Chapter 40

26 3 15
                                    

*PSWrongTimingSwitch

Bianca's POV

Puting kisame ang bumungad sa aking paningin. Nawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Salamat sa Diyos at ligtas ako. Akala ko katapusan ko na.

Napatingin ako sa kamay ko. May nakakabit na dextrose. Pero isa ang mas nagpagulat sa'kin. Totoo ba ito? Nakabalik na talaga ako sa katawan ko. Labis na saya ang aking nadama nang maisip ko iyon. Agad naman iyong nawala dahil sa mga posibilidad na naiisip ko.

Gardo!

"Oh Gardo anak buti gising ka na. Sobra akong nagalala sa'yo. Akala ko kung napaano ka na. Bigla ka raw kasing hinimatay sabi nung tita ni Bianca eh."

Hindi ito puwede! Totoo ba ang naiisip ko? Kung nakabalik na ako sa katawan ko. Ibig sabihin nakabalik na rin si Gardo sa katawan niya!

"Nay hindi po ako si Gardo." Natigilan siya sa sinabi ko. Ano ba naman ang nangyayaring ito. Napakawrong timing naman masyado.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ako na po si Bianca. Nakabalik na po ako sa katawan ko. Si Gardo po ba nailigtas na po ba?"

Unti-unting pumatak ang mga luha sa pisnge niya. Anong ibig sabihin nun? Pati ako ay naiiyak na rin sa mga posibilidad. Kasalanan ko ito!

"Ibig sabihin si Gardo na talaga yung nakuha sa may tulay? Anak ko pala talaga ang kritikal ngayon." Tuluyan nang humagulhol sa pag-iyak ang nanay ni Gardo. Alam kung masakit para sa kanya iyon. Buong akala niya ako pa rin ang anak niya.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama. Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Kasalanan ko ang nangyari. Ako ang may kontrol sa katawan pero hindi ko man lang nagawang iligtas iyon.

Habang magkayakap kami ni nanay ay bumukas ang pintuan. Ang tatay ni Gardo iyon. Napangiti ito nang makita ako. Ang weird akala ko ba galit pa rin siya kay Gardo.

Nang maramdaman iyon ng nanay ni Gardo ay kumalas ito sa pagkakayakap sa'kin. Hinarap niya ang  asawa at galit itong tiningnan. Pinahid ni nanay ang luha sa pisnge niya.

"Anong ginagawa mo dito ha!?" Galit nitong sigaw dito.

"Masaya ako na okay na ang anak natin." Sambit nito sa asawa.

"Wag kang umarte na may pakialam ka sa anak natin. Buong buhay niya gusto lang niya ang matanggap mo siya. "

Bigla itong lumapit sa akin. Umupo ito sa tabi ng kama ko. Hinawakan niya ako sa pisnge. "Anak patawarin mo ako sa mga nagawa ko. Masyado akong naging makasarili. Dapat isa ako sa unang makakaintindi sa'yo. Pero ako pa talaga ang unang nagparamdam sa'yo na wala kang kwenta. Pata—"

"Hindi na po ako si Gardo. Nakabalik na po ako sa katawan kong ito." Bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka. Alam kong mahihirapan na naman siyang paniwalaan ito pero sana talaga nagbago na siya.

"Hindi na siya ang anak natin. Nakabalik na sila sa sarili nilang katawan. At alam mo ba kung nasaan ang anak natin ngayon ha?" Muling pumatak ang mga luha ni nanay. Hindi naman maipinta ang mukha ng asawa nito.

"Asan ang anak natin. Asan si Gardo?" tanong nito.

Iyon ang pinapangarap ni Gardo. Ang marinig mula sa ama niya na tawagin siyang anak. Buong buhay niya iyon lang ang hinihiling niya. Ang matanggap bilang anak.

"Kritikal siya ngayon Diosdado!"

Tuluyan nang naluha ang matigas na ama ni Gardo. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kaemosyonal.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon