat si Mikee.

"Huy mamimiss kitang bruha ka" tumayo ako at hinarap siya.

"Asuuu mamimiss daw" ngumiti lang siya sa akin at napayuko ng bahagya.

"Seryoso nga mamimiss kita bruha" niyakap niya naman ako at automatic namang bumilis ang kabog ng puso ko. Palagi nalang talagang ganito ang nararamdaman ko pag niyayakap niya ako, o pag malapit kami sa isa't isa.

"Ma-mamimiss rin kita" kinakabahan kong sabi. Hindi na siya nagsalita pa at nagyakapan lang kami ng mahigpit. I really like the warmth of his hugs. It makes me feel that i'm safe.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

"So pano ba yan, aalis na ako. Next year na ulit tayo magkikita"

"Edi see you next year" nasa labas na kami ng gate at bitbit niya rin si Mikee. Mamimiss niya ang aso niya.

"Bye Fleur and bye Mikee. Mamimiss kita" binigay na niya sa akin si Mikee.

"Hoy huwag mong kalimutan ang pasalubong ko ha" huling bilin ko sa kanya.

"Opo mayora hahaha. Babye" natatawa niyang sabi habang papunta sa kotse niya.

"Bye~" pinapawave ko naman si Mikee sa kanya bago siya sa pumasok sa kotse niya at umalis na.

Narinig ko namang may nagbukas ng gate nila Kuya kaya't agad akong napatingin dun. Si Kuya nga at papunta na siya direksyon ko.

"Tara practice?" tumango naman ako at pumasok na kami sa loob at nag practice. Himala nga ngayon eh na siya ang nagyaya na mag practice daw kami.

-

"Ate Ekay! Ate Vee!" andito ako kela Kuya kasi kakarating lang ng dalawang Ate niya galing Canada at Japan.

"Astrid!" nagyakapan kami kasi ilang taon nadin kaming hindi nagkita. Para ko narin kasi silang mga kapatid eh.

"Grabe Astrid dalagang dalaga ka na ah" napatingin naman si Ate Vee or Venus sa dibdib ko. Si Ate Vee nga pala ang sinundan ni Kuya.

"Pahawak nga" nagulat naman nang hinawakan niya ang boobs ko. Tawa pa ng tawa si Ate Ekay.

"Oh my! Totoo! Hindi siya foam Ate!" natatawa na naman ako sa pinagsasabi niya at si Ate Ekay or Veronica naman ang humawak sa boobs ko.

"Grabe ang laki! Nahiya naman ako sa akin" tawa lang ako ng tawa dahil sa kanila.

"Ano bang size ng bra mo Astrid?" tanong pa ni Ate Vee.

"34 B" nagulat naman sila.

"Laki no? Eh tayo nga pang baby bra parin eh" natatawa namang sabi ni Ate Van na kakababa lang ng hagdan.

"Oo nga Ate eh. Tapos ang ganda pa ng katawan ng batang ire. Balingkinitan na at matangkad pa. Mas matangkad na nga sa atin eh" 168 cm kasi ako and yeah, i'm taller than them.

May kumatok naman sa pinto at dumating lang pala ang fiancé ni Ate Van. Matagal narin sila ng jowa niya, simula college palang sila mag on at kilala ko rin ang fiancé niya. Si Kuya Allen de Gracia.

"Kuya Allen" lumapit naman siya sa amin ng naka ngiti at nakipag beso beso.

"Astrid? Ikaw na ba 'to?"

"Oo naman Kuya ako 'to no" nakipag beso naman ako sa kanya.

"Grabe dalagang dalaga ka na ah" uy palagi ko nalang naririnig 'to ngayong araw ah.

"Si Vaughn?" tanong ni Kuya Allen sa amin.

"Nasa taas, bababa rin yun maya maya" naliligo pa kasi si Kuya eh.

Nag kwentuhan lang kami sa kung anong ganap nila dun sa mga trabaho nila. Si Ate Ekay kasi ay isang accountant at si Ate Vee naman ay Engineer.

"Hoy Vee kelan ka mag jojowa?" tanong sa kanya ni Ate Van. Single parin kasi itong si Ate Vee eh, pihikan sa mga lalake.

Bumaba naman si Kuya at tumabi kay Kuya Allen.

"Naunahan ka pa ni bunso" nagtawanan naman kami sa sinabi ni Ate Van.

"Kayo parin ba ng gf mo?" tumango naman si Kuya.

"Uy ikaw hindi mo pa sinasagot ang tanong ko"

"Teka lang kasi, don't pressure me. Baka na traffic lang sa EDSA si mister right"

"Asuuu~ tatandang dalaga ka talaga niyan" - Ate Ekay

"O baka naman si Andrew parin?" naalala ko may gusto pala si Ate Vee kay Kuya Andrew dati. Namula naman si Ate Vee.

"Huy Vee magtapat ka nga sa akin. Naging kayo ba talaga ni Andrew?" pinagpapawisan naman si Ate Vee.

"Ih kasi naman eh, arg! Oo naging kami pero mga bata pa kami nun. 16? 17? Pero ba't ganun? Siya parin ang nandito" tinuro niya pa ang puso niya. Actually alam ko na naging sila ni Kuya Andrew, sa akin lang naman kasi nagdadrama si Kuya kay Ate Vee eh.

"Bumigay din hahaha" pinagtawanan lang namin siya.

"Sabi niyo kasi na pag ikinasal kami ay hindi parin magbabago ang apilyedo ko. Venus Raphielle Martinez Martinez. Ang weird lang" naisip ko din yan dati na what if ikasal kami ni Kuya. Ganyan din ang mangyayare sa akin.

"Weird talaga pero hindi naman tayo magka mag-anak eh. Magka apilyedo ngalang, tsaka half-spanish naman si Andrew eh. Malayong magka anak talaga tayo" tama naman din si Ate Van. Oh di ko pala nasasabi na Spanish pala si Papa. He just grew here in the Philippines.

"Single pa ba ang Kuya mo Astrid?" natatawa ako sa tanong ni Ate Vee.

"Ah o-oo single pa. Ata? Hindi rin ako sure Ate eh kasi wala pa siyang nakukwento ulit aside sayo" namula naman si Ateng.

"Don't worry, inimbitahan ko yun sa kasal. Magkikita na ulit kayo~ ayiiiieee" pang aasar pa ni Ate Van.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig aray!" binatukan naman siya ni Ate Ekay.

Napaisip tuloy ako. What if umamin ako sa nararamdaman ko kay Kuya dati? Pero alam ko naman kasi na hindi ako ang gusto niya. Masisira lang din ang friendship namin pero what if nga naglakas ako ng loob. Pero what if lang naman eh.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon