Tapos na kaming kumain at andito
lang kami sa theater room."Ay grabe. Busog na busog ako" naka higa na si Kuya Rain sa sahig, buti nalang at may yoga mat naman doon.
"Yung feeling na ang sarap pang kumain pero busog ka na. Grabe ang sarap niyo talagang magluto" hindi parin sila maka move on sa pagkain.
"Masarap ka palang magluto Fleur?"
"Si Mama lang ang nagturo no"
"Ang sabihin mo Angelo pwede na siyang mag-asawa or should i say... KAYO" kinikilig na sabi ni Ate Shane at natatawa pa sila Mamang pati narin si Anjo.
"She's too young. Minor palang si Astrid" depensa naman sa akin ni Kuya na may halong pagka irita ang boses niya kaya't bigla kaming natahimik at napatingin sa kanya.
"Aaww defensive Kuya. Is this a sign Lord na babalik na sa dati si Vaughn?" Sabi pa ni Mamang na para bang nananalangin. Natawa naman ng mahina sila Kuya Rain at napairap nalang ako na medyo natatawa. Well, there's a part that i'm happy kasi nagiging defensive uli siya sa akin but the sad thing is... i'm still his YOUNGER SISTER na label namin. Hayst! Hindi na nga talaga magbabago na hanggang YOUNGER SISTER LANG AKO.
"Huwag kang mag alala Vaughn, hindi ko pakakasalan ang bruhitang yan no. Asa naman siya" gago talaga! Tinawag pa akong bruhita! Pinanlakihan ko nalang siya ng mata pero inirapan lang ako. Mukhang bakla ang gago. Hahaha.
"Ay naku. Tama na nga ang away, mauuwi at mauuwi parin talaga yan sa ibigan. Maraming nagkakatuluyan diyan oy! Hahaha" bakit ba talaga nila kami shiniship? Tsaka isa pa, hindi naman talaga kami magkakaibigan ni Anjo. Asa naman siya. Mas payag pa ako kay Kuya... at umaasa na naman ako.
Nakita ko namang parang nasusuka din si Anjo. Well the feeling is mutual... hindi namin gusto ang isa't isa.
"Simulan na nga natin ang test" pang aawat naman ni Megan sa amin at tumigil naman kami sa pang aasar sa isa't isa.
"Okay game" sabay pa naming sabi ni Anjo pero binelatan lang ako. Parang elementary naman 'to eh.
"Sige, unang test pa lang 'to ah... Titigan niyo nga ang isa't isa for 1 minute but with a straight face. Pag hindi niyo nagawa, it means may feelings nga kayo" may pa ganyan pala sila ah. Kakaiba rin eh.
"Okay okay!" Excited pa na sabi ni Anjo at lumapit pa sa akin.
"Closer" sabi nila at umusod pa siya ng konti palapit sa akin. Medyo naduduling ako sa lapit ng mukha niya pero keri naman.
"Ayan ayan. 1 minute starts now" seryoso na ang mukha namin at nagsimula narin silang mang asar sa amin ng 'aaayyiiieee nagtititigan sila', 'aayyiiee ang cute nilang tingnan' at kung ano ano pa. Pinipicturan pa nila kami. Pero buti nalang ay strong kami ni Anjo kaya seryoso parin ang mga mukha namin kahit natatawa na ang kaloob looban kasi para siyang unggoy. Hahaha, natatawa ako sa pagmumukha niya.
"Oh tapos na! Success!" Nag apir pa kami ni Anjo at hindi naman makapaniwala ang mga mukha nila. Well except Kuya na naka earphones lang habang may pinapanood sa phone niya. Feel ko nanonood na naman yan ng anime.
"Ang easy naman nun" pagmamayabang pa ni Anjo.
"Ito naman. Kiss niyo nga ang isa't isa sa cheeks"
"HUH!?" Napalakas ang boses ko kaya't nakita ko si Kuya na napatingin sa akin na medyo nakakunot ang noo. Kuya help me!
"Wait! Pag hindi mo nagawa, it means may feelings talaga para sa isa't isa. Dapat wala ring reaction ah" hala! Grabe naman ang pinapagawa nila sa amin! Ginawa na nila kaming entertainment ah.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...