"Atching!" pag gising ko kaninang umaga ay sinipon agad ako.
"Sinipon ka?" nakita ako ni Kuya na kararating lang dito sa room. Tingnan niyo na? Late na naman.
"Oo eh. Pero ayos lang ako. Atching!"
"Hahahaha!" bastos! Tinawanan lang ako!
"Anong nakakatawa?"
"Ang cute mo talaga tingnan pag huma atching!" ginaya pa ako.
"Oo na. Alam kong cute ako" tumigil naman siya sa pang aasar sa akin dahil dumating na ang second subject teacher namin.
*********
Umuulan na naman at kailangan ko nang umuwi. Pero wala akong raincoat or payong. Malayo pa naman yung room namin mula dito sa library.
Ako lang mag-isa ngayon dahil galing ako sa library habang sila ay nandun lang sa room. Hindi ko kasama si Kuya dahil ayaw niya dito sa library kasi mamamatay daw siya sa tahimik.
No choice ako at naglakad sa ilalim ng ulan papuntang room.
Pero bigla ko nalang naramdaman na hindi na ako nababasa ng ulan.
"Kababae mong tao wala kang dalang payong" hindi kasi ako yung tipo na nagdadala ng payong.
"Sorry po. Oo na, magdadala na po ako ng payong sa susunod Kuya. Pero san ka ba galing?"
"Ganito kasi ang nangyari. Nasa room ako nung biglang umulan ng malakas at alam kong wala kang payong. Alam ko rin na uuwi ka na pero hindi ka pa makakauwi dahil wala kang payong at nasa room ang bag mo at kailangan mo munang pumunta doon. Alam kong maglalakad ka parin kahit na may ulan at alam kong may sipon ka kaya't susunduin sana kita. Sa kabila ako dumaan at pag dating ko sa library ay wala ka na doon. Nakita kitang naglalakad at ngayon ay magkasama na tayo" grabe siya! Ang daming sinabi!
"Pasalamat ka sa akin----"
"Thank you po!" nakarating na kami sa room at agad na kinuha ang bag ko.
"Sabay na tayong umuwi Kuya"
"Huh? Bakit naman?"
"Nasira yung kotse namin at kailangan pang i repair. Mag commute nalang daw muna ako. Pero ayaw ko"
"Edi okay" maglalakad na naman kami papuntang bahay. Mabuti nalang at hindi na masyadong malakas ang ulan.
Naglalakad na kami papuntang bahay pero umuulan parin ng mahina. Ang hindi ko inaasahan. Nawalan na naman ng lakas ang mga paa at napaluhod ako sa daan.
"Hana!!" agad niya akong tinulungang tumayo pero nasugatan ako sa tuhod.
"Anong nangyari sa iyo? Masyado bang masakit ang paa mo? Kaya mo pa bang lumakad---"
"Mahina ang kalaban Kuya. Unang una, nawalan ako bigla ng lakas sa paa pero hindi naman masakit. Masakit lang pala yung sugat ko at kaya ko pang maglakad" sinubukan kong maglakad pero hindi kaya ng tuhod ko.
"Hindi mo kaya. Mag piggy back ride ka nalang" na miss ko to. Tumalikod siya at sumakay naman ako sa likod niya at naglakad na siya habang ako ang nagpayong sa amin.
"Salamat Kuya ah. Kahit na wala si Kuya Andrew para siya sana ang gumawa ng mga ito. Ikaw naman ang pumalit. Thank you dahil sa mga oras ng aking pangangailangan. Nandiyan ka palagi. I'm so lucky to have you as my brother. I love you Kuya" i really love you not just a brother.
"Walang anuman Hana. I love you too" sana marinig ko ang mga katagang yan hindi lang bilang isang kapatid. Niyakap ko siya sa likod. Mas manly na ang amoy niya ngayon pero kilala ko padin ang amoy niya.
Madami na kaming naging moments pag umuulan.
"Bakit ang gaan mo ngayon Han? Nag diet ka ba?"
"Huh? Wala naman sa bukabularyo ko ang diet eh? Sure ka ba Kuya na magaan ako?"
"Oo" bakit naman kaya.
Dumating na kami sa bahay at agad na ginamot ni Mama ang sugat ko.
"Thank you talaga Vaughn ah. Mabuti nalang at nandiyan ka palagi sa tabi ni Astrid" pagpapasalamat ni Mama sa kanya.
"Walang anuman po"
"Kumain na muna tayo" nag wheel chair na ako ngayon dahil sa sugat ko at kumain na kami.
"Magpagaling ka Hana ha. Sige, alis na ako" pagpapaalam niya sa akin pagkatapos naming kumain.
"Sige Kuya. Thank you"
"Alis na po ako Ma" oo, mama rin tawag ni Kuya kay Mama. Magkapatid nga DAW kasi kami diba?
"Thank you Vaughn" umalis na siya.
"Bakit ka ba nawawalan ng lakas sa paa anak?"
"Ewan ko nga Ma eh" bigla bigla nalang talaga akong nawawalan ng lakas sa paa. Para bang napaparalisa ang mga paa ko.
********
Tapos na pala ang birthday ko at nakatanggap ako ng maraming regalo pero ang pinaka paborito ko ay ang regalo ni Kuya. Isang key chain siya na may treble clef, may violin, tsaka isang heart. Ang cute niya talaga tsaka nilagay ko agad sa violin case ko. Nasa akin na daw lahat ng wants at wala na siyang maisip kaya yun nalang ang naisip niyang ibigay sa akin na wala ako.
Ngayon na din ang birthday ni Kuya at bwahahahaha! 16 years old na siya.
Last day of class na pala namin ngayon at late parin siya. Kaya't nag handa kami ng surprise para sa kanya. Bumili kami ng mga balloons, pagkain at cake. Gumawa rin kami ng banner na may nakalagay na happy birthday.
Sinarado namin ang pinto at nag ready. Alam namin na malapit na siyang dumating at dumating na nga siya..
"Happy birthday!" nabigla siya at parang hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"What the heck?"
"Hahahahaha. Pasalamat ka naisipan to ni Astrid" sabi ni Kuya Rain sa kanya.
"Ikaw ang nagplano nito Hana?" tumango lang ako.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!" kinantahan namin siya.
"Mag blow ka na ng candle" Pumikit na muna siya at nag blow.
"Aaaahh! Thank you guys for this. Especially, YOU" inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko.
"Arg!" ayaw ko talaga na ginugulo ang buhok ko. Ang hirap kayang mag pony tail.
"Hehe!!" kumain na kami at nagkasiyahan.
"Regalo ko Kuya oh" inabot ko sa kanya ang maliit na box.
"Huwag mong sabihing magic sarap na naman to" yun kasi ang regalo ko sa kanya last year. Pero joke lang naman yun eh.
"Why don't you open it?" may halong pagka bad ang pagkasabi ko nun. Binuksan naman niya.
"Thanks Hana" niyakap niya ako.
"Walang anuman" ang binigay ko sa kanya ay relo. Isang black watch na may disenyong piano.
"Ang astig!" nagustuhan niya ang bigay ko.
"Katulad parin ng sabi ko ah. Dapat makikita ko parin yan after ten years" nangako kami sa isa't-isa eh.
"Promise"
"Yan iniregalo ko sa iyo dahil kapag titingin ka sa relo mo. Ako ang maaalala mo. Diba hindi mo ako makakalimutan?" at ako rin ang nasa isip mo.
"Salamat talaga ng maraming marami Bunsoy" niyakap na naman niya ako at niyakap ko rin siya pabalik.
*********
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...