Chapter 39

31 2 15
                                    

*PSInDanger

Gardo's Point of View

"Anak magalmusal na tayo,"sigaw ng aking ina na nagpagising sa akin.

Agad akong bumangon chineck ko muna ang phone ko. May message pala kagabi si Bianca sa'kin. Binasa ko iyon at natuwa ako dun.

Gardo magkikita na kami ni Princess. Papatawarin na niya yata ako.

Masayang balita nga yun. Tamang tama sa umagang ito. Hindi ko na kasi iyon nabasa kagabi dahil maaga akong nakatulog. Pero nakapagtataka dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-contact si Kurt.

Hinayaan ko na lang iyon. Baka kasi namimiss niya pa rin ang tatay niya. Alam kong mahirap pa rin para sa kanya ang pagkawala ng tatay niya.

Matapos naming magalmusal ni nanay ay napagdesisyunan kong puntahan ni Bianca. Alam kung masayang masaya yun ngayon.

Wala pa rin si tatay. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Galit talaga siya sa akin eh. Baka pumunta sa iba niyang kamaganak. Tatlong araw na siyang hindi umuuwi eh.

Pagkarating ko sa kila Bianca ay sinalubong ako ni tito Aldrin.

"Si Bianca po ba gising na?"

"Ang totoo niyan Gardo hindi namin alam kung asan siya. Akala nga namin nasa kuwarto siya natutulog pero sabi ni Tonton wala na ito paggising niya."Nagumapaw ang kaba ko sa aking narinig. Saan naman kaya nagpunta yun.

Bigla kong naalala ang text niya sa'kin. "Ah tito baka po na kila Princess. Nagtext po kasi siya sa akin kagabi na magkikita sila."

"Naku salamt naman sa Diyos. Akala namin kung anong nangyari na kay Bianca."  Natutuwang sambit ni tita.

"Sige po pupuntahan ko na lang po siya."

Agad akong umuwi sa amin at nagbihis. Naloloka ako sa mga ganap. Grabe hindi ko inexpect na makikisleep over pa si Bianca kila Princess. Sobra siguro nilang namiss ang isa't-isa.

Kaloka what if may mangyari sa kanila? Tapos mabuntis si Princess. Eh katawan ko pa naman yun. Acckkkk hindi pa ready maging ama ang katawan ko wahhhh.

Natawa na lang ako sa pagiging overthinker ko. Alam ko namang may respeto si Bianca kay Princess.

Nang makarating ako dun ay nakita ko agad ang nanay ni Princess. Nagwawalis ito sa may kalsada. Agad akong lumapit dito upang itanong ang pakay ko.

"Oh iha bat napapasyal ka?" tanong nito.

"Ahmm Tita si Bi—Gardo po ba anjan?"

"Wala eh bakit?"

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Para bang may kung anong nagtatambol dun.

"Ma sino yan?" Lumabas ng gate si Princess. Nagulat siya nang makita ako.

"Princess nakipagkita ka ba kay Gardo kagabi?"

"Bakit naman ako makikipagkita sa kanya?"

"Princess kasi si Gardo nagtext sa'kin kagabi. Magkikita na raw kayo and papatawarin mo na siya."

"Hindi totoo yun. Hindi ako nakipagkita kay Gardo kagabi. Ano ba nangyari?"

"Si Gardo kasi nawawala,"natigilan si Princess sa sinabi ko. Alam kong may nararamdaman pa rin siya kay Bianca kaya naging ganun ang reaksyon niya.

"What? Are you serious? Teka pa'no niyo naman nasabing nawawala?"

"Eh kasi paggising ni Tonton wala na raw ito. And hanggang ngayon wala pa rin. Akala ko nga andito siya eh."

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon