Chapter 3.2

123 24 6
                                    

Bianca's New Year

Bianca's POV

Maaga akong gumising ngayong araw. Bagong taon na mamaya ibig sabihin makakasama na namin si Papa.  Pagbaba ko ng double deck ay tulog na tulog pa si Tonton sa ibabang bahagi nun. Ayokong matulad sa paskong nagdaan na hindi naging masaya ang araw na ito. Wala kasi si Papa nung pasko kaya ang boring.

Excited na ako mamaya!

Matapos maligo ay nagluto ako ng almusal. Buti na lang at nasa lungga pa rin niya si Marites. At wala akong pakialam kung hindi na siya lumabas dun.

Pagkagising ni Tonton ay agad ko siyang binigyan ng pagkain. Bacon at hotdog ang ulam. Nagsangag din ako .

"Ate ano oras uwi ni Papa ?"
Tanong ni Tonton. Excited na rin siyang makita ang papa niya.

"Maya maya lang darating na yun!"
Nginitian ko lang siya. Hindi na nagpasundo sa airport si Papa dito na daw diretso niya para tipid .

Sayang nga eh matagal na rin mula ng huli akong makapunta sa airport.

Tahimik lang kami sa pagkain ng biglang nabulahaw ang katahimikan. Lumabas na sa lungga niya si Marites.

"Pagtimpla mo ako ng kape Bianca bilis!" Oh 'di ba ang sarap niyang sapakin. Kaaga agad nambubuiset.

Siya na nga lang magpapatimpla siya pa itong dalian.

Ibang klase !

Habang nagtitimpla ay naalala ko ang ginawang panloloko sa akin ni Janna.

Buiset siya !

Pagkaabot ko ng kape ay agad na humigop dun si Marites. At laking gulat ko ng maisupla niya sa akin ang kape.

"Putangina bakit ang pait nito ! Alam mo naman na ayaw na ayaw ko yung mapait mahirap bang intindihin yun !"

"Eh kayo na nga lang po ang pinagtimpla aarte pa kayo ! Bat 'di kasi kayo ang magtimpla ng hindi aga aga ang ingay niyo kahiya sa kapitbahay !"

Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Tonton. Nainis na rin siya siguro sa araw araw na sumbat sa akin ng babaeng to.

Nilapitan nito si Tonton at hinawakan ang baba.

"Wala kang galang gagaya ka pa sa ate mong hayop ang ugali !"

Hindi na ako nakapagtimpi. Saktan na niya ako wag lang ang kapatid ko !

Inawat ko siya kaya ako naman ang pinagbuntuhan niya . Hawak niya ang buhok ko at pati na ang mga braso ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Pilit niya akong sinusobsob sa lamesa.

"Matapang ka talaga eh no ! Dapat sa'yo turuan talaga ng leksyon . Tanda tanda mo na wala ka pa ring pinagkatandaan !"

"Kung hayop ako eh mas hayop ka mana mana lang yan !"
Sarkastikong sabi ko.

Lalo niyang diniinan ang ginawa niya. Hindi ako makagalaw at makalaban sa kanya.

"Marites tigilan mo ang anak naten !"

Isang boses na nagpabuhay sa aking pagasa. Dinig ko na ibinagsak niya ang  maleta ata at lumapit sa amin.

Sa wakas nabitawan din ako. Agad akong lumapit kay Papa at yumakap.

"Pa buti dumating ka po. Plano na niya akong patayin. Hindi siya nagtagumpay noong bata ako dahil dumating kayo at ngayon niligtas niyo po ulit ako." Pagsusumbong ko na parang bata.

"Pagsabihan mo yang mga anak mo lumalaking walang respeto !"

" Pa sinasaktan niya din po ako" sumbong naman ni Tonton.

Perfect SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon