Today is the most awaited time sa buhay ni Ate Van because today is her wedding day! Magiging de Gracia na siya!
Kakatapos ko lang mag makeup at nakapag bihis narin ako ng isang white cocktail dress na may short sleeve at below the knee lang ang length nito habang naka flat shoes lang din ako na white kasi marami akong tayuan portion mamaya eh. Pastel colors naman kasi ang motif nila.
"Hana, are you done?" binuksan niya naman ang pinto at medyo napatulala nung nakita ako pero nakaawang ang kanyang bibig na para bang may sasabihin.
"Aaayy! Barbie sabi ko na" napatawa ako ng malakas dahil sa pagkanta niya. Akala ko naman na may sasabihin talaga siya.
"Hay naku Kuya tara na nga sa venue" lumabas na ako ng kwarto at bitbit ang aking violin at ang clearbook na may lamang mga piyesa para mamaya. Grabe nagkakagulo sila sa sala, nag phophotoshoot pa kasi sila eh and everything. Ang daming ganap.
Dumiretso naman kami sa garden kung nasaan ang venue ng kasal. Ang cool ng design nila ah, rustic kaya hindi ganun ka bulaklakin at sobrang pang millenial talaga. Ang astig! Sana ganto rin ang magiging design pag ako ang ikinasal sa future.
Dumiretso naman si Kuya si keyboard at nilabas ko ang aking violin, nilagyan ng resin at tinotono.
"Pasadahan muna natin lahat ng piyesa" suggest niya at agad naman kaming nagsimula. Baka mamaya magkamali pa kami, masisira pa namin ang moment nila Ate Van at Kuya Allen eh.
Nagsimula na ang ceremony at okay naman ang naging tugtog namin ni Kuya. Kinakabahan ako kasi malapit nang mag march sa aisle patungong altar si Ate Van. Kakantahin kasi namin ang Araw Araw ng Ben&Ben bilang bridal march.
"Umaga na sa ating duyan
Huwag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal oh mahiwaga" bumukas naman ng dahan dahan ang nilagay nilang pintuan sa dulo nung red carpet na para bang nasa simbahan kami. Parang dyosa si Ate Van paglabas niya galing sa pintuan, ang ganda niya habang naglalakad ng dahan dahan."Matang magkakilala sa unang pagtagpo
Paano dahan dahang sinuyo ang puso" si Kuya muna ang nag solo habang nakatingin sa kanyang Ate na naglalakad ng dahan dahan patungo sa altar."Kay tagal ko nang nag-iisa
Andyan ka lang pala" duet namin at nakita kong kumakanta rin si Ate Van habang nakatingin kay Kuya Allen na umiiyak rin."Mahiwaga pipiliin ka sa araw araw
Mahiwaga ang nadarama sayo'y malinaw" umiiyak rin si Ate Van habang naglalakad at nakangiti parin."Higit pa sa ligayang hatid sa damdamin
Lahat naunawaan sa lalim ng tingin" solo ko rin at nag blend ulit ang boses namin sa chorus at kumakanta rin si Kuya Allen at Ate Van habang nakatingin sa isa't isa.Kung ako ang ikakasal, ako ang kakanta habang naglalakad ako sa aisle. Actually isa sa mga pangarap ko ang ikasal sa lalakeng mahal ko. Iniimagine ko nga sarili ko na naglalakad din daw ako papuntang altar pero pagdating ko sa altar si... si Anjo ang nakita kong naghihintay sa akin? Putek mag fofocus muna ako sa pagkanta.
"Payapa sa yakap ng iyong hiwaga" sabay naming kanta kasama ng mga andito sa kasal at may pa clap rin. Parang naging konting mob lang siya. Ang astig nga eh. Na orient rin naman kasi sila bago nag start ang ceremony. Ang organized ng kasal nila.
"Mahiwaga pipiliin ka sa araw araw
Mahiwaga ang nadarama sayo'y malinaw" nasa altar na talaga silang dalawa habang nakangiting nakatingin sa isa't isa at sumasabay pa sa pagkanta namin."Mahiwaga huwag nang mawala sa araw araw oh woah" naramdaman kong napatingin si Kuya sa akin kaya't napatingin din ako sa kanya.
"Mahiwaga pipiliin ka araw araw" nakangiti naming tinapos ang kanta. Sana all pinipili araw araw na mahalin.
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...