Natapos na ang buwan ng wika culmination at panalo na naman ang section namin. Kahit na 22 lang kami sa section ay naipanalo parin namin yun.
Pero pagkatapos nung nangyari sa bahay na paghalik ni Kuya sa noo ko ay hindi na niya ulit ako pinapansin. Balik na naman sa emotionless and cold Kuya. Kay Megan niya pinapakita ang mga emotion niya pero hindi ko alam kung totoo ba yun. Grabe si Megan, kaya niyang tiisin ang atittude ni Kuya.
Hindi ko parin pala maalala ang naging utang ko kay Kuya. Nakaka frustrate nga eh kasi anytime pwede niya akong isumbong kela Mama at Papa.
"Oy bunso tulala ka" kanina pala ako nakatulala dito sa labas ng bintana. Buti nalang ay tinawag ako ni Mamang.
"Wala lang Mamang, may iniisip lang" tinapos ko nalang ang worksheet namin sa Fundamentals of ABM.
Nagstart na ang klase namin kay Ate Van pero hindi ako nakinig ng maayos. Pinapatapos niya lang naman sa amin ang Chapter 2 eh. Lumilipad parin kasi ang isip sa mga nangyari.
"Hans" sa sobrang gulat ko ay natamaan ang kamay ko sa ilalim ng desk kaya't SOBRANG SAKIT NG KANANG KAMAY KO!!
"Ah Merde (shit)!" Napamura tuloy ako sa sakit at sa gulat. Bigla bigla nalang kasing nangangalabit si Kuya eh.
"Huy okay ka lang bunso?" Na agaw ko pala ang atensyon nila Mamang at hinahawakan ko lang ang kamay ko. Sa edge naman kasi ng desk tumama ang kamay ko eh.
"Yeah, i'm okay" pero bigla bigla nalang hinawakan ni Kuya ang kamay ko na tumama sa desk. Namumula na ngayon ang kamay ko kaya't bigla siyang tumayo at dinala palabas ng room at naglakad patungo sa kung saan.
"K-kuya" hindi parin niya binibitawan ang kamay ko at patuloy parin kami sa paglalakad papuntang canteen?
"Kuya okay na ang kamay ko" hindi parin niya ako pinapansin hanggang sa nakapasok na kami sa loob at doon niya binitawan ang kamay ko.
"Upo ka muna dyan" pinaupo niya muna ako sa mga upuan dito at pumunta na siya counter tsaka kumuha ng ice candy dun sa ice box at binayaran na niya tapos ay naglalakad na siya ngayon papunta sa akin.
"Akin na kamay mo" ang lamig ng boses niya. Kasing lamig nung ice candy.
"Kuya okay na talaga ang kamay ko" well medyo masakit pa talaga siya sa totoo lang pero tinignan lang ako ng medyo masama kaya't ayun, inilahad ko nalang ang kamay ko. Para naman akong nakuryente nung hinawakan na ni Kuya ang kamay ko. Putek! Kinikilig na naman ako ngayon!!
Medyo nagkapasa ang kamay ko dahil mabilis lang naman talaga akong magkapasa kahit nung bata pa.
Tahimik lang kami pero nakikita kong tinitignan kami ng mga estudyante. Yung iba ang sama pa ng tingin sa akin, halatang may gusto kay Kuya eh.
"K-kuya, pinagtitinginan na tayo mga estudyante" sabi ko naman sa kanya kaya't napatingin siya sa mga tumitingin sa amin at agad naman silang umiwas ng tingin at bumalik naman sa paggamot ng pasa ko si Kuya.
"Kuya ako nang gagamot sa kamay ko. Kaya ko na 'to" kukunin ko na sana ang ice candy sa kanya pero inilayo niya sa akin yun. Okay okay i get it.
Habang ginagamot niya parin ang kamay ko ay nagkaroon naman ako ng chance na titigan ng maayos ang mukha. His side profile is really stunning, with his thick eyebrows, his long eyelashes, his pointed noise, his thin and cute red lips, and his defined jaw line. Kaya maraming nagkakagusto dito eh, kahit nga sa college dept ay sikat si Kuya.
Dati nga pag valentines day o kaya naman ay birthday niya may mga lumalapit sa akin na mga estudyante para ipaabot ang mga regalo nila kay Kuya. Pero ang ginagawa lang ni Kuya ay ipinababalik niya sa akin ang mga yun pero nagpupumilit talaga sila eh na ibigay kaya Kuya pero ang ending, sa akin napupunta ang mga regalo. Wala siyang tinanggap ni isang regalo galing sa mga yun.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...