Chapter 24

20 0 0
                                    

Kakatapos lang last week ng culmination ng Nutrition month at ngayon ay opening na naman ng Buwan ng Wika. Ang bilis ng panahon ah, parang kahapon lang nung naka balik ako dito sa Pilipinas.

"Dalagang Filipina" sabi naman ni Mama. Naka Filipiniana kasi ako ngayon, sabi kasi nung Filipino teacher namin na mag Filipiniana daw para sa attendance at plus points.

"Kahit 'di naman ako Filipina Ma" hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang race ko eh. Eh kasi i have pale skin, blue eyes but with dark brown hair.

"'Di ah, Filipino at heart ka parin. Oh sige na, baka ma late ka pa sa opening niyo" bigla nalang may nag text kay Mama.

"Sabi ni Van na sumabay ka na raw sa kanila" naku po! Kasabay ko na naman si Kuya.

"Sige Ma alis na po ako" lumabas na ako ng bahay.

"Ate ba't pa natin siya isasabay? May sasakyan naman sila eh" yun agad ang narinig ko, halatang ayaw na talaga sa akin ni Kuya.

"Ang dami mong reklamo, basagin ko yang bungo mo eh. Tsaka ba't mo parin pinagtatabuyan si Astrid ah? Kung ako sayo, lulubusin ko na ang panahon habang nakakasama ko pa siya. 'Di natin alam baka iiwan ka niya ulit. 'Di natin alam baka"

"Ate Van!" Lumabas na ako ng gate at baka ano pang masabi ni Ate.

"Aahh tara Astrid" tinignan ko si Kuya, ang sama ng tingin sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya para hindi niya makita na nasasaktan ako ngayon. Eh kasi totoo naman ang sinabi ni Ate Van na hindi natin alam baka maiiwan ko sila ulit kasi hindi naman natin alam kung anong mangyayari sa atin sa bawat kinabukasan.

Sumakay nalang ako sa front seat at tahimik lang kami buong biyahe.

Pagkadating namin sa school ay nauna nang bumaba si Kuya at malakas pa ang pagkaka close niya sa pinto.

"Ate narinig ko pala yung sinabi mo kay Kuya kanina" di muna kami bumaba ni Ate Van.

"Pasensya ka na Astrid ah. Naiinis na kasi ako dito kay Vaughn eh kaya di ko na napigilan ang sarili ko kanina" halatang frustrated na si Ate.

"Okay lang yun Ate tsaka isa pa kung ayaw parin ni Kuya sa akin, wala na akong magagawa dun. Ayaw ko nang ipagsiksikan sarili ko sa kanya Ate. Siya naman ang magsisisi sa huli eh. Hindi ko parin kasi kayang sabihin sa kanila ang totoo" ang hirap hirap eh.

"Basta tutulong ako para magka ayos kayong dalawa. Hindi pwedeng hindi kayo magiging okay ha? Sige na baka ma late pa tayo sa opening" bumaba na ako sa kotse at sakto namang nakikita kong naglalakad si Angela papunta dun sa Auditoriumi.

"Angela hintay!" Tawag ko sa kanya at naka barong tagalog din ito. Parang siyang Governor ngayon hahaha. Buti nalang ay lumapit siya sa akin ng may nakakalokong ngiti.

"Para ka talagang Barbie" sabi niya habang papalapit sa amin ni Ate Van.

"Good morning Maam Van"

"Ate Van si Angelo Alforque nga pala. Pinsan ni Megan"

"Pinsan mo pala si Megan Angelo?"
Hindi pala alam ni Ate?

"Yes maam" sabay na kaming naglakad papuntang audie. Parang ang ganda ng araw ni Angela ah. Maasar nga 'to.

"Daan muna anong office ah" tumango nalang kami.

"Barong check. Slacks check. Maayos na buhok check. Alam mo kung anong kulang sayo?" Agad kong sabi nung pag alis ni Ate Van.

"Wala nang kulang sa akin no. Nasa akin na kaya ang lahat" ang hangin pala neto.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon