Kakatapos lang naming mag practice ni Angela at papaalis narin ang asungot na 'to.
"Ang bait talaga ng mama mo. Sana magkasing bait kayo para masaya" papaluin ko na sana siya
"Nakalimutan mo ata 'to Angelo" biglang dumating si Mama dala ang panyo ni Angela.
"Ay thank you po Tita"
"Vaughn" bigla naman akong napatingin dun sa may gate nila Kuya. Kakarating niya lang ba galing school?
"Hello po Tita" lumapit siya kay Mama tsaka nag mano. Pero niyakap siya ni Mama.
"Ba't hindi ka na pumupunta sa bahay? Na miss kita anak, tsaka tawagin mo ulit akong Mama ano ka ba" kumalas din si Mama sa pagkakayakap.
"Medyo marami lang po kasing ginagawa Mama eh" nagkatinginan kami ni Angela. Luh? Mag o-one month pa lang ang pasukan ah, tsaka di pa kami ganun ka busy.
"Kumain ka na ba?"
"Ah o-opo opo kumain na po ako *gggrrr*"
"Bad liar" pabulong kong sabi pero napatingin siya sa akin. Narinig niya yun?
"Kain ka sa loob anak"
"Nako hindi na po Ma, nakakahiya naman po" ulol? May pahiya hiya pa, dati nga hindi na yan siya nagpapaalam eh, kakain agad yan.
"Ay nako kelan ka pa natutong mahiya sige na pasok na tayo" tumingin muna si Mama kay Angela.
"Mag ingat ka din Angelo ah"
"Sige po Tita. Salamat po ulit" at pumasok na si Kuya kasama si Mama.
"Alis narin ako ah. Bye Fleur, good night"
"Sige good night" at umalis narin siya.
Pagpasok ko sa loob ay nakita kong naguusap sila Kuya at Mama habang nakain si Kuya. Sakto yung paborito pa namin ni Kuya na special caldereta ang niluto ni Mama.
"Ang laki niyo na talaga ah. Dati pinapagalitan ko kayo kasi hindi kayo natutulog sa tanghali puro lang kayo laro ng laro" napapangiti ako sa mga memories namin dati. Tinignan ko si Kuya, nakatingin siya sa akin na bahagyang nakangiti. Totoo ba yung nakita ko?
"Oo nga po Ma eh. Tapos pinapagalitan niyo rin po siya pag hindi nagaaral mag division" hala! Totoo ba 'to? Medyo bumalik si Kuya sa dati?
"Buti nalang tinuruan mo. Tsaka hindi kayo mapag hiwalay dati eh. Halos 24/7 kayo magkasama, 'di ba kayo nagkasawaan dati?" tinignan ako ni Mama.
"Uuumm. Hindi, kasi nag aaway naman po kami kaya may thrill pa din tsaka lalo na yung mga asaran. Grabe kaya kung mang asar si Kuya" wait? Did he just flashed a genuine smile? Sure ako eh, napaka genuine nung ngiti na yun at nakita ko ulit ang malalim niyang dimple sa right side, tapos tumingin lang siya sa kinakain niya na isang subo ng kutsara nalang ang natitira.
"Wait lang kukuha lang ako ng dessert" umalis si Mama papuntang kitchen kaya't kaming dalawa muna ni Kuya ang naiwan.
Shet ang awkward! Walang gustong magsalita sa amin. Ang awkward talaga and i don't know what to do!!!
"Oh alam kong paborito mo yan" well paborito ni Kuya ang oreo cheesecake ni Mama.
"Namiss ko po ito Ma" ang lapad talaga ng ngiti ni Kuya ngayon. Natuwa lang ba siya dahil sa pagkain at kay Mama pero hindi sa akin? Well mas natutuwa yan sa pagkain, pero mamaya magiging cold na naman yan sa akin.
Nilantakan niya lang ang cheesecake at natutuwa naman si Mama.
"Salamat po talaga Ma ah. Ngayon na lang din po ulit ako nakakain ng ganto kasarap na lutong bahay. Si Ate Van hindi naman po kasi marunong magluto eh" silang dalawa nalang kasi ang naiwan sa bahay.
