Chapter 36

10 1 0
                                    

Astrid's POV

Simula na ng sem break namin pero nasa Pilipinas lang ako. Si Mama lang yung pumunta sa States para bisitahin si Kuya Andrew eh, buti nalang ay pumayag naman si Mama na magpa iwan ako.

Ngayon ay busy ako kakatipa ng irereply sa group chat namin. Sabi kasi ni Anjo na hindi na raw kami matutuloy kasi sinundo siya ng Tatay niya papuntang Singapore at nasa Airport na sila ngayon. Ano ba yan drawing na naman kami eh. Naalala ko si Mikee, wala palang nagbabantay dun. Sabi naman ni Anjo na kunin ko nalang daw si Mikee kasi nasa labas lang naman daw siya ng gate. Buti naman, kawawa kasi si Mikee eh.

Unti unting nararamdaman ko na ang boredom kaya't napagpasyahan ko nalang na mag bisekleta papuntang nature park dito sa amin. Papunta na ako dun sa favorite spot namin ni Kuya na maliit na tulay na nasa gitna ng lawa.

Am i hallucinating? Kasi nakikita ko si Kuya na nakaupo rin dun pero naka earphones siya at nakapikit. Dahan dahan naman akong lumapit at tumabi sa kanya kaya't nagulat siya nung nakita ako na katabi niya.

"Bored ka rin ba Kuya?" Yun nalang ang nasabi ko. Wala eh yun lang ang naisip ko.

"Y-yeah. Umalis na kasi si Ate para sa Research Convention sa Jakarta kaya't ayun. Mag-isa na naman ako sa bahay" see? At least nakakausap ko na siya, kahit na hindi na katulad nung dati ang turingan namin.

"Well same rin pero kasama ko naman sila Manang. Si Mama umalis din, siya nalang yung bumisita kay Kuya Andrew" natahimik kami at pinagmamasdan ko nalang ang lawa.

Nag vivibrate naman ang cellphone niya. Nakikipag facetime si Ate Van sa kanya at agad niya namang sinagot ito.

"Bunso! Look at this" tumingin rin ako sa screen at nakita kong pinapakita niya ang kanyang kamay na may singsing?

"Tapos?" Kung nandito lang si Ate Van kanina pa niya 'to nabatukan.

"Engage ka na Ate?!" Medyo exaggerated na sabi ko.

"Oo engage na ako!!!" Halatang ang saya saya niya ah.

"Naks naman talaga oh. Congrats Ate Van" excited na akong magkaka baby si Ate Van.

"Thank you Astrid... Uy ikaw Vaughn? Hindi mo ba ako babatiin?" Inirapan niya si Ate Van pero bumalik rin sa screen ang tingin niya.

"Congrats Ate. Okay na ah" medyo walang gana niyang sabi.

"Lagot ka sa akin pag uwi ko... By the way, kayo ang magiging singer sa kasal ko ah. Maghanda kayo ng maraming kanta. Tsaka bawal tumanggi. Naalala ko pa na nag promise kayo sa akin nung tinanong ko kayo kung ikakasal na ako ay kayo ang magiging singer, sabi niyo naman sure kayo ang magiging singer kaya final na ah" nagkatinginan tuloy kami sa sinabi ni Ate Van.

"Ate naman eh alam"

"Sabi nang huwag aangal eh. Tsaka bunso, once in a lifetime lang na ikakasal ako. Pagbigyan mo na ako please, kasi kayo talaga ni Astrid ang pinagkakatiwalaan ko na singers at sa instrumentals para sa kasal ko. Sige na bunso" naging malambing si Ate Van kay Kuya para makumbinsi siya.

"Okay fine" napa yes naman si Ate Van at ako rin.

Tapos na ang facetime at nakatingin lang ulit kami sa lawa. Tahimik lang kami at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tatanungin ko ba kung kelan kami mamimili ng mga kanta? Or kung kelan kami mag papractice? Sa december na kasi ang kasal eh.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon