Chapter 41

6 0 0
                                    

Astrid's POV

"Kuya mag practice na tayo. May piyesa na tayo oh" medyo inis kong sabi sa kanya. Tapos na kasi ang klase namin at kailangan na talaga naming mag practice. Tatlong linggo nalang ang natitira naming oras para mag practice.

"Game. Saan tayo mag papractice?" Hay salamat naman at magpapractice narin kami sa wakas.

"Sa bahay, tara na" nagpaalam na kami kela Megan at agad na umalis ng school. Nag commute nalang kami para makauwi agad.

"Mama" nag mano ako kay Mama at sumunod naman si Kuya.

"Oh anong meron?"

"Mag papractice kami ni Kuya Ma para sa kasal ni Ate Van" tumango tango naman si Mama at umakyat na muna ako patungo sa kwarto para kunin ang mga piyesa at ang violin ko.

Pagkababa ko ay nakikita kong kumakain muna ng meryenda si Kuya.

"Kain ka muna anak" lumapit naman ako sa kanila at kumain din pero konti lang.

"Tara Kuya" pumunta na kami sa upright piano namin sa sala at umupo naman siya dun. Ngayon ko na naman siya ulit makikitang mag tutugtog ng maayos.

Tinotono ko muna ang violin bago kami nagsimula pero nakatitig lang siya sa piano keys. Anong problema niya?

'Kinalimutan ko na yan'

Naalala ko tuloy yung sinabi niya na pagkabalik ko. Pinapatugtog siya ni Megan ng piano pero sinabi niya lang yun at umalis. Pero ngayon ay wala siyang choice kasi favor sa kanya ng Ate niya yun eh.

I cleared my throat to get his attention at napatingin naman siya sa akin.

"Let's start?" tumango nalang siya at nagsimula naman siyang tumugtog. Actually magaling parin naman siyang mag sight read eh pero hindi na katulad nung dati.

Napasadahan na namin lahat ng mga piyesa at medyo napapagod na ako. But i missed playing the violin while he is my accompanist. Gawain kasi talaga namin 'to dati eh.

"Hay~ nakakamiss kayong tignan na tumutugtog" sabay kaming napatingin kay Mama na nakangiti sa amin. Hindi ko alam kung anong irereact.

"Ako din po Mama" sabi ni Kuya na ikinagulat ko tapos tumingin siya sa akin. Huh?

"Na miss ko din po" sabi niya ulit ng naka tingin sa akin. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko nga alam kung bakit hindi na katulad nung dati eh pag kinikilig ako.

"O siya kumain na tayo" binalik ko muna sa case ang violin ko. Napatingin ako sa mga keychain na andun. Nostalgic yung feeling ng nakita ko ulit ang bigay ni Kuya na keychain na bigay niya sa akin ang 15th birthday ko.

Kumain lang kami at pinagusapan lang namin ang tungkol sa kasal ni Ate Van. Pagkatapos ay umuwi narin agad si Kuya. Nakakapag move on na ata ako ng dahan dahan sa kanya. Sana nga magawa ko talaga.

-

Andito lang ako ngayon sa rooftop nag sosoundtrip nung mga kakantahin namin sa kasal. Wala naman kasi kaming klase eh at malapit naring mag uwian pero gusto kong tumambay dito. Gusto kong makita ang sunset.

"I was made for loving" may nagtanggal naman ng earphones ko sa kanang tenga.

"You" bulong niya at agad ko siyang natulak. Nakakakiliti kasi ang ginawa niya eh.

"Grabe naman kung makatulak oh" reklamo niya.

"Eh kasi naman bigla bigla ka nalang susulpot tapos bubulong pa" tumabi na siya sa pagkakaupo at nakatingin rin sa malawak na field ng aming school.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon