Chapter 12

97 20 3
                                    

*PSFirstDayOfSchool

Gardo's POV

This is it pancit ! First day of school na namin. Medyo kinakabahan ako kasi senior high na at feeling ko more hirap. Kung mahirap na sa junior high mas hihirap pa dun. Pero yakang yaka ko toh mga sis. Si Aketch pa ba ? Saka kasama ko naman si Bianca.

Magmumukha akong transferee mamaya kasi nasa katawan ako ni Bianca. Sabay na ako kay Tito Aldrin dahil dun naman siya nagtuturo. Baka nga maging teacher namin siya. May kotse naman si Tito.

"Tito okay lang po bang makisabay si Gardo ?" tanong ko.

Alam ko kasing hirap sila nanay sa pera at baka kunti lang ang maipabaon nila kay Bianca. Sayang pa kung mamamasahe pa ito.

"Ate crush mo ba si Gardo?" biglang tanong ni Tonton na ngayon ay katabi ni Tito sa may driver seat.

"Uy magkaibigan lang kami kaw talaga Tonton masyado kang ano jan!" sambit ko kay Tonton.

"Eh kasi masyado kang concern sa kanya. Gusto mo lagi kayo magkasama. Pero wag kang mag-alala ate mas boto ako dun kay Kuya Gardo kesa sa mga babae mong chix. Masaya din ako na nagiging tunay na babae ka na!"

Natawa na lang ako at si tito sa mahabang speech ni Tonton. Kalerke tong batang itey gagawin pa akong tomboy.

Agad akong bumaba sa kotse at pinuntahan si Bianca. Nang nasa tapat na ako ng bahay ay kinabahan ako. Ngayon pa lang ulit ako nakapunta dito matapos ang pagpapalitan namin ni Bianca. At hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Miss na miss ko na ang taong kaharap ko ngayon. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing miss na miss na miss ko na siya.

"Iha sino ka ? Ano ginagawa mo dito?"tanong niya sa akin.

Ang sakit isipin na hindi niya ako makilala dahil nasa katawan ako ng ibang tao. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi ang panindigan na ako si Bianca.

"Kaibigan po ako ni Gardo. Ako po si Bianca....pagpapakilala ko. Sabay na po kami papasok may kotse naman po yung tito ko para makatipid po siya sa pamasahe."dugtong ko pa.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Bianca suot ang uniform na bili ng tita niya. Ang gwapo ko pala pag nakauniform at bagong gupit mga sis. Bonggacious ang awrahan namin ngayon. May gel ang buhok niya samantalang ako ay hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Nagheadband lang ako ng kulay pink medyo manipis lamang ito.

"Lets go!"masiglang bati niya sa akin.

After a million years ay bumababa na kami sa kotse ni Tito. This is it pansit!  Namiss ko ang school my gosh. Hindi na kasi ako nakapunta dito nung enrollment dahil si Tito Aldrin na ang nagasikaso. Si Bianca naman ay hindi na nahirapan pa dahil siya naman ako remember. Dito din ako nagaral ng junior high eh.

Sabay kaming pumasok ni Bianca. Si tito naman ay dumaan muna sa principal's office.

"Gardo ikaw bahala sa kin ha. Hindi pa ko familiar dito eh!"sambit ni Bianca na napatigil pa sa paglalakad.

"Oo ako bahala. Pero tandaan mo ito Bianca kelangan mong magpanggap na ikaw pa rin si Gardo kahit na lalaki na ang kilos mo. Ganun din ang gagawin ko paniniwalain ko sila na bago lang ako dito!"

Sa secondfloor pa ang room namin. Tatlong floor ang building na ito buti hindi kami sa third floor.

Pagakyat namin ay agad kaming dumiretso sa room namin. May ilan na din dun. Pamilyar sila sa akin dahil kaklase ko na sila before.

Pero malamang sa alamangs hindi pa sila pamilyar sa akin.

Pagpasok namin sa loob ng classroom ay magkatabi kaming naupo ni Bianca. Hanggang sa dumating na yung teacher at pinatayo na ako upang magpakilala.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon