Andito na kami sa Palawan. Nauna na ako kela Mama kasi sabay sabay na sila nila Papa pag dating nila ni Kuya Andrew.
"Halika na Astrid! Maligo na tayo!" rinig kong sigaw ni Ate Ekay habang andito ako sa CR nagbibihis ng rash guard at shorts. Ayokong mag two piece eh, hindi ko kaya.
"Eto na" lumabas na ako sa cr at nag apply ng sunblock. Medyo may araw parin naman kasi eh kahit hapon na.
Andito kami ngayon sa rest house nila Kuya Allen. Eh para ngang mansyon 'to eh sa laki. Mayaman naman kasi talaga sila Kuya Allen kaya ganito ka ganda ang kanilang rest house. May isang malaking pool, ang lawak pa ng garden at exclusive lang talaga ito sa pamilya nila.
Pumunta naman kami dun sa isang cottage na may pathway naman papunta dun. Hindi naman ganun kalayo ang cottage nayun na napapaligiran na ng tubig. Sarap maligo dun kasi malalim.
Andun din pala sila Kuya Allen at kasama niya pa si Kuya. Marunong na ba siyang lumangoy?
"Grabe ang ganda talaga ng lugar niyo Kuya Allen" sabi naman ni Ate Vee habang nakatingin lang sa magandang kulay ng dagat.
"Try niyo mag snorkel oh, may coral reefs din dyan" binigyan kami ng goggles ni Kuya Allen at agad ko namang sinuot yun at nag dive agad sa tubig. Namiss ko ang dagat.
Nakita ko namang ang ganda nga ng coral reefs at ang gaganda pa ng mga isda. Umahon muna ako para huminga ng maayos.
"Grabe ang ganda nga Kuya Allen!" sigaw ko at sumisid na naman. Grabe hindi ako magsasawa kakalangoy kung ganito naman kaganda ang tubig.
Umahon ulit ako at lumangoy pabalik sa cottage.
"Grabe ang ganda" tinanggal ko na ang goggles at umupo katabi kay Ate Vee.
"Ba't hindi pa kayo naliligo?" nakatambay lang sila dun eh. Si ako lang pala ang naligo kanina?
"Chill lang muna tayo" nagpahinga lang muna ako bago bumalik dun sa may hagdan at nakaupo lang ako dun habang inienjoy ang tubig.
"Aaahh!" tumalon na sa tubig ang tres marias at masayang lumalangoy. Nagulat naman ako ng biglang tumabi sa akin si Kuya kaya't lumangoy nalang ako papunta kela Ate.
"Grabe ang sarap ng tubig" sabi ni Ate Van at sumisid pa.
Langoy lang kami ng langoy hanggang sa napagod na kami.
"Kukuha lang kami ng pagkain" sabi nila Ate at kami nalang tatlo ni Kuya Allen at Kuya ang naiwan.
"Balik muna ako sa bahay, mag ccr lang muna" ang ending ay kami ni Kuya nalang ang naiwan.
Wala lang kaming kibuan pero bigla nalang siyang pumunta sa hagdan at lumangoy. Bahala nga siya dyan.
Mga ilang minuto naman ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik dito. Medyo kinakabahan na ako, baka may nangyari nang masama sa kanya.
"Hans! Ha— hans! Tulong!" sinasabi ko na nga ba't may nangyayari nang masama eh. Agad naman akong nag dive papunta sa kanya. Shet nasa ilalim na siya ng tubig at nawalan na siya ng malay. Umahon na muna ako para mag ipon ng maraming hangin bago ako sumisid. Kahit kinakapos na ako hangin ay sige parin ako sa pagsisid hanggang sa nakarating na ako kay Kuya at agad kaming umahon pero wala parin siyang malay.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...