Chapter 45

33 4 26
                                    

*PSLoversQuarrel

Kurt's POV

Excited na ako ngayon dahil sa wakas makakapasok na ako. Kadarating lang namin kahapon da bahay nila Kuya. Dalawang Linggo pa lang kami nagi-stay sa probinsiya ay binawian na ito ng buhay. Mukhang hinintay lang talaga niya kami. Masaya ako dahil sa nalalabing araw niya ay naging masaya siya kasama kaming mga apo niya.

Masaya rin ako dahil  naiintindihan ako ni Kuya Kyle. Pagkarating namin sa probinsiya ay nagkausap kami.

Flashback

Pagkarating namin sa probinsiya ay sinalubong kami doon ng sariwang hangin. Nasa dulo ng palayan ang bahay nila lola kaya kinailangan pa naming tumawid ng pilapil. Doon din nakatira ang iba naming kamaganak na siyang nagiging tagabantay kay lola.

Bakas sa mukha ni lola ang labis na kasiyahan nang makita kami. Medyo mahina man ang kanyang oandinig ay malinaw pa rin naman ang kanyang mata. Ayon napuno ng kwentuhan ang araw nang pagdating namin dun.

Kinabukasan ay nagpunta kami nila kuya Kyle at kuya Kier sa manggahan sa likod  ng bahay nila lola. May iba't-ibang puno at halaman rin doon. Sobrang dami naming napitas na bunga. Tamang tama nga raw ang aming dating dahil puwedeng puwede ng anihin ang mangga.

Matapos iyon ay sobrang nabusog ako sa mangga. Naisip kong manatili sa likod bahay. Masarap kasi ang hangin kaya okay na okay ang feeling. Nagulat naman ako nang tinabihan ako ni Kuya Kyle sa inuupuan kong putol na puno na nakahiga sa lupa.

"Bat 'di mo naman sa'kin sinabi agad na hindi pala babae ang girlfriend mo?" nagulat ako sa naging tanong nito.

Hindi ko akalain na naalala niya pa yun. Akala ko kasi ay binalewala na niya yun hindi naman niya kasi nabanggit habang kami ay nasa biyahe papunta rito.

"Kuya sorry takot kasi ako na magalit ka sa'kin."

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Naiintindihan kita at alam ko ang pakiramdam."

"Anong ibig mong sabihin kuya?"

Napaayos naman ako ng pwesto sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit alam niya raw ang pakiramdam.

"Alam ko ang pakiramdam dahil bakla ako."

Napanganga ako nang marinig ko yun. Buong buhay ko akala ko napakaperpekto ng kuya kong ito. Never pumasok sa isip ko na may tinatago siya sa'min.

"Kuya totoo ba ang narinig ko?"

"Oo pero mas pinili kong itago ang totoong ako. Nabuhay ako sa isang pagpapanggap."

"Grabe Kuya hindi ko inexpect yun ha."

"Pero sana wag mo munang sabihin kina Kier at  Ate Kristene. Mas makakabuti yun wala rin naman kasing mangyayari kung malalaman nila."

"Pero kuya nainlove ka na ba sa babae kahit minsan?"

"Nope,unlike you na nagkagirlfriend na. You are a bisexual naattract ka sa girls and at the same time pati na sa boys."

"Thank you kuya kasi pakiramdam ko gumaan ang buong sistema ko. Nakakalungkot lang dahil hindi ko ito nasabi kay tatay at nanay bago sila mawala."

"Ako rin naman eh pero isipin na lang natin pinapanood nila tayo sa taas. At ngayon sigurado akong masaya sila dahil finally naging totoo na tayo sa sarili natin "

Niyakap ko na lang si kuya dahil dun. Ginantihan niya naman ako nang mahigpit na yakap. Nang mga sandaling iyon nakahanap ako ng kakampi. Kakampi na siguradong magbibigay pa ng lakas ng loob para ipaglaban ko kung ano ang nararamdaman ko para kay Gardo.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon