Chapter 15

94 18 12
                                    

Dedicated to PogichoGwapoisig
Thank you for supporting this story. Thank you so much din sa cover na ginawa mo.

*PSKissOfPain

Bianca's Point of View

Maaga kaming nakapasok ni Gardo dahil may kailangan daw asikasuhin si Tito Aldrin sa school. Maaga rin ako nakatulog kagabi.

Miss ko na yung nanay ni Gardo. Nakakatawa lang na mas namimiss ko pa yung hindi ko tunay na ina kesa sa ina kong nagluwal sa akin sa mundong ito. Nang mapansin ko si Princess na nakaupo at mukhang nalulungkot ay nagpaiwan na ako kay Gardo. Busy din naman kasi si Gardo sa pakikipagusap kay Lauron eh. Puro kalandian ang mga baklang yun umagang umaga tsk!

Nilapitan ko si Princess. Umupo ako sa tabi niya. Nasa may ilalim kami ng puno namay nakapalibot na lamesa na kahoy. Nakaupo siya dun at mukhang malungkot siya. Dahil siguro aa nasaksihan niya kahapon na eksena ni Eldon at baklang Gardo. Kinuwento kasi sa akin ni Gardo na nagkaroon ng dare dare tapos ayon nahulog siya sa katawan ni Eldon.

Inabutan ko siya ng panyo. Napansin ko kasi na pumapatak na ang luha niya eh."Cess anong nangyari sa'yo? Bakit ka malungkot?"tanong ko. Napatingin naman siya sa akin.

"Si Eldon kasi pakiramdam ko nagtataksil siya sa akin. Di ba palagi mo kasama yung Bianca may alam ka ba tungkol sa kanila? May namamagitan ba sa kanila?"sunod sunod niyang tanong na nakapagpatigil sa akin.

"Ang alam ko wala kung yung nakita mo kahapon yun. Nagkaroon lang ng dare tapos aksidenteng nahulog si Bianca sa katawan ni Eldon. Sorry nakwento kasi ni Bianca  yung nangyare kahapon eh!"paliwanag ko.

"Kahapon ko pa hindi kinakausap si Eldon eh. Di ko sinasagot mga tawag at text message niya. Naiinis ako sa kanya. Hindi por que mabilis niya akong napasagot ganun ganun na lang niya ako dapat kadaling iwan!"siya.

"Talaga? Mabilis ka lang niya niligawan ?"tanong ko.

"Oo eh nung first day ko dito sa school na ito. Hindi na niya agad ako tinigilan. Kinuha niya number ko at kinulit. Kakaiba yung mga banat niya eh. Kaya nung isang araw lang sinagot ko na siya. Narealized ko na baka tama yung kasabihan na hindi panliligaw ang pinatatagal kundi ang relasyon dapat!"natawa na lang akpoo sa sinabi niya.

Ibang klase! Nagpakaeasy to get siya para lang kay Eldon na yun. Na for sure lolokohin lang siya. Halata naman kasi sa itsura ni Eldon na hindi siya nagsiseryoso ng babae.

Isa siyang malaking pafall na dapat itinutulak sa third floor ng senior high  building!

"Bat ka natawa?"tanong niya.

"Wala lang natatawa ako sa sinabi mo. Masyado kang mapaniwalain sa kasabihan. Ahmmm para sa akin mas okay yung matagal kang liligawan para mas makilala mo muna siya. At malaman mo kung gaano siya kaseryoso sa'yo. Kaya hindi ako agree sa pinaniniwalaan mo. Dahil kung ganun lang kadali ang ligawan malamang  mabilis din matatapos ang relasyon!"

Ang haba ng speech ko ah. Pwede na ba nkyang hiwalayan yung jowa niyang polpol na yun para ako na ang manligaw sa kanya.

"Thank you sa advice. Pero willing na akong patawarin si Eldon. Narealized ko na masyado lang ako naging overacting sa nakita ko. Hindi  ko muna pinakinggan yung side niya!"sambit niya.

Tuluyan na siyang nagpaalam sa akin. Hayyss bahala siya sa buhay niya. Makapunta na nga lang room. Naglalakad na ako paounta dun ng biglang may humarang sa akin.

"Uy baklang Gardo kelan ka pa natutong manlandi ng babae?!"tanong ng isang baklang kala mo naman ay ubod ng ganda. May kasama siyang dalawa pang bakla.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon