Angelo's POV
Kinakapalan ko na talaga ang mukha ko. Ngayon na kasi ako aamin sa kanya eh, ayoko nang patagalin 'to kasi hindi ako sure baka sunduin ulit ako ni Papa.
"Anjo" nagdala ako ng chips kasi plano naming manood ng movie dito sa kwarto niya. Grabe kinakabahan na ako.
Habang nanonood kami ay nag iipon rin ako ng lakas ng loob. Kung Fu Panda 3 naman ang pinapanood namin. Mas mabuti na 'to kesa sa mga love story kasi baka ma awkward ako.
Natapos na ang movie at nireready ko na ang sarili ko.
"Ah Fleur" tinignan niya naman ako.
"Oh? May sasabihin ka?" Whooo! It's now or never.
"Diba sabi mo na kung hindi kayang sabihin, mas mabuting idaan nalang sa kanta?" Aahh kinakabahan na ako ng sobra.
"Tapos?" Huminga muna ako ng malalim.
"There's only one way, two do, three words for you..." naguguluhan ang ekspresyon ng mukha niya.
"I love you" kahit kinakabahan ako ay nairaos ko naman.
"H-ha?" ramdam kong kinakabahan din siya.
"I love you" ngumiti muna ako sa kanya. Habang siya ay hindi parin makapaniwala.
"Ikaw talaga ang gusto ko at hindi si Allanis..." shit nawawalan ako ng words.
"If you don't feel the same way it's okay. Pwede mo rin akong iwasan kung na aawkward ka sa akin... Umamin na ako kasi sayang panahon. Baka pagsisihan ko lang na hindi nasabi sayo ang totoong nararamdaman ko eh. Yun talaga ang totoong pakay kung ba't ako nandito eh. So alis na muna ako ah para mag sink in sayo ang nangyari" mabilis pa sa alas kwatro akong naglalakad papunta sa pinto niya. Pipihitin ko na sana ang door knob.
"Stay where you are
Don't come too close and
Don't go too far" natigilan ako sa kinanta niya. Lord siya na nga talaga ang para sa akin. Yan ang huling kantang hinihintay kong kakantahin niya para ligawan ko siya eh and she did.Hindi ko parin siya nililingon at nanatili lang ako sa pwesto ko.
"I like you right there
I like you right there
Stay" is it real?Dahan dahan naman akong lumingon sa kanya.
"Fo real?" tanong ko sa kanya. Pumunta naman ako sa kanya at niyakap siya.
"I like you" sabi niya kaya't kumalas muna ako at tinignan ang magandang mga mata niya.
"You can love me gradually naman eh" ngumiti lang siya at hinalikan ang noo niya. I didn't expected this.
"So pano ba yan. Liligawan na kita ah"
"Ligawan mo muna sila Kuya Rain bago kela Mama at Papa" patay tayo nito. Hindi ko alam kung papayag ba si Vaughn eh.
"Okay" nagyakapan na muna kami. Ang bango bango talaga ng buhok niya.
"Naka move on ka na ba talaga kay Vaughn?"
BINABASA MO ANG
I'd Lie
Teen FictionSi Astrid Fleur ay biglang umalis ng walang pasabi sabi at bumalik after 2 years without knowing her reason. She had a best friend/Kuya/Mahal niya before she left, and pagbalik niya, everything has changed. Hindi na niya makilala ang dating Kuya niy...