Chapter 47

35 3 30
                                    

*PSOurHeartsDesires

Bianca's POV

Kinabukasan ay hindi pa rin sa'kin sumabay si Gardo. Okay naman na kami pero kay Warren na lang daw siya sasabay. May bago raw kasi itong motor. Haiisttt mukhang makakalimutan na ni Gardo si Kurt. Ito naman kasing si Kurt apakaseloso.

Pagkarating ko pa lamang sa school ah hinanap ko agad si Princess. Kailangan ko siyang makausap! Naabutan ko naman siya kung saan siya palagi tumatambay. Sa ilalim ng puno na may pabilog na mesa at upuan sa tabi.

"Princess puwede ba kitang makausap?"

"Bianca,"masiglang bati nito.

Makikita ngayon sa kanyang mukhang ang labis na saya. Hindi ko rin naman mapigilang matuwa sa loob ko.

"Napanood ko yung vlog mo."

"Talaga?"

"Oo gusto ko lang sanang malaman kung totoo ba ang lahat ng yun."

"Oo naman Bianca sorry kung ngayon ko lang narealize. Sorry kung ngayon lang ako gumawa ng paraan."

"So mahal mo talaga ako bilang ako?"

"Yup! And handa na akong sumugal para sa ating dalawa."

Nang marinig ko iyon ay awtomatiko akong napakayakap sa kanya. Sobra akong napapasaya nang mga salitang binitawan niya. At kung isa na naman itong panaginip. Sana lang hindi na ako magising.

"Ibig sabihin ba nito hmmm?"

"Oo tayo na ulit. And this time no more secrets."

"Promise!"

Nagpinky swear pa kami pagkatapos noon. Hindi ko talaga akalain na mangyayari pa ulit ito. Masaya ako na nagkabalikan kami ni Princess. Kung sana nilawakan ko lang ang pang-unawa ko noon pa eh di sana hindi na kami umabot sa ganito. Oo may kasalanan din naman si Princess tulad ng hindi niya agad sinabi sa'kin ang totoo. Na late na lang niya narealize kung gaano ako kagwapo para hiwalayan. Yung mga ganoong bagay hahaha.

———————

At dahil ayos na rin kami ni Gardo ayon si Kurt  si Freda ang kasama. Hindi ko gets kung ano pang hinihintat niya para lumapit ulit siya kay Gardo. Matagal na rin mula nang magbalik siya pero hanggang ngayon hindi pa rin siya lumalapit kay Gardo. Alam kung nahihirapan na siya dahil magkakaklase lang naman kami eh.

"Gardo musta ang pagsabay sa bestfriend mo sa motor?" usisa ko.
Magkatabi kami ngayon sa upuan dahil wala pa naman ang next teacher namin.

"Okay naman bakit?"

"Ahmmm ganoon din ba ang feels kapag umaangkas ka noon kay Kurt?"bulong kong tanong.

"Sira pare-pareho lang naman yun eh kaloka ka!"

"Eh kasi naman tuwing magkasama kayo ni Warren hindi ko mapigilang isipin na baka nahulog na kayo sa isa't-isa."

Halata sa mukha niya ang pagkabigla. Totoo naman kasi na may chance na magkainlaban silang dalawa. Sobrang close kaya nila tapos childhood friend pa.

"Hoy kaibigan ko lang si Warren parang ikaw lang at si Lauron. Nothing less nothing more kaloka twoahhh."

"Napansin ko lang naman. By the way kami na ulit ni Princess." masaya kong tugon.

"Wow congrats sa inyo stay strong na kayo ha. Kaloka kayo love niyo naman pala ang isa't-isa pinatagal niyo pa."

"Nangyari na yun okay ang mahalaga okay na kami. Eh kayo ba ni Kurt kelan magkakaayos?"

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon