Chapter 47

5 0 0
                                    

"Oh pasalubong ko" nagulat ako nang biglang nagpakita si Anjo sa harapan ko at may inabot pang isang paper bag.

"Anjo!" na miss ko siya kaya't niyakap ko siya agad.

"Hoy bawal yan hahaha" kumalas naman ako sa pagkakayakap dahil inaasar naman kami nila Kuya Rain.

"Oh para sa inyo" inabot niya naman kela Mamang ang isang malaking zip lock na puno ng iba't ibang klase ng tsokolate.

"Ay wow! Salamat Gelo/Thank you" pagpapasalamat nila Mamang sa kanila.

Bigla namang dumating ang adviser namin kaya't agad din siyang umalis at bagong dating lang din si Kuya. Nilagay ko muna sa ilalim ng desk ang pasalubong ni Anjo. Mamaya ko na 'to bubuksan.

"Kanino galing?" tanong agad ni Kuya nung bubuksan ko na ang paper bag pagkatapos ng first class namin.

"Kay Anjo... pasalubong niya" tumango tango naman siya pero mukhang hindi naniniwala eh. Bahala siya dyan.

Wow naman! Ang angas ng pasalubong niya ah, isang drawstring bag at may tshirt pa, may keychain din at mga tsokolate. Ang saya pala pag si Anjo ang nag bigay ng pasalubong. Dami eh.

"Ang bias naman ni Gelo. Ikaw lang ang may ganito?" pang aasar naman ni Kuya Rain. Alam ko na kung san papunta 'to.

"Ano na bang meron sa inyo ha?"

"Wala.. we're.. FRIENDS" oo, friends lang naman kami ah.

"Parang hindi na eh" mapang asar pang sabi ni Ate Drea. Buti nalang ay dumating na ang next teacher namin kaya't natigil na sila sa pang aasar.

Nag lulunch na kami ngayon at kakarating lang din ni Anjo.

"Huy Gelo ba't siya lang ang may drawstring bag? Kami wala?" bungad agad sa kanya ni Ate Shane.

"Siya lang naman ang nanghingi ng pasalubong eh" habang kumakain ay panay parin ang pang aasar nila sa amin pero ang napapansin ko kay Kuya ay parang nawawalan siya ng gana.

"Tara Fleur" sinundo pa ako ni Anjo dito sa room namin at nakita ko naman na nilagay niya sa kanyang nag ang bigay kong Stich na keychain. Nakakatuwa naman.

Sabay na kaming umuwi pero hindi na siya dumaan pa sa bahay. Hindi na raw siya maghahapunan sa bahay kasi tapos na naman ang aming deal kasi nag kaayos na kami ni Kuya eh.

"Ma may alis ka?" pagdating ko kasi sa bahay ay naka bihis si Mama pang alis.

"Oo may alis tayo. Ilagay mo muna yang bag mo dito sa sofa at aalis na agad tayo" sinunod ko naman si Mama at agad kaming umalis. Nag punta kami sa isang fashion designer kasi kukuhanan ako ng measurement para sa aking debut gown. Sa March na kasi ang birthday ko kaya ayun, nag peprepare na si Mama.

-

"Grabe ang bilis ng panahon.. Febuary na" walang ganang sabi ni Mamang habang nakayuko sa table dito sa cafeteria.

"Oo nga eh, maglilipana na naman yang mga puso puso dito" bitter na pagkakasabi ni Ate Shane.

Febuary 1 na kasi eh kaya nagiging bitter na naman yan sila. Hindi ko akalain eh na na Febuary na, two months at kalahati nalang ang natitira bago kami grumaduate.

Tapos na ang klase namin pero may meeting lang kami ngayon kasi alam niyo, Febuary is arts month din. May mga activities na naman kasi ang school eh.

"So guys, may bagong ganap ang taga Music. May broadway night kasi sila but.. mag paparticipate din tayo each class. Nag bunutan na kami kanina ng mga president at ang nabuot ko ay duet. So sino ang inonominate natin?"

I'd LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon