Chapter 48

8 0 0
                                    

Astrid's POV

Naging okay narin naman ako pagkatapos nung nangyari sa barbecue house. Na trauma talaga kasi ako sa nangyari kay Tito Carlos, harap harapan kasi talaga sa akin ang pagbaril sa kanya sa ulo. Sa tuwing nakakarinig ako ng may pumuputok na parang baril nagpapanick attack agad kayo dahil sa nangyari.

"Hans let's practice? Bukas na ang performace natin eh" bukas na kasi kami mag peperform para sa broadway night na gaganapin sa theater hall ng College of Music.

Nag popolish nalang kami ng choreography namin. Ang pinili kasi ni Kuya ay ang What you mean to me eh, may mga konting choreography kasi pero hindi naman ganun ka hirap ang kanya.

"Takbo ng konti tapos ikot ka Vaughn and then jump Astrid" sabi nung kaklase ko na naging choreographer namin. Sa room lang kami nag practice at andito padin sila Mamang.

"Good good, sige ulitin niyo" inulit naman namin ang routine na yun.

"Perfect!" nakuha na kasi namin ng maayos eh. Nag final rehearsal naman kami at ready na kami for tomorrow. Kahit medyo hinihingal ay keri naman.

Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot nila Mamang.

"Megan no offense ah, pero kinikilig kasi ako sa kanilang dalawa kanina eh. Kahit ayokong kiligin ay kinikilig talaga ako ewan ko kung bakit" natawa naman kami ni Kuya dahil sa sinabi ni Mamang. Kanina pa yan tili ng tili habang nag papractice kami.

"Meaning nun Mamang, in character lang talaga kami at may chemistry. Diba Hans?" siniko naman ako ni Kuya.

"Ah o-oo" nagsiuwian rin naman kami dahil kailangan ko ding mag prepare para bukas.

-

"Ako nang bahala sa buhok mo bunso. Mag focus ka na sa pag mamakeup dyan" 4:45 na kasi eh tapos magsisimula ang broadway night ng 5:30. Hindi pa ako tapos na mag ayos.

"Ayan" tapos na ang buhok ko at patapos narin aking mag makeup.

"Thank you Mang" bineblend ko pa ng maayos ang aking eyeshadow.

"Ito bunso oh... mag sapatos ka na" sinuotan naman ako ni Ate Shane ng sapatos para sa performance mamaya.

"Thanks Ate" putek kinakabahan na ako para sa performance namin mamaya.

"Asan na si Vaughn?" natataranta na ang president namin habang ako ay nag mamascara na.

"Present!" nakapag bihis na siya at ang gwapo gwapo niya sa suot niya. Naka tuxedo kasi siya eh, mas lalo siyang gumwapo.

"Ayusin mo na ang buhok mo" pressured na sabi ni pres.

"Tapos ka na Astrid?"naglagay lang ako ng medyo may pagka pinkish peach na lipstick at ang setting spray.

"Done" gamit namin ang kotse ni Kuya Rain para makarating agad sa theater hall ng College of Music.

"Kuya kinakabahan na ako" nasa back stage kasi kami eh. Magsisimula na kasi ang program.

"Huwag kang kabahan. Kayang kaya mo nga sa rehearsal natin eh. I know makakaya mo rin yan mamaya" hinawakan niya naman ang kamay ko na sobrang lamig na dahil sa kaba ko. Habang sa kanya naman ay mainit.

"Anjo" paparating na kasi sila Anjo kasama ang mga kaklase niya dito sa pwesto namin eh. Agad naman siyang nakatingin sa magkahawak naming kamay.

"Ano ang kakantahin niyo?" tanong ko. Nakabihis pala siya ng pang Evan Hansen at may cast pa sa kanang kamay.

"You will be found" kaya pala ang dami nila. Nabaling naman ang atensyon namin sa emcee kasi nagsisimula na.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon