Summer na!!!!!!! Aalis na pala kami ngayon dito sa Pilipinas para umattend sa graduation ni Kuya States. Doctor na ang Kuya ko.
"Kuya!!" sigaw ko patungo sa kabilang bahay.
"ANO!?" sigaw rin niya habang palabas ng bahay.
"Aalis na kami" nagkausap na kami ng malapitan.
"Eh ano ngayon?" may topak ba to ngayon?
"Anong eh ano ngayon? Magpapaalam na ako no? Doon rin kaya ako magbabakasyon. Alam kong ma mi miss mo ko kaya't bye Kuya" ma mi miss ko kasi tong mokong na to.
"Hindi kita ma mi miss no? Uy teka! Pano nalang ang libre mo sa akin sa Vikings?" hala! Oo nga pala!
"Pag uwi ko nalang. Pag nagkita na tayo ulit. Utang ko muna yun sayo"
"Umuwi ka agad para makapag Vikings na tayo"
"Hindi pa nga ako umaalis pa pabalikin mo na agad ako?"
"Oo. Mag ingat kayo dun ah. Pasalubong ko"
"Assured na yang pasalubong mo. Bye Kuya! Ma mi miss kita" niyakap ko siya at niyakap rin niya agad ako pabalik.
"Ma mi miss rin kita. Huwag mo kong kalimutang i update kung anong nangyayari sa'yo dun ha. Hindi talaga papansinin tsaka wala nang Kuyang tatanggap pa sayo oy pag hindi ka nag update. Bye Hana... I love you" halos pabulong niyang pagkakasabi nung i love you. Bigla naman akong kinilig.
"I love you too" sana hindi lang dahil sa kapatid niya ako sinabihan ng i love you.
Kumalas na siya sa pagkakayakap pero parang ayaw ko pa.
"Astrid. Let's go" tinawag na ako ni Mama.
"Bye Kuya"
"Bye" umalis na kami at nagsimula nang magbago ang buhay ko.
*********
2 years later
Dalawang taon na ang lumipas mula nung lumisan ako sa Pilipinas at hindi na nakabalik pa. Dalawang taon ko nang hindi nakita at nakausap ang mga kaibigan ko at siya. Dalawang taon na ang lumipas nang putulin ko ang koneksyon ko sa kanila at hindi na nagparamdam. Dalawang taon na ang lumipas at masyado na akong maraming na miss na mga alaala na ginawa nila.
"Ma, pwede na ba akong umuwi?" tanong ko kay Mama.
"Makakauwi na tayo ngayon. Just wait for your Kuya" doctor na pala si Kuya at siya na ang personal doctor namin.
Dumating na siya at umuwi na kami agad dahil siya ang maghahatid sa amin kasi wala si Papa.
Agad akong dumiretso sa kwarto dahil pagod ako.
*knock*knock*
"Come in" si Mama at kuya pala ang kumatok. Tinabihan nila ako sa paghiga at niyakap ako.
"What gift do you want for your 17th birthday?" tanong ni Mama sa akin. Next week na pala ang birthday ko.
"Gusto kong umuwi nang Pilipinas. Gusto kong makita muli sila Kuya. Miss na miss ko na sila Ma. Gusto kong mag debut doon" hindi ko mapigilang umiyak.
"Okay. If that's what you want. Uuwi tayo this coming June" hinalikan ako ni Mama sa noo at nakatulog ako sa pagod.
Ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Nandito na ako sa Pilipinas at naghahalo ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan na excited na masaya na ewan ko ba.
Nakarating na kami sa bahay pero agad akong pumunta sa kwarto ko. Masyado kong na miss ang Pilipinas at ang kwarto ko.
"Na miss ko ang Pilipinas!!" nagtatalon at nagsisigaw ako sa saya at tinignan ang kaharap na bintana ko. Noon, palagi tong naka bukas. Ngayon ko lang nakitang nakasirado ang bintana niya. Sinuri ko nang maayos ang bahay nila, nag ba baka sakaling makita siya pero wala.
Ano na kayang nangyari sa kanila? Kamusta na kaya sila? Na miss ba nila ako? Na miss rin ba kaya niya ako?
Hinawakan ko ang bigay niyang kwintas sa akin. Suot suot pa kaya niya ito hanggang ngayon? Katulad pa ba kaya sila ng dati?
Ang daming katanungan ngayon sa isip ko at hindi ko alam ang sagot. Pero masasagot rin to lahat pag nagkita na kami.
First day of school na at grade 12 na ako. Naging stalker nga ako nila Ate Drea kagabii eh para malaman kung anong strand nila. ABM pala ang kinuha nila at kaklase parin sila.
Ngayon pa pala ako magpapaenroll dahil kahapon lang kami nakauwi at start na ng first day of class ngayon dito.
Kasabay ko si Mama ngayon at kinakabahan ako sa magiging reaction nila.
"Ma. Magiging okay pa ba kaya ang treatment nila sa akin?" hindi ko kasi alam ang mangyayari eh.
"Kung true friends mo sila. Dapat same parin ang treatment nila sa iyo. Mababait naman ang mga batang yun. Kaya't huwag ka nang mag alala" nag bell na at start na ng first sub pero kakatapos ko lang magpa enroll.
Hinatid muna ako ni Mama sa room.
"If you feel something wrong. Just call me. Okay?"
"Yes Ma"
"Take care and good luck" umalis na si Mama at ako nalang ang nandito sa labas ng pinto ng magiging room ko. Tinignan ko muna ang list of students. Nandito silang lima at may mga bagong estudyante rin na hindi ko kilala.
Kumatok na ako at pinag buksan naman ako ng teacher.
"Good morning Maam" bati ko pero hindi ko pa nakikita ang mga kaklase ko.
"Good morning. Please come in" pumasok na ako at ang unang taong nakita ko ay ang taong huli kong nakita dito bago ako umalis. Iba na ang pinapakita niyang emosyon ngayon, este, wala na siyang ka emo emosyon ngayon. Parang wala lang sa kanya na dumating ako.
"Astrid" napatayo silang apat at pinuntahan ako at niyakap.
"Bakit umalis ka nang walang paalam at nawala ng dalawang taon?" sabi ni Mamang na umiiyak na ngayon.
"Reunion pala to" sabi ni Maam.
"Mamaya na tayo mag-usap. Basta ang importante ay nandito na ako" sabi ko dahil nagiging center of attraction na kami.
Umupo na ako sa tabi ni Ate Drea at nasa likod ko si Kuya at katabi niya si Megan?
Bakit katabi niya si Megan?
Tinignan ko muna siya bago ako umupo pero hindi man lang niya ako tinignan. Hindi na niya suot ang relo na binigay ko.
Ibang iba na si Kuya. Naging mature na ang mukha niya at ang cold niya. Nasasaktan ako ngayon dahil mukhang hindi man lang niya ako kilala. Parang wala na lang ako sa kanya. Kung siya parin ang dating Vaughn na kilala ko, pag pasok ko palang ng room ay agad na niya akong yayakapin. Pero iba na ngayon, nag bago na siya at wala na akong magagawa.
May rason naman ako kung bakit ako umalis. Sana maintindihan niya at bumalik na kami sa dati.
*******
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...