Chapter 24

43 10 16
                                    

*PSLoveBlooms

Bianca's POV

Masaya ako dahil kahit papaano ay nawala ang galit ko kay Janna. Mula noong magusap kami. Natutuwa rin ako na ayaw niyang mag-asawa muli ang Dad niya. Pero hindi pa rin talaga alam ni papa na ang magaling niyang asawa ay nasa kandungan na ng isang mayamang nilalang.

Papunta ako ngayon sa isang restaurant. Manlilibre raw kasi si Mam Lustado dahil sa pagkapanalo ni Gardo. Nakakaproud tuloy na yung katawan ko ang nagamit niya para matupad ang mga pangarap niya.

"Gardo ang iksi naman masyado ng suot mo!" Sabi ko matapos makita ang suot niyang blouse na labas ang pusod at short na napakaiksi.

"Uy minsan kailangan din nating magpakasexy. Saka wag ka maingay Gardo ka ng Gardo jan mamaya may nakarinig sa'yo."

Natawa na lang ako sa kanya. Infairness ang sexy ko palang tingnan pag nakaganyan. Buong buhay ko hindi ako nagsuot ng ganyang klaseng kasuotan.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ni Gardo. " Hello Kurt napatawag ka?" Tanong nito.

[Gardo sa bahay na lang daw ni Mam Lustado. Magluluto na lang daw siya at magpapadeliver.  Send ko sa'yo address.]

"Okay!"

Agad naman kaming sumakay ng tricycle para pumunta sa bahay ni Mam Lustado. Nakaloud speaker yung phone ni Gardo kaya dinig ko ang sinabi ni Kurt.

Kumatok kami sa maliit na gate. At maya maya pa ay lumabas na si Mam. Agad niya kaming pinapasok sa loob. Wala pa yung iba naming kaklase.

Ilang oras din ang aming pinaghintaya at dumating ang iba naming kaklase. Nasa sampu lamang ang pumunta. Masaya kaming kumain at matapos ang ilang oras na kasiyahan ay naisip na naming umuwi.

"Gardo,Bianca sa'kin na kayo sabay. "

"Ah hindi na  Kurt may pupuntahan pa kami eh." Sabi ni Gardo didiretso kasi kami ngayon kina Princess. Ininvite niya kami sa kanila.

"Ah sige ingat nalang kayo."

Pinaandar na niya ang kanyang motor. At tuluyan ng nilisana ng kinatatayuan namin. "Nabusog ako ng sobra Bianca!"

"Hahaha takaw mo kasi may plano ka pa yatang patabain ang katawan ko."

"Uy hindi noh. Okay na sa'kin ito. Sexy and gorgeous body!"

"Wow ha dami mong alam tara na!"

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay nila Princess. Agad naman niya kaming pinapasok. Birthday daw ng tatay niya kaya niya kami inimbitahan.

"Kain kayo ng marami jan ha," sambit ng tatay ni Princess.

Patuloy naman sa paglalagay ng pagkain sa mesa ang nanay niya. "Uy buti nakarating kayo. Sabi ko nga ay iinvite ni Princess lahat ng kaibigan at kaklase niya dito. Sabi naman niya ay ayaw niya. Napakamapili talaga ng anak ko sa mga kaibigan. Kaya sure akong mabait kayo!"

"Ma wag ka naman pong madaldal jan kumakain sila eh." Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Bianca.

"Ano ka ba naman  sinasabi ko lang ang gusto ko sabihin. Eh mamaya ay manganta kayo dun sa labas ng mag-enjoy naman kayo." Sabi pa nito sabay diretso sa labas para asikasuhin ang iba pang bisita. Nasa loob kasi kami ngayon at sa labas naman nila naroroon ang ibang bisita. May mga nagiinuman,kantahan at nagkukwentuhan doon. Dito kami pinakain ng mama ni Princess para raw hindi kami maguluhan sa labas.

"Grabe ang bongga ng handa niyo Princess. Kaloka feeling ko malilimutan ko na kung sino talaga ako." Bigla namang salita ni Gardo na nilalapang ang lumpiang shanghai at sinusundan ng spaghetti.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon