Chapter 1.2

202 33 6
                                    

Chapter 1 (Part 2)

*MeetBianca

Bianca's POV

Galing ako sa christmas party namin. And may dala akong pasalubong sa kapatid ko. For sure matutuwa sila. Buti nga at marami kaming natirang handa. Oversized tshirt ang suot ko at short na panlalaki. Idagdag mo pa yung palaging ayos ng buhok ko na nakapusod na pinapatungan ng sombrero.

Naglalakad na ako patungo sa'min ng may narinig akong mga lalaki. May pinagtutulungan silang bata.

"Hahahaha bakla ! Bakla ka pala eh takot ka dito !"Pangaasar nung isang lalaki.

Wala naman ginawa yung bata kundi umiyak. Lalong naginit ang ulo ko ng makita ko kung sino iyon. Kaya agad akong lumapit sa kinaroroonan nila. At sinapak ko yung matabang lalaki na nanghaharas sa kapatid ko.

Napahawak ito sa kanyang pisnge. Napatingin naman yung kasamahan nito na medyo payat at mukhang nag-aadik.

"Sinong may sabing ganyanin niyo ang kapatid ko!" Hindi ko pa man natatapos banggitin ang mga katagang iyon ay nagtakbuhan na sila. Nakahawak pa rin sa mukha yung matabang lalaki.

Oo na takot na sila sa akin. Isa ako sa kinatatakutang nilalang dito sa lugar namin. Eh sa nagienjoy akong makipagbugbugan sa mga lalaking adik.

Hindi ko alam kung bakit may mga lalaking walang ginawa kundi manglaban ng mas mahihina sa kanila.

"Okay ka lang ba Tonton?"

"Oo naman ate ! Thank u kasi dumating ka agad kung hindi baka kung ano na ginawa nila sa akin!"

"Pero tandaan mo to Tonton kailangan mo din maging matapang. Dahil hindi sa lahat ng oras ay makakasama mo ako !"

"Sige ate tara na baka malagot ka na naman ni mama."

Humawak siya sa kamay ko at tinahak na namin ang daan pauwi.

Agad kaming dumiretso sa bahay namin. Nakita kung nasa labas ng gate si Marites. Sino siya ? Ewan ko ! Hahaha biro lang siya ang ina ko. Na walang ginawa kundi ang kamuhian ako. Ewan ko ba diyan sa babaeng yan!

"Oh anong nabalitaan kung nagyabang ka na naman dun !"
Nakaasar niyang sigaw.

"Eh pinagtanggol ko lang naman itong si Tonton!" Mahinahon kung sambit. Alam niyo yung pakiramdam na parang wala ka ng ginawang tama ? Yung tipong lahat na lang mali para sa kanila !

"Alam mo sana mga minsan maisahan ka. Yung pagtulungan ka. Nang mawala wala ang kayabangan mo sa katawan. Ka babae mong tao ang hilig mong makipagbugbugan !"

Pake mo ba !

Hindi ko na lang siya pinansin pa at dumiretso na ako sa gate. By the way ako si Bianca Marie Flores. Isa ako sa hindi gusto ang pangalang ibinigay.

Anlambot mga dre!

Kaya naman gumawa ng sariling pangalan. BM or Bam mas trip ko yun. Oo na aaminin ko na tibo ako and never pa akong nagkacrush sa lalaki. Puro babae nagugustuhan ko.  Ang totoo niyan may girlfriend ako ngayon. And going strong kami. Five months na mula ng maging kami. Oh 'di ba talo ko kau mga dre. Iba ang diskarteng BM Flores.

Gustong gusto ko na nga magpagupit para magmukha na akong tunay na lalaki pero siguradong mapapatay ako ni Marites.

Hindi kami mayaman hindi rin naman kami ganun kahirap. May kaya lang kami sa buhay. OFW ang tatay ko. 5 years na siya sa Australia and miss na miss ko na siya. Siya lang yung natatanging kakampi ko noon. Tanggap niya kung sino o ano ako. Lagi niya ako noong ipinagtatanggol kay Marites. Pero mula ng umalis siya para magtrabaho wala na.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon