Chapter 54

11 0 0
                                    

Astrid's POV

Nabalitaan nalang namin nung gabing yun na naghiwalay na pala si Megan at Kuya but we don't know the reason. Hindi na namin gaanong nakakasama si Megan at si Kuya naman ay hindi ko narin makausap pero nahuhuli ko siya minsan na nakatingin sa akin.

"Huy anong petsa na anak? Nakatunganga ka parin dyan! Mag prepare ka na, nakalimutan mo bang graduation mo na ngayon? Huh?" bigla namang pumasok si Mama at tinulak tulak pa ako papuntang CR.

"Bilisan mo na ha" yun na ang huling sinabi ni Mama bago sinarado ang pinto at nagsimula naring maligo.

Natural makeup lang ako sa graduation namin kasi tinatamad akong magpabongga masyado ng makeup. Yung pa fresh lang na makeup.

"Bunso akala namin malalate ka" bungad agad ni Mamang pagkarating ko.

"Medyo na traffic lang, basta ang importante ay andito na ako. Makaka graduate na tayo ng sabay!" nagpapicture muna kaming magbabarkada at kasama na si Kuya na nakangiti habang nagpapapicture. Hindi pa naman nagsisimula eh kaya kinuha ko yun na opportunity para makapag selfie ako sa mga kaklase ko. Talagang iniisa isa ko sila. Hanggang si Kuya nalang ang natira.

"Bro papicture naman tayo oh" medyo naaawkward ako sa kanya pero pinagsisikapan kong maging natural parin.

"Sure" nagpapicture na kami pero hindi lang isang picture. Maraming picture na iba't ibang pose. Kinuha niya kasi ang phone ko at parang nakikita ko ulit ang dating Kuya dahil naging makulit siya sa mga picture.

"Hahaha andaming wacky" ang saya lang naming panoorin sa pictures. May fierce, may wacky pa sa lahat ng wacky, at may seryoso. Hahaha we're such a dorks.

"Okay paki ayos na ang linya" sabi nung isang faculty kasi we're about to start. Grabe makaka graduate na ako ng high school.

Ngiti lang ako ng ngiti habang naglalakad patungo sa upuan namin at katabi ko parin si Kuya.

Nagkaiyakan at nagtawanan kami habang on going ang program. Grabe nag iyakan din ang mga teachers kaya't naiyakan din kami.

Sa ngayon ay kinakanta na namin ang farewell song at umiiyak na kami. Halos hindi na nga makakanta eh dahil sa iyak. Mamimiss ko ang batch namin.

"Tara pa picture agad tayo sa stage" sabi ni Ate Shane pagkatapos naming magpalipad ng balloons sa field. Graduate na nga talaga kami.

Nagpunta rin naman agad kami dun at ang dami pang nagpapapicture edi dun nalang kami sa baba basta kumpleto lang kaming magbabarkada. Si Papa rin ang naging photographer namin.

"Astrid pwede bang magpapicture sayo?" may mga lumapit sa akin na mga lalake galing sa HUMSS.

"Sure" nagpapicture na kami at may sumunod na naman. Grace ata pangalan nito eh, STEM Temperance. Hanggang may iba pang napapicture sa akin pati kay Kuya.

"Grabe, iba talaga pag famous ah. Para kayong celebrity kanina" natatawa pang sabi ni Mamang. May mga nagbigay pa sa akin ng mga garland at mga regalo.

"Haba talaga ng buhok mo te" tinawanan ko lang sila dahil sa pang aasar.

"San kayo ngayon?" tanong ko sa kanila.

"May salo-salo kami sa bahay eh kasama ang mga kamag-anak" -
Ate Shane

"Same rin ako bunso" - Mamang

"Ako rin bunso eh" - Ate Drea

"Pero dun kami sa inyo ah" sabi naman ni Kuya Rain. Syempre first cousin kami eh.

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon