Chapter 2.1

183 30 6
                                    

Chapter 2 (Part 1)

*GardoMeetsMangTasyo

Pagkagising ko ay agad kong hinagilap ang touchscreen kong phone. Pagkakuha ko nun ay napapikit ako ng marealized na keypad nga pala ang cp ko. Okay lang ito atleast may pantext at pantawag na ako.

Agad akong bumangon para magimpis ng hinigaan ko. Tiniklop ko na ang banig at ipinatong ang unan ko.

Its a Good Good morning everyone dahil christmas vacation na. January pa ang balik namin and December 14 pa lamang ngayon.

Its laba laba day na naman. Ilang araw akong hindi nakapaglaba dahil may pasok and every Saturday or Sunday lang ako may time. Ako ang nagsisilbing may bahay dahil nasa trabaho si mudra then pilay naman si pudra .

Lahat na ginagawa ko para matanggap ako ni pudracles pero walang epekto lahat ng yun. Minsan nasasabi ko sa sarili ko what If pinanganak na lang akong straight. Yung tipong walang bahid ng kabaklaan sa katawan. Mamahalin kaya niya ako kagaya ng pagmamahal ng ibang tatay sa kanilang mga anak.

Obviously Yes !

Matapos akong maglaba ay agad kung sinampay ang mga damit . Magsasaing naman ako para pagdating ni mudra from work eh 'di makakakain agad siya. Pagbukas ko ng balde ng bigas ay nashock ako. Dahil wala na pala itong laman. Jusme mamaya pang alas kuwatro ang uwi ni mudrakels.

For sure wala namang pera si pudra dahil ubos na sa sigarilyo at kung ano ano pang bisyo nito.

Agad akong gumarabels hahanap ako ng solusyon sa aking problema!

So ayon ilang tindahan na ang napuntahan ko. Pero ngangabels pa rin ang lola niyo. Paano ba naman lahat ata ng tindahan dito malapit sa amin ay nautangan na namin. And super haba na daw ng mga listahan.

Nawawalan na ako ng pagasa!

Naglakad lang ako ng naglakad at namalayan ko na lang nasa isang malawak na kaparangan na ako ! All my life ngayon pa lang ako nakakarating dito. May nakita akong isang mukhang kubo . Teka mukha siyang tindahan. May bigas kaya dun ?

Agad akong tumakbo palapit sa tindahan. At sadyang minamalas talaga ako ngayon. Nadapa lang naman ako at nadapaan ko ang dumi ng baka or kalabaw ata .

Eeeeewwwww !

Bumangon ako and kitang kita ko ang nakadikit na dumi sa damit ko. Huhuhu.

Nang makalapit ako sa kubo ay nagulat ako. Dahil hindi lang pala basta kubo ang naroroon. Isa iyong animo'y tindahan ng ibat ibang kagamitan.

Isang matandang lalaki na puting puti na ang buhok ang bumungad sa'kin.

"Hello po tatanong lang po sana kung may bigas po kayo. And kung puwede makautang ?" medyo nahihiya kung sambit.

"Hindi ako nagpapautang. Dahil ...

Napatingin ako sa karatulang nakasulat sa taas na bahagi ng kubo . Sosyal na kubo to be exact !

Switch It For You

"Hmmmm so may bigas po ba kayo ? "

"Lahat ng nais mo iho ay nandito kaya ano pang hinihintay mo ibigay mo na ang bagay na kapalit !"

Ay bonggaciousss !

Nagisip ako kung ano ba ang dapat kong ipalit. Napatingin ako sa suot kong porselas na pink. Bigay to ni Lauron pero no choice ako ito lang ang tanging dala ko. Saka alam ko namang nabili lang niya ito ng tig-limang piso kaya gora !

" Ito po !" Sambit ko matapos kung tanggalin ang porselas. Agad kong inabot sa kanya.

Agad pumasok sa isang silid ang matanda! At paglabas nito ay dala na rin niya ang isang kilong bigas na nasa kulay pulang lalagyan. Sosyal ng plastic hindi basta basta. May design pa kasi iyon .

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon