"Ang laki naman ng bahay niyo" siya lang mag-isa tapos ang laki ng bahay.
"Malaki nga malungkot naman" sinundan ko siya sa kusina.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya at binuksan ang ref.
"Huwag ka nang mag abalang pakainin ako Angela"
"Baka akala ng Mama mo ginugutom kita"
"Pffft! Ahahaha" natawa ako sa sinabi niya.
"Anong nakakatawa tawa dun?" tanong niya at nilabas nalang ang koko crunch tsaka gatas.
"Wala wala. Huy huwag ka nang mag abala pa. Dun naman tayo sa bahay kakain mamaya"
"Luh! Nakakahiya na sa Mama mo"
"Nahihiya ka pala? Hahaha" kumuha siya ng dalawang bowl tsaka nilagyan ng koko crunch at gatas at binigay sa akin ang isa.
"Hmmm koko crunch. Nakain ka parin nito?" sabay subo.
"What do you expect? Ako lang mag-isa. Yan ang mga go-to na mga food ko" tumitingin tingin ako sa palagid.
"Linis ah" malinis siya na para bang hindi lalake ang nakatira dito.
"Syempre. Naghihire ako ng cleaner no" kumain nalang muna ako.
"Ano na nga palang update dun sa feelings mo para kay Vaughn?" ba't naman to nagtatanong out of nowhere?
"Uumm... Ganun pa din. Mahal ko parin siya at nasasaktan parin ako mag nakikita sila"
"Aahh~" yun lang ang sabi niya at kumain na naman.
"Naka ilang girlfriend ka na dati? Or may girlfriend ka ba ngayon?"
"Bakit gusto mo ba na ikaw ang maging girlfriend ko?"
"HALA ANG HANGIN MO!" napataas ang boses ko tapos siya tawa lang ng tawa.
"AHAHAHA" mangiyak ngiyak na nga siya kakatawa oh.
"Ay nako. Biro lang yun no. Ito naman, napaka defensive... Pero ang sagot dun sa tanong mo. Ano yun? Nakailang girlfriend ako or may girlfriend ba ako ngayon?... Well, yes nagka girlfriend na ako dati. Pero once lang tapos siya pa lang so far ang naging girlfriend ko"
"Anong nangyari?" curious ako sa lovelife niya eh.
"What do you mean anong nangyari?"
"Anong nangyari ba't kayo naghiwalay?"
"Hindi talaga kami naghiwalay actually... Namatay kasi siya... Namatay siya dahil sa leukemia on our 2nd anniversary. Naging kami kasi nung Grade 9. January 18, 2015. Tapos na diagnose siya ng leukemia pagka grade 10. Malala na pala yun stage 3 na. Nilihim pa nga niya sa akin yun ng ilang months pero nalaman ko rin nung nakita ko yung mga pasa niya. Akala ko talaga siya na eh kaso hindi pala... Nang iwan na siya agad pagka grade 11 eh. Mahal na mahal ko yun" medyo naluha siya.
"Sorry. Sana di ko na pala tinanong" kawawa pala ang nangyari sa kanya.
"Okay lang. Tsaka medyo nakapag move on naman ako. Nangako pa ako sa kanya na hindi ako mag-aasawa pag hindi siya ang nakatuluyan ko. Pero kailangan ko daw mag move on sabi ni Papa. Mahirap kasing naka stick lang ako sa past at alam ko namang wala na akong magagawa pa para ibalik yun" may point naman.
"Pano ka nag move on?" gustong gusto ko na kasing mag move on sa kanya.
"Bakit? Gusto mo na bang mag move on sa kanya?"
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...