"Walang anuman, punta ka dito kung kelan ka free para maipagluto kita ng mga paborito mo"
"Maraming Salamat po talaga Ma"
"Walang anuman yun anak" niyakap ni Mama si Kuya at kumalas rin after ng ilang segundo.
"Uuum Ma, may gagawin lang po kaming requirement ni Kuya" sabi ko para hindi na ma awkward pagkatapos ng yakapan. Hindi niya pa kasi nagagawa ulit yan sa akin eh.
"Sige sige, pag nagutom kayo sabihan niyo lang si Manang para maipag handa kayo ng pagkain"
"Sige po" sabi ko at umalis na si Mama papuntang kusina.
"San mo gustong gumawa Kuya?" napatingin tingin muna siya sa buong bahay.
"Wala paring pinagbago" hindi masyadong narinig yun.
"Ha?" halos pabulong niya kasing sinabi yun eh.
"Wala wala" bahala na nga siya, ayaw ko naman siyang kulitin para sabihin niya lang yun
"Saan ba yung study table mo?"
"Nasa kwarto ko" ano dun kami?
"Tara dun"
"O-okay" nauna na akong mag lakad papuntang kwarto at sumunod naman siya.
Bumungad naman agad sa kanya ang wall na puro pictures naming mag babarkada with lights pa kaya napatigil muna siya.
"E-ehem" mga 30 seconds narin kasi siyang nakatitig sa mga pictures eh. Buti nalang bumalik na siya wisyo.
"Start na tayo Kuya" umupo naman siya sa tabi kong extrang upuan.
Nag start na kaming mag discuss kung anong gagawin at ang mga sasabihin para bukas sa defense. Pag mga ganito lang talaga kami nagkakausap ng maayos. Well it's academics naman, not personal.
Mabilis lang naman kaming natapos at umuwi din siya agad.
**********
"Oh ibigay mo 'to kay Vaughn pang lunch niya" nakalagay sa iisang paper bag yung pagkain namin mamaya. Balak ata ni Mama na pakainin siya every lunch time.
"Sige po Ma. Alis na po ako" umalis narin agad ako papuntang school.
Natapos na ang morning classes at papunta na kaming cafeteria.
Pipila na sana si Kuya para bumili ng pagkain.
"Kuya pinapabigay ni Mama sayo" inabot ko sa kanya ang tupper ware. Buti nalang ay tinanggap niya naman.
"Pasabi kay Mama Salamat" hindi man lang siya ngumiti. Nilagay niya nalang muna sa table namin kasi sabay sabay kami nila Mamang kakain.
Pumila nadin ako kasi bibili ako ng maiinom.
Ba't parang wala pa ata si Angela? San kaya yun? Usually kasi pag mga gantong oras eh andito na siya.
"Hinahanap mo ako no?" pucha! Nagulat ako dun.
"Bwesit ka talaga"
"Aayyyiieee~ ayan na naman sila" at ayan din naman sila para mang asar.
"Hindi kita hinahanap no. Asa ka naman"
"Asuuu! Palingon lingon ka nga kanina eh"
*thud* napatingin kami sa biglang kumalabog. Yung ref lang pala na pinagkuhanan ni Kuya ng drinks.
"Ang lakas nun ah" bulong sa akin ni Angela, napatingin ako kay Kuya na nasa likod namin. Naka kunot na naman ang noo.
"Ba't parang galit ang Koya mo?" bulong niya ulit.
"Ewan ko sayo" kumuha nalang din ako ng drinks tsaka nag bayad.
"Wow! Ang sarap naman niyan" sabi agad nila Mamang nung nakita yung ulam namin.
"Oy para kay Kuya lang daw yan hahaha" tinawanan ko nalang sila tsaka nagsimula nang kumain.
"Punta naman kami sa inyo oh. Pasabi kay Tita ipagluto niya kami" request ni Mamang.
"Oo na oo na" kumain nalang kami tsaka konting kwentuhan na din.
Natapos na ang lahat ng subject namin at naging successful naman ang title defense kanina. Approved na nga kaya ready for the chapters na kami.
******
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Fiksi RemajaSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...