Andito ako ngayon sa rooftop nagpapahangin tsaka nagrerelax din. Wala naman kasing teacher eh at may pina activity lang sa amin pero natapos ko naman agad yun. Hindi parin kasi maalis sa isip ko ang ginawang pag yakap sa akin ni Kuya. Pero isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari at bumalik naman sa dati sa Kuya na walang kibo sa akin.
Hinahawakan ko ang kwintas na bigay ni Kuya at napapansin ko lang na hindi na niya suot ang mga bigay ko sa kanya. Ang relo na bigay ko sa kanya nung birthday niya tsaka yung isang pair niyong kwintas na suot ko ngayon.
"Oy tulala ka ah" nagulat ako dahil biglang dumating si Angela at tinabihan ako. Andito naman kami sa boundary eh.
"Wala, iniisip ko lang yung ginawa ni Kuya last week" alam niya na pala ang nangyari. Sa kanya ko lang din kasi sinabi eh. Alam niyo naman diba na si Angela lang ang nakakaalam na may gusto ako kay Kuya.
"Hoy Fleur isang linggo na ang nakalipas. Pero hindi rin naman kita masisisi kung ba't hindi mo pa makalimutan yun. Syempre mahal mo yung tao na lumalayo sayo pero himala na niyakap ka at hindi mo alam kung bakit. Tsaka hinahanap mo rin kasi ang ganung feeling eh. Yung ganung warmth na na feel mo nung niyakap ka niya" salamat naman at may sense siyang kausap ngayon. Tsaka tama ang sinabi niya, si Kuya kasi ay parang Koala dati na sobrang hilig mangyakap at ang paborito niyang niyayakap ay ako.
"Hay! Pano ako makakapag move on nito?!" Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Nakakainis eh! Kung san ko sinisimulan ang pag momove on eh dun din medyo nagpaparamdam si Kuya.
"Oy kalma. Para ka nang bruha" tumigil nalang din ako dahil ako pamg rin naman ang nasasaktan.
"Uy tulungan mo naman akong mag move on. Gusto ko nang makawala sa sakit na 'to. Gusto ko nang palayain ang sarili ko sa feelings ko sa kanya kasi ako at ako lang din talaga ang nasasaktan bandang huli" nakaka frustrate naman kasi eh. Kayo nga sa posisyon ko.
"Ha? Pano naman ako makakatulong sayo eh inaaway mo nga ako. Tsaka isa pa, hanggang advice lang ang kaya ko. Yung iba nga baka hindi pa gumana kasi magka iba naman tayo ng pinagdaanan" ano ba yan!
"Bakuran mo ako ganun. Sige na Angela parang awa mo na oh" siya nalang kasi talaga ang pag-asa ko.
***********
Angelo's POV
Nakakaloka talaga ang bruhang 'to. Sa akin pa talaga hihingi ng tulong para maka move on.
"Bakuran mo ako ganun. Sige na Angela parang awa mo na oh" at talagang nag makaawa pa talaga siya eh no? Pero hindi rin naman kasi madali ang problema niya ngayon.
"Sige na Angela please please please. Parang awa mo na talaga Angela. Promise! Magiging mabait na ako sayo, ililibre kita araw-araw ng lunch, hindi na kita tatawaging Angela, sa bahay ka pa maghapunan every night at tutulungan din kita sa mga projects mo basta tulungan mo lang akong mag move on sa kanya. Sige na Angela please please" ang ganda ng mga offer niya ah. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin eh.
"Oo na sige na. Tutulungan na kitang bruha ka basta may nag iisang rule ako. The golden rule is BAWAL ANG MA INLOVE" yung mukha niya ay di maipinta nung sinabi ang rule.
"Akala mo naman talaga na ma iinlove ako sayo ah? Kapal mo din eh no"
"Edi hindi na kita tutulungan madali naman akong kausap eh" aalis na sana ako nung hinawakan niya ang kamay ko.
"Oo na oo na. Susundin ko na ang rule mo. Tsaka hindi naman talaga ako maiinlove sayo eh. Itatak mo pa yan sa baga mo" ang angas talaga ng babaeng 'to. Ay wait correction. Tomboy pala.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Fiksi RemajaSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...