Chapter 42

10 0 0
                                    

Angelo's POV

"Tahan na" naririnig ko parin kasi ang pagsingot niya ng sipon eh. Hindi parin yun nawawala sa isip niya ang nakita kaya umiiyak parin siya hanggang ngayon na halos hindi nga niya alam kung saan kami pupunta eh. Hindi kasi siya nag reklamo na hindi ito ang daan namin pauwi.

"Saan 'to?" nag park na kasi ako ng sasakyan at dun niya lang napagtanto na nasa ibang lugar kami.

"Dog café" nauna na akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto.

"S-salamat" naglakad na kami papasok at sinalubong agad kami ng mga aso. Grabe ang cucute.

Nakita ko naman siyang nakangiti habang nilalaro ang ibang aso kaya't napangiti narin ako. Pero nabaling ang atensyon ko sa isang tuta na lumapit sa akin. Goldren retriever ito at naalala ko sa kanya si Mikee.

"Tara na sa loob Anjo" pag tawag niya sa akin at nakangiti parin siya. Damn that smile. I would do everything just to make her smile.

Pumasok naman kami sa loob at agad na nag order.

"Ah hahaha aaahh nakikiliti ako hahaha" na puppy attack siya eh hahaha. Nakangiting nakatingin lang ako sa kanya.

"Ahahaha grabe sila" napatingin naman siya sa akin.

"Mu-muntanga naman 'to oh" sabi niya at binaling nalang ang atensyon sa mga aso. Nilalaro niya ang mga tuta na parang baby at ang cute cute lang tingnan. Panay parin ang ngiti niya.

"Ang ganda mo lalo pag nakangiti" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun kaya't agad siyang napatingin sa akin.

"H-ha?"

"Ang sabi ko ang ganda mo lalo pag nakangiti. Kahit nga umiiyak maganda ka parin eh" nakita ko namang namumula ang kanyang tenga pati ang kanyang pisngi. Anyare sa kanya?

"Ikaw ha huwag mo akong pinagloloko" nakakunot naman ang noo niyang nakatingin sa akin.

"Seryoso ako no" dumating naman ang order namin kaya't hindi kami naging awkward.

"Kain na tayo" sabi pa niya at agad na nilantakan ang burger. Fun fact, malakas 'tong kumain pero ang payat parin. Naalala ko nung nag vikings kami, tapos na sila Shane kumain pero siya kain parin ng kain. Sulit siya pag dinadala sa mga buffet hahaha.

"Lakas mo talagang kumain" natatawa kong sabi.

"Gutom ako eh" ang cute niya talaga. Kumain narin naman agad ako.

"Random question lang ah.. ano ba ang tipo mo sa mga lalake? Ano ba ang qualifications niya para magustuhan mo? Pero huwag mong sabihing katulad ni Vaughn ah" tanong sa kalagitnaan ng kain namin. Ang tahimik na kasi namin eh.

"An-ano. Simple lang, yung mabait, yung makakasabay sa trip ko, yung same kami ng taste sa music, marunong kumanta, pinapatawa ako, at yung mamahalin ako ng buo" teka parang pasok ako dyan ah. Hahaha. Assuming naman si AKO.

"Eh sa physical appearance?"

"Hindi importante sa akin ang physical appearance no. Basta kung pasok sa mga sinabi ko kanina okay na" hindi niya ata narerealize na medyo pasok ako sa mga sinabi niyang qualifications. Nagpatuloy naman siya sa pagkain.

"Eh ikaw naman? Ano ang tipo mo sa babae?" na back to you ako ah. Nilunok ko muna ang kinain ko.

"Simple lang din. Yung mabait, pinagluluto ako, nag eeffort para sa akin, inaalagaan ako, tapos syempre dapat marunong ding kumanta, at higit sa lahat mamahalin din ako ng buo" sa madaling salita. Ikaw.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon