Napasadahan na namin ang lahat ng kanta at may nagsisidatingan naring mga bisita.
"Astrid!" tinawag ako ni Ate Drea.
"Naks! Ang bongga naman ni Madam" pang-aasar ko sa kanya.
"Anong bongga dito?" dumating narin sila Kuya Rain.
"Ang ganda naman ng living doll namin" papuri pa niya.
"Picture muna tayo" nagpa picture muna kami tapos bigla namang dumating si Kuya.
"Halika dito Vaughn" bigla siyang hinablot ni Kuya Rain at magkatabi pa kami.
"Smile" hindi siya nakangiti at walang emotion lang na nakatingin sa camera.
"Fierce na ngalang" naka fierce naman kami at nag fierce din si Kuya.
"Ito rin ate" inabot ko sa kanya ang cellphone ko at nagpa picture. Another remembrance.
"At last! Kumpleto narin tayo sa picture after 2 years" sabi ni Mamang at nagtinginan kaming dalawa ni Kuya.
"Baka magkaiyakan pa. Umupo na nga tayo" sabi naman ni Ate Shane at same pa kami ng upuan.
Magkatabi kami ni Kuya kasi may pangalan na nakalagay sa mga seats.
Nagsimula narin ang program at ngayon ko lang na appreciate ang venue. Ang ganda pala, gusto ko ng ganito sa debut ko next year.
May grand entrance si Megan at kumanta pa yung Ate niya ng The Climb. Ang ganda ganda ni Megan.
"18 roses na ang next. Halika na" bigla namang sumulpot si unggoy at dumiretso dun sa grand piano. Hindi ko na namalayan ang oras.
"Magkakilala kayo nun?" nagtatakang tanong ni Mamang.
"Kwento ko nalang sa inyo mamaya" pumunta na ako dun at kinuha ang aking violin. Tinono ko muna ulit at tumugtog.
Nag focus lang ako sa pag tugtog at napapatingin din sa kanila habang nasayaw.
Nakakamiss talaga yung mga gantong gig.
Tinignan ko si Kuya. Nakatingin din pala siya sa akin at biglang umiwas ng tingin.
Shet ano yun?
Tinawag na si Kuya at change na naman ng piyesa.
Hindi ko lang sila tinignan at nag focus lang sa piyesa habang tinitingnan din pala ako ng unggoy.
Malapit nang matapos ang first chorus at sumenyas si unggoy gamit ang ulo niya na mag riritardando at hint na yun para matapos. Maganda naman yung performance namin all in all.
"Thank you Ms Astrid Martinez and Angelo Alforque the first cousin of our debutant for that wonderful rendition" tapos nag bow kami pareho.
"Nice one" nag apir kaming dalawa ni unggoy. Angelo pala pangalan niya.
"Salamat nga pala kanina. Siguro kung hindi ka sumenyas na magriritard na magkakalat talaga ako dun" i owe him one.
"Maliit na bagay" mahangin talaga as usual.
Umupo na kami at tinignan ako nila Mamang.
"Parang close kayo nun ah?" mas lumapit pa sila Mamang sa akin.
"Jowa mo ba yun or manliligaw?" what?!
"Shokla naman hahaha. Yun magiging jowa ko or manliligaw? Imposible" natatawa ako sa mga tinatanong nila.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...