Andito na kami ngayon ni Kuya sa library, naghahanap ng mga libro na pwedeng makuhanan ng RRL. Naghahanap rin ako sa mga thesis dito.
"Ate may nagpapabigay po" bigla namang may lumapit sa akin na grade 9 na babae, red kasi ang lanyard niya. May inabot naman siyang isang paper bag.
"San galing 'to?"
"Hindi ko po alam eh. Sige po Ate alis na po ako"
"Ah sige salamat" nginitian ko nalang siya. Kanino naman kaya galing 'to?
Bumalik na ako sa upuan dala ang mga libro na nahanap ko at ang paper bag. Wala pa naman si Kuya kaya't binuksan ko na yun. May lamang letter, tsokolate at isang maliit na teddy bear na key chain.
"Kanino galing yan?" Nagulat na naman ako sa biglang pagbalik ni Kuya. Tinignan ko siya at nakakunot ang noo niya.
"Hi-hindi ko alam. May nagbigay lang naman kasi sa akin nito kanina na grade 9 na babae, hindi niya rin alam kung kanino galing" kinuha niya nalang sa akin ang paper bag at tinignan ang laman. Kinuha niya dun ang letter at siya pa ang naunang magbasa.
'Dear Astrid,
Hindi mo ako kilala kaya't sana naman ay huwag kang macreepihan sa akin. Hindi ako manyak na admirer tsaka wala akong masamang intensyon sayo. Nahihiya lang kasi akong humarap sayo kaya idinadaan ko nalang sa mga paganito ang paghanga ko sayo. Sana ay nagustuhan mo ang mga bigay ko.
-Ian
"Ian... Ian... Sinong gago kaya 'to?" ay grabe si Kuya, tinawag pang gago yung Ian na admirer ko daw. Putek ang seryoso na naman ng mukha niya.
"May kakilala ka bang Ian Kuya?" tanong ko nalang sa kanya kasi naiintimidate na naman ako sa aura niya.
"Wala pero makikilala ko rin yan" he's being protective with me again. Sino ba naman kasing KUYA ang hindi poprotektahan ang kanyang KAPATID sa mga secret admirers?
"Huwag mong kainin ang tsokolate. Baka may gayuma yan"
"Pffftt ahahaha naniniwala ka pala sa mga gayuma gayuma Kuya? Hahaha" natawa nalang ako sa kanya pero umiling iling lang siya at medyo tumalikod sa akin.
"Hi-hindi natin alam no na baka may gayuma nga yan" hala! Nautal si Kuya! First time niyang mautal after 2 years ah.
"Opo, hindi ko po kakainin. Baka kasi may GAYUMA. Hahaha" tinawanan ko ulit siya kaso mahina lang. Sinita ako ng librarian eh hahaha. Nakatalikod parin siya ng bahagya sa akin, and i saw that he raised his cheeck bone. Does that mean he smiled?
Sa sobrang pagka curious ko ay bigla ko siyang tinignan galing sa likod at nakita kong nakangiti nga siya pero bigla nalang naglaho yun. MY GULAY!!! Nakita kong ngumiti si Kuya!!!
"Oh ba't ka nakangiti Kuya?" Medyo malapit ang mukha ko sa kanya at nakangiti lang ako. Nagulat siya sa ginawa ko kaya't tinalikuran niya ulit ako pero agad naman akong bumalik sa upuan.
"Grabe siya, tinatalikuran lang ako eh. Uuuyyy si Kuya ngumingiti na" sinundot sundot ko pa ang tagiliran niya at medyo kinikiliti rin kaya't medyo nakukuha namin ang atensyon ng mga estudyante.
"Aish... 'Di ako ngumiti ah"
"Asuuu todo deny ka pa Kuya. Nakita ko nga eh, dahil dun sa gayuma gayuma no? Hahaha ayyiieee~ ngumingiti na ulit ang Kuya ko" kinikiliti ko parin siya at ayun, napangiti ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...