Astrid's POV
Kakapasok lang namin sa cinema at ang lamig agad. Wala pa naman akong jacket.
"Ang kulob naman dito" kami ni Ate Drea lang pala ang walang jacket. Naka long sleeves naman kasi si Mamang eh tapos si Ate Shane naka polo. Si Kuya Rain naka denim jacket, pati si Megan at Kuya. Tapos itong si unggoy naman naka jacket na itim na parang denim jacket na style.
"Drea oh" inabot ni Kuya Rain kay Ate Drea ang jacket niya.
"Salamat" nasa likod nga pala namin silang apat habang kaming apat naman ang magkakatabi. Si Kuya pa talaga ang katabi ko at napapagitnaan kami.
Nararamdaman ko na talaga ang lamig at niyayakap ko nalang ang sarili ko.
"Oh" binigay ni unggoy sa akin ang jacket niya.
"Salamat" ginawa ko nalang kumot yun at nagsisimula na ang movie.
Tinitignan ko si unggoy habang nanonood.
"Aaaahhh!" lumabas kasi yung multo.
"Pffft! Hahaha" natawa nalang ako ng mahina dahil tumili siya na parang babae hahaha. Hindi nga ako natili ng ganyan eh.
"Huy anong tingin tingin mo dyan? Manood ka na nga" saway niya sa akin at natatawa parin ako na naka mute.
"Muntanga" sabi pa niya at nilagay sa bunganga ko ang popcorn.
"Tumigil ka rin" natatawa parin ako pero nanood nalang din ako.
Hindi naman pala to masyadong nakakatakot.
"Aaahh! Aaahh! Ayoko na!" nagsisigaw na naman siya ng pambabae hahahaha.
"Hoy nababakla ka na ba? Movie lang yan" tinatakpan na niya ang mga mata niya.
Tinatakpan niya lang ang mata niya at nag earphones. Hahaha bakla pala to eh.
Nakain lang ako ng popcorn habang sila nagsisigaw.
Tinignan ko si Megan, natatakot din siya at nagsisigaw habang si Kuya naman same kami ng ginagawa. Parang chill lang din habang nakain.
Kay Kuya ako na influence na manood ng mga horror. Ewan favorite na namin ang mga horror tsaka mystery/thriller na mga movie kaya parang wala lang to sa amin.
Natapos na ang movie at naka earphones parin si unggoy.
"Hoy Angela tanggalin mo na yang earphones mo hahaha" tinanggal ko yung earphones niya at masamang nakatingin sa akin.
"Kumusta ang movie Angela?"
"Huwag mo nga akong tawaging Angela. Kundi tatawagin rin kitang Fleur" hahaha nababakla talaga eh.
"Wala na akong pake kung tawagin mo akong Fleur basta ako. Tatawagin kitang Angela hahahaha" natatawa nalang din sila Ate Drea.
"Mag lunch muna tayo" sabi ni Kuya. Wow ah! Nagsalita narin siya.
"Tara Samgyupsal" suggest ni Angela.
"Sige sige" na excite naman kami nila Mamang.
**********
Mitzi's POV
"Wow! First time kong mag ganito" naging matakaw mode na naman si bunso hahaha.
Siya lang ang kilala kong sobrang ganda pero walang pake sa magiging itsura niya pag nakain.
"Ba't ba kasi hindi ako nag hanap ng ganito sa States?" kain lang siya ng kain.
"Ba't ka nga ba nag stay dun for 2 years Astrid?" tanong ni Megan sa kanya.
Hindi parin pala namin alam ang reason niya kung bakit siya pumunta dun at wala man lang sabi sabi.
"Dun na kasi ako pinag-aral nila Mama. Mas maganda daw kasi education dun kaya pina transfer nalang ako" tuloy tuloy na sabi niya at lumamon na naman.
"Ba't hindi mo kami sinabihan" sabi ko. Nakakapag taka kasi eh. Frustrated kaya kami nung grade 10.
"Alam ko kasing magtatampo kayo kaya tinago ko nalang. Tsaka alam kong magtatanong kayo kung ba't wala akong communication sa inyo? Gusto ko lang i test ang friendship natin. Kung tatanggapin niyo parin ba ako if hindi ako nagparamdam ng ilang taon. And here we are now. Na prove ko na true friends parin pala tayo" tapos ngumiti sa amin.
"May tinga ka" sabi ni Angelo sa kanya at agad namang tinakpan ni Astrid ang bibig niya. Ang cute talaga ng dalawang to.
"Ba't pa kailangang i test eh andami nang nangyari sa atin dati no" marami nang pinagdaanan ang friendship namin noon pa. Nag away na kami at nagkaiyakan pa yun. Muntikan pa ngang ma friendship over eh.
"Tapos na yun Mamang okay? Ang importante ay nakabalik na ako" yeah she has a point.
"Alam mo na ang reason Love. Sana naman magkabati na kayo ni Astrid" sabi ni Megan kay Vaughn pero nakatingin lang siya sa niluluto niyang beef.
"Hay kumain nalang muna tayo" sabi ko kasi nagiging awkward na naman ang ambiance.
Habang nakain at pinipicturan din kami ni Astrid.
Tapos na kaming kumain at busog na busog ako.
"CR muna ako" sabi ni Astrid dala ang bag niya.
Maya maya pa ay nakabalik na siya with lip tint at naka high bun na ang buhok niya.
"Alis na tayo?"
Napatingin ako kay Angelo. Nakatitig lang din siya kay Astrid.
"Oy oy" nag snap siya sa amin at bumalik kami sa katinuan.
"Nagiging babae ka na ah" sabi ni Rain sa pinsan niya.
"Tsss! Tara na" sabi niya at umalis.
"Ipasok ko kaya si Astrid sa modeling agency ng Tita ko" sabi ni Shane.
"Aayaw na naman yan. Diba nakailang offer na yung ibang modeling agency pero inaayawan niya lahat" sabi naman ni Drea. Ewan ko ba sa kanya kung ba't niya dinedecline lahat ng offer.
"Ang ganda ganda niya naman kasi eh. Parang living doll. Matangkad, maputi, makinis, maganda, at blue eyes pa" papuri naman ni Shane sa kanya.
Lumabas na kami dun at naglalakad lakad kung saan saan.
"Mag karaoke nalang tayo" suggest ko kasi nababagot na ako kakalakad para medyo matunaw naman agad ang kinain namin.
Sumang-ayon naman sila at pumunta na kami dun.
"Wow! Nakakamiss din mag karaoke"
"Nagbabalik na pala ang Karaoke queen namin" Si bunso kasi ang may pinakamagandang boses sa aming mga babae eh. Ewan ko ba sa kanya. Almost perfect na kasi eh. Tsaka nakapag voice lesson yan dati and she was classically trained. But still, kaya niya paring kumanta ng pop.
Pumili na kami ng mga kanta at si Astrid pa ang naunang kumanta. Because of you pa ang kankantahin niya.
"I will not make
The same mistakes that you did I" ang ganda talaga ng boses niya."And when i cry in the middle of the night for the same damn thing!"
"Whoooo!" nag hiyawan kami nila Megan except kay Vaughn. Si Angelo naman nakanganga.
"Because of you~" may pa vibrato pa oh.
"Oh ba't ka nakanganga?" tanong ni bunso kay Angelo.
"Ang taas pala ng boses mo" natatawa lang si Astrid.
"Oh sino nang susunod?" sumunod naman si Shane.
Nagpalakpakan lang kami pagkatapos niya.
"Oh ako na pala" sabi ni Angelo at tumayo na siya.
*********
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...