Kinakabahan na ako ngayon dahil acquaintance na. Alam niyo naman diba na kakanta kami ni Angela.
"Wow naman~ alam ko saang animé yan. Sa Your lie in April" sabi naman ni Angela nung nakita ako pag labas ng gate. Oo sinundo niya ako, para daw makapag practice pa kami ng walang nakakarinig na iba.
"Nanonood ka rin ng animé?" tanong ko sa kanya.
"Oo, si Kaori nga yang character mo ngayon eh" alam nga niya. Halata din naman kasi sa violin case na pink. Oo may violin case ako dati na pink pero hindi ko na ginagamit tsaka meron naman akong medyo hawig sa uniform nila kaya keri na.
"Ikaw naman si Light Yagami ngayon ah" sa Death note naman yang si Light.
"Dami mong alam ah. San ka natutong manood ng anime?" tanong niya pa sa akin.
"Kay Kuya" sabay ngiti ng mapait.
"Oh~ tara na nga. Alis na tayo" umalis narin kami at habang nag dadrive siya ay nag papractice naman kami.
Pag punta namin sa gym ay andaming tao agad. Yung iba nag effort talaga sa mga costume nila, yung iba naman pa chill chill lang na costume. May kapareho ako pero mas malapit talaga ako kay Kaori dahil sa pink violin case ko.
"Astrid!" tinawag ako ni Megan... At kasama pa si Kuya na nakasuot ng wait whut?
"Naks naman insan, Inoue ka ngayon ah" kasama ko parin pala si Angela ngayon. Muntikan ko nang makalimutan.
"Si Vaughn ang nakaisip nito insan no. Tsaka alam mo naman diba na hindi ako nanonood ng anime" shet magkahawak pa sila ng kamay ngayon. Oy nasa school kayo! Hindi naman masheket eh.
"Nag sasalamin ka Vaughn? Bagay sayo maging Kousei ah. Balita ko magaling ka rin daw mag piano" ay nako Angela. Susungitan ka lang niyan.
"Dati lang yun" walang emosyon niyang sabi. Ang cold naman na talaga ni Kuya.
"Choco na gatas na gatas na may ice. Ang sarap ng bear brand, choco na may ice" natawa nalang ako sa kinanta nina Kuya Rain pag lapit nila sa amin.
"Ewan ko sayo Kuya Rain" napa facepalm nalang ako.
"Eh bakit? Si Angelo Choco, ikaw gatas, tapos si Vaughn ang ice. Oh diba? Perfect sa inyo ang kanta" natawa nalang kami except Kuya. Hahay masasanay nalang ako na wala na siyang na expression expression. Siya nga si ice tapos fit lang din kay Angela ang choco, moreno naman kasi siya.
"Wait. Iz dis real? Si Kaori tsaka si Kousie?" uuumm? Di ko kilala yung biglang sumulpot sa amin. Pero naka bihis siya ng ala erza scarlet at may dalang camera.
"Kilala mo ba siya?" bulong ko kay Angela, siya naman kasi ang katabi ko eh.
"Editor-in-chief ng University Voice yan. Yung tagaga ng school paper something" tumango tango naman ako sa sinabi niya.
"Pwede ko ba kayong kuhanan ng picture?" shet! Bigla akong kinabahan.
"Sure Elvie" si Megan pa ang sumagot at tinulak kami ni Kuya para magtabi. Para akong nakuryente nung nagtabi kami. Takte!
"Okay smile naman kayo" nag smile ako pero...
"Uumm. Pwede bang mag request na mag smile ka din Vaughn?" yan na nga ba ang sinasabi ko eh.
Ewan ko lang kung nag smile ba talaga siya. Basta yun na yun. Nag picture din pala sila Mamang sa amin.
"Yown. Thank you" nag thank you din naman ako tsaka tinawag na yung mga participant.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Fiksi RemajaSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...